Chapter 18

1646 Words
"Who the hell are you?" Iyon ang tanong sa kaniya ng babaeng hindi niya kilala at hindi niya alam kung bakit nasa loob ng tirahan ni Cedric. Hindi rin niya nagustuhan ang paraan nang pagtingin nito sa kaniya na animo'y isa siyang specimen sa laboratoryo. Akala mo naman kung sinong kagandahan ito! Maganda lang naman ang damit nito, maputi at matangkad pero kung ganda lang din naman ang pag-uusapan ay 'di hamak na mas maganda naman siya. Puno rin naman kasi ng kolorete ang pagmumukha nito na nagmumukha na itong clown. Sumakit ang bangs niya sa pag-iisip kung sino ito sa buhay ni Cedric. But then, she should be civilized. Isa pa kapag pinatulan niya ang babaeng ito ay baka hindi magustuhan ni Cedric. Hindi rin naman niya gusto iyon. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi niya sasagutin ang katarayan nito. "I should ask the same question. Who the hell are you?" Animo'y umusok ang ilong nito dahil sa tanong niya. She even mimicked the tone of her question. Dapat lang! Sino ba ito para ganoon ang paraan nang pagtanong nito. She just gave it back at ito pa ang may ganang magalit. "You're at my fiance's house so I have the right to ask you!" mataas na ang boses nitong tanong sa kaniya. Wow! Fiance? Cedric said he doesn't have a girlfriend at mas lalong fiancé at pinatutuhaan ito ni Billy and even Cassius. So this woman is lying! Pero sino nga ba ito? "Are you sure about that?" tanong niya rito na ikinagulat ng babae. "Because if you were his fiancé then I shouldn't be here. What do you think?" Nagpapadyak na ito na parang bata at nawala na ang composure na kanina pa nito ipinapakita sa kaniya. Bahagya siyang natawa dahil doon. Busted! Pero paano kaya ito nakapasok dito? "I'm still sleepy, you know. Kaya kung kailangan mo si Cedric, pakitawagan na lang. And if wala ka namang gagawin, paki-lock na lang ang pinto kapag lumabas ka huh?" bilin niya rito na mas ikinairita ng mukha nito. She turned around para bumalik sa kwarto kung saan siya iniwan ni Cedric nang bigla na lamang may matigas na bagay na l-um-anding sa kaniyang likuran. She turned around to see what it was and she found the woman's clutch bag on the floor. Nanlilisk din ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. "Alam mo kung may problema ka, huwag ka sa akin magreklamo. Doon kay Cedric. Hanapin mo at magreklamo ka roon. I will let this slide for now but next time you do this, ako mismo ang kakaladkad sa iyo palabas. Kuha mo?" litaniya niya sa babae bago ito muling tinalikuran. Ngunit hindi pa siya nakakahakbang ng lima nang maramdaman ang paghila nito sa kaniyang buhok. Napasigaw siya sa pagkabigla at sakit na dulot ng ginawa nito. She tried to let her hand go but it tightened. Napamura na siya dahil sa sakit na nararamdaman ng kaniyang anit. "Let go!" sigaw niya rito at pilit na kinakalas ang mga daliri nitong mahigpit na nakakapit sa buhok niya. "Isa! Kapag hindi mo pa binitiwan in three, malilintikan ka na sa akin!" "Stupid! Dapat lang sa iyo iyan dahil malandi ka at pumapatol sa boyfriend ng may boyfriend!" "Dalawa!" banta niya rito ngunit hindipa rin nito binibitiwan ang buhok niya. "Dapat lang sa iyo ang ganito at kalbuhin! Malandi!" muli nitong wika sa kaniya. "Tatlo!" Nang hindi pa rin niya ito binibitawan ay hinila na niya ang kamay nitong may hawak sa kaniyang buhok. Masakit iyon ngunit kailangan niyang isakripisyo ang anit niya upang makaganti rito. Hinila niya ito palapit sabay abot sa buhok nito at mahigpit na hinila rin ang buhok nito. Kapwa na sila napasigaw sa sakit na dulot ng ginagawa nito. Pinagmumura na rin niya ito at mas hinila pa ang buhok nito dahilan para lumuwang ang pagkakahawak nito sa kaniyang buhok. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang tuluyang kalasin ang kamay nitong nasa buhok niya. Nang mabitiwan nito ang kaniyang buhok ay malakas siyang gumanti nang hila sa buhok nito at walang sabing itinulak ito sa sahig. At iyon ang naabutang eksena nina Billy, Cassius at Cedric na labis ang pagtataka at pagkagulat sa nasaksihang eksena. Ang walang hiyang babae naman ay bigla na lamang nag-iiyak na animo'y inapi-napi niya. She balled her fist while glaring at her. "C-Cedric?" naiiyak na tawag ng babae kay Cedric. Lumapit naman agad ito upang alalayan itong tumayo. Damn the act! Malumpo na lang sana kung ganiyan din lang! At ang walang hiyang lalaking ito! Nadala naman sa drama! Magsama kayong dalawa! Pakikipag-debate niya sa sarili habang nakatanaw sa mga ito. Maging sina Billy at Cassius ay tahimik lang ding nakamasid sa nangyayari sa paligid. Then Billy came beside her to console her and stop her from murdering the two. Ang dalawang animo'y sila lamang ang tao sa paligid. Todo-drama ang walang hiyang babaeng iyon kay Cedric and ang isa naman ay mukhang paniwalang-paniwala naman. Billy, on the other hand, gazed at Kaithlyn who wanted to murder the two. Ano ba kasi ang ginagawa ni Claire rito? At sino ang nagpapasok sa dalaga sa unit ni Cedric? Mukhang gulo ang aabutin nito ngayon lalo na sa nakikita niyang ekspresiyon ng mukha ni Kaithlyn. And looked at how she look right now? Parang pugad ng ibon ang buhok nito. Napailing siya. "What happened?" bulong niya kay Kaithlyn na nakatingin pa rin sa dalawa. "When I woke up, she's already here. Sino ba siya?" tanong ni Kaithyn sa kaniya. "Just ask Cedric," sagot niya. "What happened between the two of you?" "Muntik ko na siyang suntukin," bulong nito sa kaniya. He was about to say something when Cedric called him and Kaithlyn to sit and talk about what had happened between the two ladies. Sumunod naman silang dalawa maging si Cassius na nakamasid at walang imik magpasahanggang ngayon. "Talk," Cedric demanded. Claire started sobbing. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling iyon. "That woman tried to hit me!" wika nito sa kanila. "Anong tried to hit you? Ikaw kaya ang nauna! Binato mo ako ng bag mo," nanggagalaiting wika ni Kaithlyn. "Was it true?" tanong ni Cedric at bumaling ang tingin kay Claire. "She was bubbling something that I know was a lie," sagot nito. "I am asking if it's true," Cedric said. "Binato mo siya ng bag?" "Yes. It is because she was telling some nonsense idea," sagot muli ni Claire sa kanila. "And what was that?" sabad niya. "That she was your girlfriend!" sagot nito at dinuro pa talaga nito si Kaithlyn. His gazed flew at Kaithlyn. Ganoon din si Cedric maging si Cassius. "I didn't say that!" naiiling na wika ni Kaithlyn sa kanila. "Sinungaling!" sigaw ni Claire. He wanted to go because he knew what would be the outcome of this scene but he wanted to amuse himself kaya naman he stayed. He was happy seeing Cedric having a headache because of these two women. Seeing him sighing once in a while was an amusement for him. Paano pa kaya iyong nasa isip na talaga niyang eksena? He can't wait for it. "Eh anong pinagpuputok ng butse mo?" sikmat ni Kaithlyn kay Claire. "Anong pinagpuputok ng butse ko? Fiancé ako ni Cedric! Ako ang girlfriend at hindi ikaw and why would you claim something you're not? Anong gusto mong sabihin doon? And what would you expect me to do? Matuwa?" Kaithlyn looked at Cedric. Ito ang klase ng tingin na hindi mo gustong dumapo sa iyo. Sabi nga nila, nakakamatay. Iyon ang tinging nakakamatay at malapit-lapit na si Cedric sa kamatayan! Grabe ang tawa niya sa loob-loob niya. Maging si Cassius ay napaupo rin nang tuwid. "Tell me, Cedric. Is she your fiance?" tanong ni Kaithlyn sa kapatid at nagbabaga na ang mga tingin nito. Cedric, patay kang bata ka! hiyaw niya sa sarili habang nakatingin sa kapatid. "What? Hindi ka makasagot?" muling tanong ni kaithlyn sa kaniyang kapatid. "Fine! I get it!" Padabog na tumayo si Kaithlyn at nagsimulang maglakad paalis ng sala patungo sa pintuan. Napatingin siya sa kapatid na hindi man lang natinag. Nagtatanong ang tinging ipinukol niya rito at nang masiguro niyang wala itong gagawin ay tumayo na siya at sinundan si Kaithlyn na ngayon ay palabas na ng pintuan ng unit ni Cedric. "Kaitlyn, wait!" tawag niya sa dalaga ngunit hindi man lang siya nito nilingon. Tinakbo na niya ito upang maabutan. "What?!" sigaw nito sa kaniya nang maabutan niya ito sa labas. "You knew?" "I knew Claire but I didn't know that she is his girlfriend, fiancé for that matter. Ang alam ko lang ay nag-break na sila," sagot niya. "O akala mo lang nag-break na sila. Damn!" galit na wika nito sa kaniya. "Ihatid mo na ako. Wala akong dalang sasakyan." Nagpatiuna na itong maglakad hanggang sa makasakay silang dalawa sa elevator. Tahimik lamang na napapailing ang dalaga. Wala rin naman siyang gustong sabihin dahil hindi naman niya alam ang tunay na estado nito at ng kaniyang kapatid maging ni Claire. Ang alam talaga niya ay nag-break na ang dalawa pero mukhang tama si Kaithlyn, akala lamang niya iyon. "Hindi mo man lang aawayin si Cedric?" tanong niya. Curious kasi talaga siya sa pananahimik nito. "May magagawa pa ba ako? Hello? Kung makikipag-away pa ako roon wala ring silbi dahil ako ang naging kabit, mang-aagaw, other woman. Hell no! Ang sakit sa heart at tainga! At isa pa, why would I be bitter when you see the looks of that woman! My gosh! Clown ba iyon? Iyon ba ang taste ng kapatid mo?" Natawa siya sa sinabi nito. Tama nga naman ito. Why would she become a bitter woman when she was far better than Claire? "Pero iyong totoo, hindi ka galit sa kapatid ko?" tanong niya. Napabuga ng hangin si Kaithlyn. Then humarap ito sa kaniya. "Do me a favor. Pakisapak nga ang gagong iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD