Chpater 15

1470 Words
Curious na napatingin si Kaithlyn sa b****a ng racing track dahil sa biglang pagkumpulan ng mga tao roon. Nagpapahinga sila ngayon para sa susunod na match kasama ng mga ka-team niya. It was a race for a cause event kaya naman ay napasali siya. Iniwan muna niya ang trabaho para dito dahil alam na alam naman ni Tatiana na go na go siya kapag ganito ang usapan. "Anong meron?" kuryos na tanong niya kay Billy na kaniyang best buddy sa aspetong ito. "Nagtaka ka pa," patamad na sagot nito sa kaniya. "Alam mo naman na kapag ganitong may event naglipana ang mga pa-VIP at kunwaring makikisali for a cause pero for exposure lang din naman." Napansin na, bakit parang bitter ang drama nito pero patango-tango siya habang nakikinig dito at tama nga rin naman ito. Sa tagal niya sa ganitong event ay alam na alam na niya ang kalakaran doon. Rich people really wanted to show off when it comes to this event. Tama si Billy that this was for exposure only. Mangilan-ngilan lamang talaga ang bukal sa loob na gustong tumulong. Most of them are anonymous pa nga at iyon ang dapat hangaan. "Okay na ba? Sunod na ako," tanong niya kay Billy. Ang tinutukoy niya ang kaniyang motor na nagkaroon ng problema kanina kaya naman hindi niya ito nagamit sa unang race niya. "Oo, ayos na. Why don't you check it," sagot nito sa kaniya kaya naman ay tumayo siya at tinungo ang maliit na kubol na kanilang repair shop sa ngayon. She checked the engine and everything and her lips twisted. Ayos na ayos na. Hinaplos ang katawan ng kaniyang motorsiklo at tinapik-tapik pa ito bago inayos ang kaniyang gear. She will ride her baby again so she buckled up. Billy came to aid her with it. "Naka-register ka na?" tanong nito sa kaniya habang inilalagay ang gloves sa kaliwang kamay niya. It was a race, a contest this time. "Yap. You?" "Hindi pa nga eh. Naka-schedule kasi ang roadtrip namin ni Aiza that day but we've been thinking about it," sagot nito sa kaniya. Napailing siya sa sagot nito sa kaniya. "Roadtrip? Anong tawag niyo roon? Iba rin iyang utak ng girlfriend mo talaga. Baliko!" Nagkamot ng ulo si Billy sa sagot niya. Alam na alam kasi nitong hindi niya gusto ang kasintahan. Kung hindi lamang ito girlfriend ni Billy ay baka nalampaso na niya ito sa pagiging antipatika nito. "Commander," sagot lamang nito sa kaniya na muli niyang ikinailing. "Under the saya ka na kasi. Hindi mo pa nga inihaharap sa altar. At hoy! Huwag na huwag mong ihaharap iyon dahil hindi rin naman makakapasok sa simbahan. Kung ano ba kasi ang nakita mo roon!" sikmat niya rito na ikinailing lamang nito. "C'mon join ka na para may kasama ako. That would be the first na hindi tayo magkasama kung hindi ka papayagan ng jowa mong demonyita. Huwag mong sabihing hahayaan mo na lang ako mag-isa?" pangongonsensiya niya rito. Billy was the one who introduced her into big motorbikes. Sa totoo lang ay kahit bisikleta ay hindi siya marunong noon. She accidentally met Billy when she graduated college. Nasa convenience store sila ni Tatiana that time and was enjoying a chill when Billy's bike parked in front of them. Sa sobrang amaze niya rito ay nilapitan pa niya ito ay nagpa-picture and out of her curiosity ay kinalikot niya ang manibela nito dahilan para mapaandar niya ito at boom! It flew with matching gasgas na. Kung hindi ba naman kasi shunga si Billy at iniwan ang motor nitong nakaandar. She could remember Billy's face at that time. Mabuti na lamang at hindi ito nagalit sa kaniya but he let her handle the expenses. Namulubi rin siya roon. Since then, Billy convinced her of having one, ibinigay nito sa kaniya ang motor na iyon and even taught her how to ride a bike and big bikes eventually. And charan! Here they are. She chuckled with that memory of them na ikinailing na lamang ni Billy habang inaayusan siya. "May sayad ka na," wika nito sa kaniya. "Naalala ko lang," sagot niya. "Ang?" "Ang mukha mo the first time I saw you. Kahit si Tatiana ay alam na alam pa rin iyon," sagot niya rito. Natawa naman ito sa sinabi niya. "Huwag mo nang ipaalala dahil baka mabatukan kita," turan nito sa kaniya. They were having fun laughing and reminiscing that time when someone cleared his throat so damn loud it caught their attention. Sabay silang napalingon ni Billy at napataas ang kilay niya nang makita kung sino iyon na madilim ang mukha habang nagpapalit-palit ang tingin sa kaniya at kay Billy, maging sa pagkakahawak nito sa kamay niya. "What are you doing here?" nagtatakang tanong niya sa bagong dating. "Magkakilala kayo?" tanong naman ni Billy na ikinakunot ng noo niya. "Kilala mo?" balik-tanong niya rito. "Oo, naman. How do you know him?" "I just know him, why? Ikaw?" Napatingin na siya rito na ngayon ay nakapameywang na. "You really don't know him?" Lumapit pa ito sa kaniya at pabulong na nagsalita. She looked at him like she wanted to strangle his neck kaya naman ay muli itong nagsalita. "He's Phoenix. Hindi mo alam?" Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa kaibigan. Naitakip din niya ang kaniyang mga kamay sa bibig dahil doon at gumanti ng bulong. Phoenix was one of the best riders in the country. Hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibang bansa rin. He was wealthy too kaya naman popular na popular ito sa larangan ng pagmo-motor. Iyon nga lang ay kaunti lamang ang nakakakilala sa mukha nito kaya naman gulat na gulat siya sa kaalamang iyon. Akalain mo nga naman. "Seriously? He is him?" hindi makapaniwalang wika niya rito. "Hindi mo talaga alam? How come he was here? Alam ko namang hindi ako ang dahilan dahil matagal na kaming magkakilala at ngayon lang iyan napadpad sa kubol ko. So, it's you, right?" Napatingin siya sa lalaki na ngayon ay kasama na si Cassius. Pinasingkit niya ang mga matang napatingin sa dalawa habang panay ang bulungan nila ni Billy. Both of them are now looking at the new visitors who were looking at them too. Ang mukha ni Cassius ay halata ang pagkabagot habang ang amo naman nito ay hindi maipinta. "Tapos na ba kayong pagtsismisan ako?" basag nito sa palitan nila ni Billy ng mga salita. Tumikhim si Billy at lumapit sa mga ito. "Napadpad ka rito, Phoenix?" tanong nito. Halata na ang awtoridad sa boses nito. "You have someone here," kalmadong sagot nito sa kaniya. Napatingin sa kaniya si Billy. "So this is why you weren't answering any of my texts and calls," dagdag pa nito sa kaniya. Nagkibit-balikat naman siya at sinenyasan si Billy na ipagpatuloy ang ginagawa nitong pag-aayos sa kaniya. Nang humakbang palapit sa kaniya si Billy ay inunahan na ito ng binata at ipinagpatuloy ang naiwang ginagawa ni Billy. "I don't like any other man holding you this close," mariing wika nito sa kaniya. Halata ang pagpipigil ng galit na hindi niya alam kung saan nito hinuhugot iyon. "Too bad, Cedric. I love men holding me like this," pang-aasar niya rito. "That will be arranged, Sweetheart," sagot naman nito sa kaniya. "I don't like a jealous one, Cedric. If hindi mo kayang rendahan ang ugali mong iyan..." Hindi na niya tinapos pa ang gustong sabihin dahil alam naman niyang gets na gets na nito iyon. Napabuntong-hininga naman ito bilang sagot sa nais niyang ipahiwatig. "Better hurry. Magsisimula na," turan ni Billy na ngayon ay nakalapit na sa kanilang dalawa. She went to ride on her motorcycle while Billy grabbed her helmet and put it into her head. Inayos naman niya ang pagkakasuot nito and readied herself. Doon muling lumapit sa kanila si Cedric, ang mga kamay nito ay nasa dibdib habang nakatingin lamang sa kaniya. "Take care," wika nito sa kaniya na ikina-thumbs-up niya bago pinaandar ang kaniyang motorsiklo sa open field. "So ikaw pala ang pinagkakaguluhan nila kanina," wika ni Billy kay Cedric na ngayon ay nakatingin sa dalagang nasa labas. "You know it wasn't my style," sagot naman niya rito. "She's close to me, Cedric. Don't let your grudge over me..." "Don't worry, brother. I came to make peace because of her." Billy chuckled because of what he just said. "I wonder why?" "You know why. Don't play dumb." Bumaling siya ng tingin kay Billy. "You're dumber and you know that," sagot naman nito sa kaniya. "You two are dumb," singit ni Cassius sa kanilang dalawa ni Billy pagkatapos ay lumabas na ito ng kubol. "Hindi pa rin nagbabago," wika ni Billy. "C'mon let's have a bet. Alam kong matatalo si Kaith ngayon. There's some negative energy here." Masama ang tinging ipinukol niya sa nakakatandang kapatid. Yes, kapatid! And so much for a reunion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD