James Jared' POV Maaga akong gumising para maghanda ng Breakfast namin ni Sandra. I know that she will freak out kapag nalaman niyang hindi ko siya inuwi sa bahay nila. Gising na kaya siya? Well, her room is just next to mine kaya sumilip na ako doon bago ako bumaba sa kusina. Naabutan ko naman siyang nahihimbing sa pagkakatulog. Nagtuloy na ako sa kusina para makapag-handa nang makakain namin. Madali naman na sa akin ito dahil madalas kong tulungan si Mommy Tess sa pagluluto kapag maaga akong nagigising. It happens that cooking is my forte too. Simpleng breakfast lang naman ang hinanda ko, fried rice and bacon, nagprepare din ako ng pancakes, clubhouse sandwich at orange juice just in case na mas gusto ni Sandra ang Continental food. Nang matapos na ako sa paghahanda, pumanhik na ako s

