"Have you deploy her escorts?" seryosong tanong ni Cedric kay Cassius habang nagsusuot siya ng mga gear.
He joined the two-day race of big bikes held in the north. They were a hundred of them joining the said race and one of them is Kaithlyn. Isa iyon sa mga inaabangan nilang mga racer kada-taon. It was one of the biggest races in Asia, second to be exact kaya naman hindi niya iyon palalampasin. Although nag-alinlangan siyang sumali noong una dahil sa hectic niyang schedule ay ginawan niya ito ng paraan dahil nalaman niyang sumali si Kaithlyn kasama ang kaniyang kapatid na si Billy.
Speaking of Kaithlyn, hindi na siya kinausap since she left on his penthouse unit. With Claire being around, everything became chaos. Kung bakit ba naman kasi. Yes, kasalanan naman niya iyon dahil hindi niya nilinaw ang relasyong mayroon sila ni Claire kaya naman nagkagulo-gulo na ang mayroon sila ni Kaithlyn.
Isa pa itong kapatid niya. Akalain mong may ipina-deliver daw si Kaithlyn para sa kaniya noong bumalik ito. At nagulat na lamang siya nang bigla na lamang siyang sinapak nito sa mukha. Sa lakas ng suntok na ibinigay nito ay pumutok pa ang kaniyang ibabang labi.
Cassius gave out a loud hearty laugh when Billy gave him that punch. At mas lalo itong natawa nang sabihin ni Billy ang dahilan kung bakit siya nito sinuntok.
Gusto niyang gantihan ang kapatid dahil sa bigla-bigla nitong aksiyon ngunit nang malaman niya ang dahilan ay naisip niyang he deserves it. Kulang pa nga iyon. Billy warned him also about Kaithlyn and now, he was suffering because of his stupidity.
Isang linggo na siyang hindi kinakausap o pinapansin man lamang ni Kaithlyn. Kahit na nasa building ito at sinu-supervise ang project ay dedma lamang ito sa kaniya. Kahit pa nga siguro tum-am-bling siya sa harap nito ay hindi siya nito papansinin. Kaya naman sumuko na lamang siya dahil hindi siya mananalo kay Kaithlyn kung patigasan lang din naman ang pag-uusapan. Patigasan ng puso ang ibig niyang sabihin.
"It was arranged already," nayayamot na sagot ni Cassius sa kaniya. "You asked that for how many times already. Nakakabobo na."
Napaismid siya dahil totoo naman talaga iyon. Para na siyang isang sirang plaka sa ilang ulit niyang pagtanong kay Cassius. Minsan nga ay hindi na siya nito sinasagot at binibigyan na lamang siya ng masamang tingin. Perks of him being his executive secretary and kinakapatid.
"I am just making it sure," sagot niya rito.
"You've been making it sure since day one. Wasn't that enough?" nayayamot na wika ni Cassius sa kaniya and he glared at him again.
He was wondering baka hindi na bumalik ang kaniyang mga mata sa kakadilat niya kay Cassius. He sighed for the nth time. He continued gearing up and waited for the time to start. The race will start at ten in the evening so he must make sure that Kaithlyn was safe until she reached the finish line.
When the race started, muli niyang ibinilin kay Cassius na balitaan siya patungkol kay Kaithlyn. He wasn't worried about himself dahil sanay na sanay na siya sa ganito. Although hindi naman amateur si Kaithlyn at alam niyang kasama naman nito ang kaniyang kapatid na siyang pumilit dito ay nag-aalala pa rin siya.
Passed twelve midnight when they parked in a gasoline station with the other racers to take a short break. With that he called Cassius and asked about her. Tinawagan din niya ang kaniyang kapatid upang masiguro ang kalagayan ng dalaga at maayos naman ito. He even said that she wasn't looking for him and that hurt him.
Kasalanan naman niya and he knew that. So he was planning to talk to her after this race. Kung hindi niya ito makuha sa pag-uusap ay idadaan niya ito sa dahas. Kung ito lamang ang tanging paraan para kausapin siya nito.
After thirty minutes of rest then they again continued the race. There next stop will be at five o'clock in the morning again so he needed to concentrate and do it fast para matapos na at nakapag-usap na sila ng dalaga.
Lumipas ang mga oras and everything went well. He was near at the finish line already. They were resting now after checking his motorcycle. Ganoon din ang mga kasamahan niya. Next stop would be the last stop after forty-eight hours of being on the road. And according to the ranking he was on top one. Halos dalawang oras na lamang ang lalakbayin niya para matapos na iyon.
"Let's go! We need to finish it fast," wika niya sa mga kasamahan bago muling sumakay at pinaandar ang kaniyang motorsiklo to the finish line.
"Here comes Phoenix!" the announcer announced as they reached the finish line.
Everyone around him congratulated and felt relieved seeing him stopped at their station. Unang tinawagan niya si Cassius upang alamin kung nasaan na ang dalaga ngunit hindi ito sumasagot sa kaniya. Ring lamang ito nang ring and his heart started to hammer inside its cage. Sumunod niyang tinawagan ang kaniyang kapatid ngunit ganoon din ang nakukuha niyang sagot. He was pissed off but then he calmed himself dahil baka busy lamang ang mga ito. Knowing them, paniguradong tatawag din ang mga ito.
"I don't know but it's what I've heard. Yes, that's Saavedra." Narinig niyang sinabi ng crew na nasa tabi niya na may kausap sa telepono.
"What was that?" tanong niya. Biglang nanulis kasi ang tainga niya nang marinig ang apelyido ni Kaithlyn. Hindi naman siya sigurado kung ito nga ang tinutukoy nito but he needed to make it sure.
"A female racer was hit by a trailer truck. She was still stuck under."
"And the name?" Abot ang kabang nararamdaman niya habang hinihintay kung sino ang tinutukoy nito.
"Saavedra. Billy's apprentice," sagot nito sa kaniya at binundol na ng kung anong kaba ang kaniyang dibdib pagkarinig niyon.
Wala naman kasing ibang alaga si Billy na Saavedra ang pangalan maliban na lamang kay Kaithlyn. And with that, he rode his bike again at mabilis na pinaharurot ito sa kung nasaan sina Billy. They were few kilometers away from where he was at kung totoong nasa ilalim pa ito ay paniguradong hindi ito naiaalis.
Ngunit hindi pa siya nakakalayo mula sa pinanggalingan nang harangin na siya nina Cassius telling him that Kaithlyn was already in the hospital. So, he headed towards the said hospital.
"How is she?" nag-aalalang tanong niya rito.
"I haven't seen her and I don't want to conclude on something I am not sure," sagot nito sa kaniya.
Mabilis nilang tinungo ang nurse station at tinanong ang kinaroroonan ng dalaga but when they were heading towards the room, they were welcomed by Billy and Kaithlyn who were talking to a doctor.
Mabilis ang takbo niya nang makita ang dalagang ni wala yatang galos sa katawan. Tinakbo niya ito at walang sabing niyakap na ikinagulat naman nito. Maging si Billy at ang doctor na kausap ng mga ito ay nagulat din sa biglang pagsulpot niya.
"Thank God you're safe!" wika niya at para siyang nabunutan ng tinik.
Kaithlyn, on the other hand, was dumbfounded with Cedric's initial response upon seeing her. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman lalo na at ilang araw rin niya hindi pinansin ang binata. Sa sobrang higpit nang pagkakayakap ni Cedric sa kaniya ay halos hindi na siya makahinga. Kung hindi pa niya ito bahagyang itinulak palayo sa kaniyang katawan ay baka hindi pa siya nito binitawan. Mukhang wala nga itong balak na bitawan siya.
Tumikhim siya at lumayo sa binata bago muling hinarap ang doctor na naghihintay sa kanila. Saglit na nag-usap sila kasama na si Billy bago ito umalis sa kanilang harapan. When the doctor disappeared, she looked at Cedric. Iyong tingin niyang nakataas ang kilay. Sinamahan pa niya ito ng pagkrus ng mga kamay sa dibdib na animo'y mala Miss Minchin.
"Talk!" saad niya.
"I thought you were..."
"You thought I was dead? You see me now in one piece so go."
Napabuntong-hininga naman ang binata sa sinabi niya. He looked at her. Pinag-aralan nito ang reaksiyon niya. Too bad dahil na ba-bad trip pa rin siya rito. Hindi pa rin niya makalimutan ang ginawa nito sa kaniya. Iyong pinagmukha siyang tanga at kabit! Peste! Napepeste na naman siya habang nakikita ito sa harapan niya ngayon.
"Galit pa rin ba sa akin?" tanong nito sa kaniya.
She chuckled with his question. "You guess," sagot niya bago niya ito tinalikuran.