Nang bumalik siya sa kaniyang tahanan ay nasa labas si Cedric at nakikipag-usap sa staffs nito kasama ang ilang mga tagabaryo. Sapantaha niya ay hinihintay lamang siya nito dahil nang makita siya nito ay nagsimula na nang magsialisan ang mga kausap nito. Nilampasan lamang niya ito at dere-deretso sa loob ng kaniyang kwarto. Iisa lamang ang kwarto ng bahay niya. It was designed to be like that dahil nag-iisa nga lang naman siya at wala siyang kaalam-alam na balang araw ay magkakaroon siya ng bisita at ang asawa pa niya, ang walang hiyang asawa niya. Ibinalibag pa niya ang pinto para intense na maramdaman nito na hindi ito welcome sa bahay niya. Never na siyang lumabas pa ng kwarto simula nang pumasok siya at ni hindi niya binigyan ng kahit anong beddings ang asawa. Well, she doesn't car

