CHAPTER ONE: Unrequited Love
CHAPTER ONE: Unrequited Love
Cassandra.
“You’re going to get married with Dominic sa ayaw at sa gusto mo Cassandra!” Singhal ni Chairman Alfredo Montemar. Natahimik ang buong dining area, wala ni-isa ang may lakas ng loob na magsalita. Tumayo ako at saka ininom ang natitirang wine sa baso ko saka binalingan ng tingin ang step mother ko at ang magaling kong step-sister.
“You did such effort para lang madispatsa ako, thank you.” Sambit ko, saka binalingan ng tingin ang aking ama na madilim na noon ang mukha at nakatingin sa akin ng masama.
“Stop being a brat Cassandra, you’re wedding is set and that’s final!” Muling sambit nito, nakita ko ang pag-ngisi ng dalawang babae sa hapag. Tuwang-tuwa sa magiging kalagayan ko sa hinaharap, I suddenly felt suffocated.
“Honey, huwag mo naman masyadong i-pressure si Cassandra, it’s not that easy na magpakasal lalo na sa hindi mo pa nakikita o nakikilala. And maybe she has a boyfriend.” Mahinhing sambit ng madrasta ko, napaawang ang labi ko. I can’t believe that my father married this kind of woman.
“I didn’t know that you’re concern about my lovelife, tita Angelica. Bakit hindi nalang ikaw ang magpakasal sa Vallejo?” Nakangisi kong sambit, biglang nagbago ang itsura nito at namutla, ang anak naman nya na si Veron ay nanlilisik ang mga mata sa akin, muli silang napaigtad nang hinampas ni daddy ang lamesa.
“Cassandra! How can you be so disrespectful?!” Singhal nito habang nag-iigting ang panga.
“I have to go dad, baka mainip na yung ka-date ko.” Sambit ko saka tinalikuran ito, napahawak ako sa dibdib nang makalabas ako sa dining area.
How he can send me off that easily? Paano nya’ng naaatim na ipakasal ako sa hindi ko naman kilala at mahal? He already broke my heart when he married that woman wala pang isang taon nang mamatay si mama and now, ako naman ang gusto niyang mawala sa buhay nya.
If being a daughter of a rich family would be this tragic, sana hindi nalang ako pinanganak. Kinuha ko ang phone saka tinipa ang numero ni Harry, wala pang ilang Segundo ay sinagot na nito ang tawag ko.
“Harry.”
“Cassandra, what is it?”
“Where are you? Can you come to the penthouse? I wanna see you.”
“Okay, I’ll just finish my meeting. Nag-away nanaman ba kayo ni Chairman?”
“I’ll see you there, bye.” In that casual call, I felt at ease. At least someone is there for me. Palabas na ako ng bahay nang marinig ko ang boses ni Veron.
“Who are you dating with Cassandra? Can you please act decent, ikakasal kana pagkatapos kung sino-sinong mga mayayaman pa ang dinadate mo, hindi ka ba nahihiya?” Sarkastikong sambit nito, nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses saka ngumisi rito.
“When did you start to interfere in my life Veron? Pwede ba, if you want decency then applies it to yourself.” Tugon ko rito saka tinaasan ito ng kilay.
“What did you say!?” Singhal nito.
“I don’t have much time for you Veron, leave me alone!” Sambit ko saka sumakay na sa kotse ko. Naiwan itong nakaawang ang labi at matalim na nakatingin sa akin habang nakakuyom ang mga palad.
We obviously didn’t like each other. Veron is such a b***h like her mother. Gagawin ang lahat makuha lang ang gusto, kung hindi lang ako nag-aalala kay dad ay matagal ko nang pinaalis ang mag-inang iyon. Alam kong ginagamit lang nila si daddy para masustentuhan ang mga luho nila.
Nasa kalagitnaan ako ng traffic nang madaanan ko ang isang supermarket, I’ve decided to go for grocery para kay Harry matagal-tagal narin nang huli akong nagluto para sa kanya at baka ito narin ang huling beses,dahil kapag kinasal na ako sa kapatid nyang si Dominic ay hindi na kami pwedeng magkitang dalawa. I hate this marriage, si Harry ang mahal ko at sya ang gusto kong pakasalan. Pero hindi pwede, he’s already married.
It’s been five years since Harry and I fall inlove. Pero dahil sa fix marriage na iyan, kinasal si Harry sa iba, ang anak ng may-ari ng Montes-Samson Incorporated na si Beatrix. I hate her! Inagaw nya ang lalaking mahal ko, ako dapat iyon, ako dapat ang pinakasalan ni Harry at hindi ang Beatrix na na iyon.
Halos magpakamatay ako nang malaman kong ikakasal na si Harry noon, hindi ko kinaya kasabay ng pagpapakasal ni daddy kay Tita Angelica, everything was fall into me. Para akong pinagkaitan ng pamilya at pagmamahal but later on. Harry came to me begging to come back; I know he loves me, ramdam ko iyon sa mga kilos nya.
Nandyan s’ya kapag kailangan ko s’ya at binibigay n’ya ang lahat sa akin, may plano s’yang hiwalayan ang asawa n’ya after two years at magpapakasal kami. But life is full of f*****g surprises.
Another fixed marriage was going to destroy our plans.
Inilagay ko na sa cart ang mga pinamili ko saka naglakad papunta sa cashier nang may mahagip ang mga mata ko, isang babae na kamukhang-kamukha ko! Ilang beses akong kumurap at muling tiningnan ang babae sa di kalayuan, natigalgal ako. Paanong..
Bumaba ang tingin ko at sinubukang pakalmahin ang sarili, nang muli kong inangat ang tingin sa direksyon ng babae ay wala na ito, agad kong tinungo ang kinaroroonan n’ya kanina at inikot ang paningin sa pag-aasam na maabutan ko pa sya, pero bigla nalang syang naglahong parang bula. Namalik-mata lang kaya ako? Baka dahil sa stress kaya kung anu-ano na ang nakikita ko?
Napaigtad ako nang biglang magring ang phone ko, rumehistro ang pangalan ni Harry sa screen kaya agad ko iyon sinagot habang naglalakad pabalik sa cart ko.
“Hello, Cassandra. I’m sorry baka ma-late ako, bigla akong pinatawag ni dad sa meeting.” Sambit nito sa kabilang linya.
“It’s okay, I’ll wait.” Sambit ko saka binaba ang phone, muli kong binalingan ng tingin ang direksyon kung saan ko nakita yung babae kanina at nangunot ang noo.
Hanggang pagdating sa penthouse ay iyon parin ang laman ng utak ko, hindi kaya multo yung nakita ko? Come’on Cassandra!
Inabala ko nalang ang sarili sa pagluluto at pag-aarrange ng dining. I set a romantic dinner date for Harry and I. Nilabas ko rin mula sa cellar ang paborito kong wine, pagkatapos kong ayusin ang dining ay naligo na ako at nagpalit ng damit.
This is Harry’s penthouse, bukod sa aming dalawa ni Harry, ang tauhan lang nito na si Vincent ang nakakaalam sa penthouse na ito, kumpleto na ang loob ng penthouse, I have my own walk-in closet na si Harry pa ang nagpagawa. Mas gusto n’ya kasing dito kami mag-stay kaysa lumabas at baka may makakita pa sa aming media. I’m okay here. Hindi naman kami palaging nagkikita, I’m also busy with my own life. At nirerespeto namin ang privacy ng bawat isa.
I choose to wear off-shoulder fitted red dress, it’s quite daring but I used to it. I just blowdry my short hair and put some minimal makeup and red lipstick. Pinasadahan ko pa ng tingin ang sarili sa salamin saka lumabas na ng kwarto.
I was standing in front of the glass wall when I heard the lift open, humarap ako at ngumiti saka bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ni Harry, it’s been a week since the last time I saw him. I missed him bad. Lumapit ito sa akin saka ako niyakap.
“I’m so sorry for keep you waiting.” He said with a baritone voice, oh. I love his voice, its kinda music to my ears.
“How could you do that to me, it’s been a week since the last time we saw each other and yet you keep me waiting.” I said, he smiled at me and sniffed on my neck.
“You don’t know how I drove here just to see you, I missed you.” He said with a husky voice. He kissed me hungrily, he pinned me to the glass wall and caress my waist, I felt him harden and he smirked. Tinulak ko s’ya saka ngumisi rito.
“I made a dinner let’s eat first.” I said sexily, saka naglakad papunta sa dining.
Pinaghila ako nito ng upuan saka ako hinalikan sa noo bago umikot at naupo narin sa kaharap kong upuan. “I’m starving.” He said.
“Let’s eat.” Nakangiti ko’ng sambit dito, saka nagumpisa nang kumain. Napahinto ako na’ng ma-alala ang nakita ko kanina sa grocery.
“Um, Harry. May nakita nga pala akong babae kanina sa may grocery, she really looks like me.” Sambit ko, napahinto sa pag-sasalin ng wine si Harry saka binaling ang tingin sa akin.
“What do you mean?” Kunot-noong tanong nito.
“I don’t know, pero kamukhang-kamukha ko talaga s’ya, kaso bigla s’yang nawala. Marami rin kasi’ng tao sa grocery kanina.”
“Do you think it’s logical? You don’t have a twin right? Baka stress ka lang kaya kung anu-ano na’ng nakikita mo.” Tugon nito saka pinagpatuloy ang pagsasalin ng wine sa baso, sandali akong natigilan at di’ na sumagot pa, iniisip parin kung totoo nga ba ang nakita ko kanina o guni-guni ko lang. “Don’t stress yourself, don’t worry. I’ll help you relax later.” He huskily said saka ngumisi. Ngumiti naman ako saka nagpatuloy na sa pagkain.
We usually spend the night together, drinking wine and make love all night long. He’s my first, and surely my last. Humiga ako sa dibdib nito habang ang mukha niya ay nasa itaas ng ulo ko, I felt his warm breath on my head, gustong-gusto ko’ng pakinggan ang t***k ng puso nito kapag mag-katabi kami sa kama.
Sya lang ang nagpapakalma sa akin sa mga ganitong pagkakataon. How I wish bumilis ang takbo ng panahon at matapos na’ng lahat ng ito.
Umupo ako sa kama nang ma-alala ang arrange marriage ko sa kapatid n’yang si Dominic. Harry and Dominic was the heir of Vallejo Enterprises and Holdings Inc. they have a several businesses, madalas si Harry lang ang nakikita ng media sa mga gatherings and meetings, bata palang si Dominic nang pumunta ito sa New Zealand at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik kaya walang ideya ang mga media tungkol dito,
“What’s wrong?” Sambit nito, saka umayos ng upo at hinawakan ang kamay ko. “I don’t want to married your brother, why can’t we just runaway? Let’s go far away from here.” Sambit ko, sandaling natigilan si Harry saka binitawan ang kamay ko.
“Cassandra, pinagusapan na natin ito di’ba? Kailangan ko pa ng kaunting panahon para mapunta sa akin ang buong Vallejo Interprises, just give me two years okay? I need your help this time.” Aniya, saka hinaplos ang pisngi ko. “You know that I love you right?” Dugtong nito, hindi ko na ito sinagot pa, nginitian ko nalang ito saka tumango.
He kissed me on my lips and cupped my face with his warm hand. Sinandal nya ang noo sa akin saka nasalita. “I have a surprise for you; let’s meet again on Saturday, okay?” He huskily said and smirked at me.
“What is it?” Nakangiti kong sambit.
“I told you it’s a surprise baby.” Aniya, saka ako niyakap. I felt the love, the sincerity. Nakakalungkot lang dahil kailangan naming itago ang relasyon naming dalawa, naiintindihan ko naman kailangang sundin ni Harry ang daddy nya, and all his effort was for his goal. To get all the properties of Vallejo Interprises, after that pwede na nyang hiwalayan si Breatrix at magpakasal sa akin.
Kinabukasan, nagising ako sa mainit na labing dumadampi sa pisngi ko. Marahan kong minulat ang mga mata at nakita ang napakagwapong mukha ni Harry, he already wearing his suit and tie. He caresses my face then smiled at me.
“Good Morning my lady.” He said.
“Good Morning.” I said with a horse voice and smiled at him. “Aalis kana?” tanong ko saka umupo sa kama, hinila ko ang quilt para takpan ang kahubdan ko.
“Yeah, I have an early meeting today. I’m sorry.” Sambit nito saka hinawakan ang kamay ko.
“It’s okay; I’m looking forward to your surprise.” I said with a sexy voice. He smirked and gives me a mysterious smile. “How can I leave you here? f**k that meeting.” Tugon nito.
“Go now, I’ll see you on Saturday.”
“Text me when you get home okay?” Aniya, saka ako hinalikan sa labi, I smiled when he deepened his kissed, ramdam ko ang panggigigil at pagtitimpi nito. Tinitigan ako nito sa mata saka hinawakan sa pisngi nang kumawala ito sa halikan namin.
“I love you.” Sambit nito.
“I love you too.” I smiled.
Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makalabas na ito sa kwarto, naligo na ako at nagpalit ng damit pagka-alis ni Harry. Nakapark ang sasakyan ko sa underground ng Hotel na si Harry lang ang may access, kaya walang nakakakita sa amin palabas o papasok ng penthouse.