Yasmine. Nakatitig ako sa kisame at ilang beses na kinurap-kurap ang mga mata hanggang sa makuha ko ang tamang linaw nito, inaalala ang lahat ng nangyari hanggang sa tuluyan akong magising. Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa harapan ko. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito habang sumisigaw para matawag ang doctor, hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa gilid ng mga mata ko. Akala ko hindi ko na makikita ang mukhang iyon, hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay nito saka ngumiti. “D-Dominic.” Halos napapaos kong sambit. “Are you okay? May masakit ba sayo? Parating na yung doctor.” Sunod-sunod na sambit nito. “O-okay lang ako.. A-akala ko.. akala ko hindi na kita makikita ulit. I’m sorry, Dominic.” Sambit ko rito habang umiiyak. Lumapit pa ito sa akin ng bahagya sa

