Chapter 16

1418 Words
Hindi maiwasan ni Cedric ang paglundag ng kaniyang puso habang pinapanood si Kaithlyn. He's a racer but looking how dangerous it was, hindi niya maiwasan ang kabahan para sa kalagayan ng dalaga. Ang mga alanganing pagliko at paggewang ng motorsiklong sakay nito ay hindi rin nakalampas sa kaniya. Damn! He shouldn't be feeling like that but he can't help it. "Relax!" narinig niyang wika ni Billy sa kaniyang likuran. Tinapunan lamang niya ito ng tingin bago muling ibinalik ang tingin sa dalagang malapit nang matapos. Hanggang tuluyan na nang natapos ang race and Kaithlyn won third place. Hindi kaagad siya lumapit dito nang makababa na ito dahil nauna na si Billy sa kaniya maging ang ilang crew nito upang alalayan at i-congratulate ang dalaga. Bitbit ang helmet nito ay tinungo na nito ang kubol at doon ipinagpatuloy ang eksena sa labas. At gustong niyang magalit dahil parang hindi siya nakikita ng dalaga. Ni hindi man lang siya nito kinausap. "So saan tayo mamaya?" tanong ni Billy sa dalaga. "Ah ikaw na ang bahala riyan. Sagot mo 'to," sagot ng dalaga na nagtatanggal na ng gear sa katawan. Napatingin sa kaniya si Billy pagkatapos ay sinenyasan siyang asikasuhin ang dalaga kaya naman ay tumayo siya at lumapit sa dalaga. He helped her with her gears at wala naman siyang natanggap na reklamo. "Libre ka ba hanggang bukas?" tanong ni Billy sa dalaga na ikinalingon nito. Nagtatanong ang mga mata nito. "I knew a place to hangout." Nag-isip ang dalaga bago nagsalita. "Pwedeng isama si Tatiana?" "Oo, naman. Dalhin mo pa buong staff mo. Malapit lang naman iyon kaya hindi hazzle. Sagot ko na ang transpo." Napangisi ang dalaga sa naging sagot ni Billy. Nag-thumbs-up pa ito at halata ang tuwa. Siya naman ay napatingin sa kapatid na ngisi lamang ang isinagot. Nang lumipad ang tingin niya kay Cassius ay napapailing pa rin ito bago lumapit sa kaniya. "I'll go ahead. Mukhang matatagalan ka pa rito," wika nito sa kaniya. "Just wait for me in the car," sagot niya na ikinatango naman nito bago lumabas ng kubol. Tumingin siya sa dalaga na ngayon ay nakatingin naman sa kaniya at mukhang hinihintay kung ano ang sasabihin niya. "Don't you have race anymore?" "Ah...wala na pero meron pa sa team. Why?" "I'll be going dahil marami pa akong trabaho but please check your phone from time to time," sagot niya rito na ikinataas lamang ng isang kilay nito. "Can you do that?" "I'll try. Parang hindi mo naman alam. You're a racer too." "I know." "Then don't ask," sagot nito sa kaniya. "Wala naman akong assistant na kagaya mo." He sighed. He felt frustrated because of her answers. But then hindi na lamang siya sumagot pa dahil baka mas mainis ito sa kaniya at baka mas hindi nito sagutin ang mga tawag at text niya. "Escort me out then," sagot niya ngunit umiling lamang ang dalaga sa kaniya. "Baka pagtsismisan ako," sagot nito sa kaniya. "They are already since I stepped inside," sagot naman niya na ikinakibit-balikat lamang ng dalaga. "Just come with me tonight. I'll ask Billy to let you and Cassius." May lambing sa boses ng dalaga nang sabihin nito ang mga salitang iyon at hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil doon. Hindi rin napigilan ng mga kamay niya na hapitin ang beywang ng dalaga at hilain ito palapit sa katawan niya bago ito hinagkan sa ulo. "See you then." Napangiti naman ito sa kaniya bago siya nito itinaboy paalis na parang walang nangyari. Tinapunan din niya ng tingin si Billy bago siya umalis at nakatanggap naman siya ng tango mula rito. Napangiti naman si Kaithlyn habang tinatanaw si Cedric na palabas ng kubol ni Billy. Hindi na niya ito inihatid palabas dahil kusa naman itong pumasok dito. Isa pa ay may mas gusto siyang malaman mula kay Billy. It's as if he knew Cedric dahil sa mga patutsada at pambabalewala at pabalang na mga sagot nito. Hindi man niya lubusang kilala si Cedric pero alam na alam niya na tuso ito at hindi basta-basta pinapakitaan ng pagdisrespeto mula sa kahit kanino at nagagawa iyon ni Billy. Kaya naman nang mawala sa paningin niya si Cedric ay mabilis na tinungo niya ang kinaroroonan ni Billy na mukhang alam na alam na ang kaniyang pakay. "Tell me," wika niya rito. "Wait until tonight," sagot nito sa kaniya na ikinasimangot niya. "Why until tonight?" "You'll know," sagot nito sa kaniya bago siya nito nilayasan. Kilala niya si Billy at kapag ganoon ang sinabi nito ay hindi niya ito mapipilit na magsalita ito. If he says wait, then she must wait. At dahil wala naman siyang mahita rito ay ipinagpasya na lamang niya na manood na lamang. Tinawagan din niya si Tatiana upang kumustahin ang project nila sa building ni Cedric and so far ay maayos at inaasikaso naman daw sila ng mga empleyado nito. Ipinaalam din niya rito ang tungkol sa night out nila mamaya at tuwang-tuwa naman ang mga ito. Balak din niyang magkaroon sila ng simple outing kapag natapos na ang project nila kay Cedric. Halos ganoon naman kapag may natatapos sila. Hindi rin kasi biro ang trabaho nila lalong-lalo na ang kaniyang mga staff na minsan ay panay pa ang overtime. Kinagabihan ay nagkita-kita sila sa office niya upang doon sila sunduin ng van na pag-aari ni Billy. Dinala na rin niya ang kaniyang sasakyan upang doon sumakay ang iba sa kanila kasama si Tatiana. And the place, hindi kalayuan. Labis ang tuwa nilang lahat nang makarating sa resort kung saan may nakahanda nang salo-salo para sa kanila. Naroroon na rin ang crew ni Billy na masaya nang nagkakasiyahan at nag-iinuman. "Akala ko hindi na kayo sisipot," bungad sa kanila ni Billy. "As if naman! Kailan pa kami hindi sumipot sa imbistasyon mo?" sagot naman ni Tatiana rito. "Tara na! Tagay na!" This is their first time in this resort kaya naman nagtataka siya kung kanino ito. It's a private property at hindi niya alam kung bakit dito sila dinala ni Billy. Hindi kaya pagmamay-ari ito ng bago nitong babae? Hmmm...kailan niyang malaman iyon dahil baka mamaya ay may magwala dahil nandirito sila. Maraming pagkain ang nakahanda para sa celebrasyong iyon. In a small amount of time ay naihanda ang mga iyon kaya bilib na talaga siya sa mga mayayaman. Sa isang pitik ng mga daliri ng mga ito ay magkakaroon na kaagad anuman ang hilingin ng mga ito. They enjoyed the food while others were drinking and singing in the videoke machine. Siya? Wala siyang balak magpakalasing kahit pa sabihing stay-in sila ngayon dito. Hindi pa niya nai-interview si Billy na halatang iniiwasan siya dahil sa mga tanong na ibabato niya rito na paliko nitong sinasagot. Pero hindi siya papayag sa ganoon. Lalantakan muna niya ang mga masasarap na pagkain bago niya ito i-hot-seat. Ang mga gamit naman nila ay dinala na ng mga katiwala ng resort sa kanilang magiging kwarto. Sa laki ng resort ay paniguradong maraming kwarto iyon lalo na at dalawang palapag pa iyon. Habang kumakain ay iginagala niya ang paningin. Nasa pool side sila kaya naman nagtataka siya kung nasaan ang baybayin dahil wala namang naririnig na paghampas ng alon. Marahil ay may kalayuan pa ito mula sa resort. "Huwag masyado. Hindi ka na makakainom niyan," wika ni Billy na tumabi sa kaniya. "Wala talaga akong balak uminom nang marami kaya lalamon ako. In fairness masarap itong handa mo." Natawa naman ito sa kaniya at nilagyan pa ng litson ang kaniyang plato pagkatapos ay nakikain na ito roon. "Kwento na. Tatakasan mo na naman ako mamaya," wika niya rito habang kumakain sila. "Do you wanna hear it? Baka ma-shock ka," sagot naman nito sa kaniya. "Pero bago ko sagutin iyon, ano ang relasyon niyo ni Cedric? Umamin ka!" Tumaas ang kilay niya sa tanong nito. Ano naman kaya ang koneksiyon niyon? "What?" Napatigil siya sa pagsubo at tumingin sa kawalan bago bumuntong-hininga. "Would you believe me if I'll tell you na wala? I mean. Fling siguro. Walang label," sagot niya rito bago ipinagpatuloy ang pagkain at ganoon din ang ginawa nito. "Gusto mo nang ganoon lang?" "Well, siyempre hindi pero mabilis ang mga pangyayari and nandiyan na so wala na akong magagawa pa. Anyway gusto ko rin naman and I kinda like this new experience." "And your heart?" "It's doing fine naman," sagot niya rito. "So nasagot ko na. Ikaw naman." Tumikhim muna ito bago siya tiningnan. Sumilay ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi na labis niyang ipinagtataka. "He's my brother. Half brother."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD