Sandra's POV Tahimik lang kami ni Renz buong biyahe. Maybe he's also thinking. Sa isang parang malaking bodega kami nakarating at naabutan namin yung magkambal na Bea at Bell na naglalaro ng bato-bato-pick. See? they're just kids. "Oh! Hi there!" kumaway pa si Bell? Seriously, I don't know. Buti na lang hindi kami Identical ni Renz. Ano kayang itsura namin kapag nagkataon? Geez. I can't imagine! "Justin! They're here!" sigaw naman nung isa pa. Sumilip naman mula sa second floor yung lalaking nagligtas sa akin kanina. Ngumiti siya at sinenyasan kaming pumanhik. Wala sa loob pa akong napahawak sa laylayan ng suot na polo shirt ni Renz habang pumapanhik kami. Nasa likuran naman namin yung kambal. Nang makapasok kami sa loob, may tatlong lalaki at isang babae ang mga nakatali sa pader.

