"Damnit! What have you been doing at hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin siya makita?!" parang kulog na sigaw ni Cedric sa dalawang private investigator na kinuha niya para hanapin ang asawa na halos tatlong buwan nang nawawala. Kasama sa loob ng opisina niya si Cassius na panay lamang ang iling habang nakatingin sa kaniya. Gusto niyang batuhin ang lalaki ngunit pinipigilan niya ang sarili dahil alam niyang babalik din naman iyon sa kaniya. Not literal though. Alam kasi niyang magbibitiw na naman ito ng mga maaanghang na mga salita na animo'y ito ang boss at siya ang hamak na empleyado nito. Wala namang problema roon dahil hindi naman ganoon ang turing niya kay Cassius. He treated him as his brother lalo at magkaedad lang naman silang dalawa. They weren't blood related at all but they

