Kahit nanginginig ang katawan dahil sa galit, sa pagod, ay pinilit ni Kaithlyn ang sarili na lisanin ang kwartong iyon. She didn't change or took anything not even her wallet or cellphone. Nakaroba pa siyang umalis at ni walang saplot sa katawan at nakatsinelas lamang. She looked at her fluffy slippers while waiting for the taxi she hailed. Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay ibinigay niya ang address ni Tatiana. Useless kung ang address ng kaniyang apartment ang tutunguhin niya dahil hindi naman niya dala ang susi nito. Isinandal niya ang ulo sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata habang pilit kinakalma ang sarili. Ilang sandali na lamang kasi ay bibigay na siya at ayaw niyang mangyari iyon lalo na at panay sulyap sa kaniya ng taxi driver sa salamin. Nakakunot ang noo nito at mala

