Sandra's POV "Hey, Baby? Bakit hindi kapa nakaready?" "Tinatamad na ako, ayoko nang pumunta," gumulong pa ako sa queen size bed ko. "Anong tinatamad? Tumayo kana at magready, the party is about to start in an hour!" tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" inirapan ko pa siya. Kainis! Tinatamad nga ako eh --, "Eh kasi po, sa akin ka binilin nila Renz at Papa," "Papa?" umupo ako at tinaasan pa siya ng kilay. "Sinong Papa?" ang alam ko, Daddy ang tawag niya kay Tito John, and besides, bakit naman ako ibibilin sa kanya ng tatay niya, diba? "Si Papa! Papa Ben!" "Bakit nakiki-Papa ka? Kapatid ba kita." pagtataray ko pa. "Sus, doon din naman yung punta natin eh," todo-ngiti pa niyang sagot. "And who told you so?" Nakita ko naman na nagulat siya tanong k

