"What the hell are you doing in here?" malakas na sigaw niya nang mabungaran si Cassius na nakaupo sa sala ng maliit na apartment na kaniyang pinagtataguan ngayon. Isang buwan na siyang nagtatago mula sa kaniyang asawa at palipat na siya mula sa apartment ni Tatiana, sa rest house ni Billy at sa ilan pang mga kasamahan at kaibigan niya pero lahat ng iyon ay nahahanap siya ng asawa. Kaya naman ay naisip niyang mag-isa na lamang sa pagtatago at ito nga ang ginagawa niya. Every week she's changing places but she found it useless dahil heto nga at nahanap siya ni Cassius gayong kakalipat pa lamang niya ng dalawang araw. "Looking for you of course," kaswal na sagot nito sa kaniya. "Hindi ka ba napapagod sa kakatago at kakalipat mo gayong lagi ka namang nahahanap?" "I won't get tired of it

