CHAPTER 16: Taking care of you

1443 Words
“H-huwag ka ng uminom masyado, m-magpapahinga na ako.”  Utal-utal kong sambit saka mabilis na umalis sa bar area, patakbo akong pumasok sa kwarto at binuksan ang banyo saka pumasok sa loob at sinara iyon. Napasandal ako sa pinto at hinawakan ang labi ko na noon ay nangangatal pa.  Bakit niya ako hinalikan? Dala ng alak? Humarap ako sa salamin at nanlaki ang mga matang nakita ang pisngi na nangangamatis sa sobrang pula, patuloy parin ang pagdagundong ng dibdib ko na hindi ko alam kung dahil ba sa tumakbo ako o dahil sa nangyari kanina. Muli akong bumalik sa kama at nahiga saka nagtakip ng quilt, hindi ko na alam kung paano pa ako nakatulog nang gabing iyon. Nang magising ako ay wala na akong katabi, hindi ba siya natulog dito kagabi? Binalewala ko nalang ito saka tumayo na at naligo. Ngayon ang unang araw ko sa main office, pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na ang bag ko at phone na nasa bedside table. Napalingon ako sa pinto nang makarinig ako ng mga mahihinang katok. Agad akong lumapit roon at binuksan ang pinto, ngumiti sa akin ang isa sa mga katulong sa manor. “Good Morning Ms. Cassandra, nakahanda na po ang agahan.” Sambit nito, ngumiti naman ako saka naalala si Dominic. Wala na ito nang magising ako, I guess hindi siya natulog dito sa kwarto kagabi. Tumikhim ako bago nagsalita. “Um, si Dominic? Nasa dining na ba siya?” Tanong ko rito. Umangat ang tingin nito sa akin saka sumagot. “Opo Ms. Cassandra, pinasusundo niya po kayo sa akin.” Aniya, ngumiti lang ako rito saka naglakad na papunta sa dining area. Naroon na sila Harry at Beatrix, si Dominic naman ay nakaupo narin. Tahimik at seryoso ang mukha ni Dominic. Tiningnan ako ni Harry saka ito ngumisi sa akin. Naiilang akong umupo sa tabi ni Dominic pero binalewala ko nalang, bibilisan ko nalang kumain. “Nag-away ba kayong dalawa?” Sambit ni Beatrix, inangat ko ang tingin rito saka ako nito tinaasan ng kilay. “I guess you have a lot of time to keep an eye on us Beatrix.” Baritonong sabat ni Dominic, seryoso parin ang ekspresyon ng mukha nito. “Don’t you have anything to say to Cassandra?” dugtong nito, napalunok si Beatrix at ilang beses na kumurap. Nangunot rin ang noo ni Harry saka binalingan ng tingin si Beatrix na noon ay unti-unti nang namumutla.  “W-what? I didn’t do anything.” Sambit nito. “What are you talking about? What happened, Dominic?” tanong ni Harry saka binaling ang tingin sa akin. Yumuko lang ako saka kinagat ang ibabang labi, ramdam ko ang tensyon sa buong silid. Hindi ba alam ni Harry ang nangyari? Well, he wouldn’t care after all. “Maybe you should asked your wife Harry, and tell her not to messed with Cassandra anymore or else I will tell Chairman Vallejo what she did.” Tugon ni Dominic saka ito tumayo at tiningnan ako.  “Let’s go.” Sambit nito na may malamig na tono at seryosong ekspresyon. I glanced at Beatrix and saw her anxious face, while Harry are frowning. “Thank you.” I murmur. Blushing. I didn’t expect him to do that in front of Beatrix and Harry. “I’m your husband, I’m responsible of taking care of you. Ayoko lang nakikita na binubully ka ng sino man, ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa akin?” Tugon nito, tumango ako saka ngumiti ng bahagya rito. My flushed faint. Oh, he did that because of his image. Binaling ko nalang ang tingin sa bintana, to surpress my dissapointment. “I’m sorry, for what I did last night. I was drunk.” Baritonong sambit nito. My face became scarlet as I reminisce what happened last night. The kissing thing. “Um, I-it’s okay.” Tugon ko rito. “It wont happened again, I wont touch you without your permission.” Aniya, nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang driver seat kung saan naroon si Con na tahimik lang na nagmamaneho. Lalo akong nangamatis nang tingnan din ako nito mula sa rearview mirror at nakita ang mapaglaro nitong ngiti. Napangiwi ako at binaling ang tingin kay Dominic na walang pakialam kung marinig man ni Con ang pinag-uusapan namin o hindi. Hindi na ako nagsalita pang muli at kinakastigo ang sarili, gusto ko nalang na mabilis na makarating sa company. My jaw dropped as I saw the main building of Vallejo Enterprises. It’s big than I expected, it’s huge! I can merely saw the reflection of thr sky and clouds in that glass building. Sinalubong kami ng isang chauffer at mga guards na nakabantay sa entrada ng building. Nakasunod lang ako kay Dominic na eleganteng naglalakad papasok sa loob ng building, hindi maiwasan ng mga taong naroon ang tingnan siya. Hindi na ako nagtataka pa, wearing his three piece suit, trouser and new leather shoes. His a total head turner. Binabati siya ng ilang mga empleyado na nakakasalubong namin, ang ilan ay nangungunot ang noo kapag napapadako ang tingin sa akin. Huminto kami sa tapat ng lift. May apat na lift akong nakita roon at itong nasa harap ko siguro ang para sa mga executive, katulad nila Harry at Dominic and also Chairman Vallejo. Speaking of Chairman, hindi siya sumabay sa amin kanina sa breakfast. Nandito rin kaya siya? “Nadito na rin ba si Chairman Vallejo? Wala kasi siya kanina sa breakfast.” Sambit ko kay Dominic. Prente itong nakatayo at nakahara sa lift. Nilingon lang ako nito ng bahagya saka nagsalita. “He’s not here. Hindi siya madalas na pumapasok, baka nasa golf club iyon kasama ng mga kaibigan niya.” Tugon nito, tumango lang ako saka napatingin sa lift nang tumunog ito, naunang pumasok si Dominic at saka ko sumunod rito. This building has a 50th floors, at ang office ni Dominic ay nasa 50th floor, naroon rin ang office ni Harry at Chairman Vallejo. The big boss’s floor. “Saan ka nga pala natulog kagabi? Nagising ako wala kana sa kwarto.” Muli kong sambit. “In the libriary. I can’t sleep with you after what happened.” Tugon nito, I frowned. Giving him a Wha-do-you-mean look. He smirked, and stared at me. “Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong angkinin ka kung natulog ako sa kwarto kagabi.” Dugtong nito, agad na namula ang pisngi ko at kumalabog ang dibdib. How can he be so vocal? Napatikhim ako saka iniwas ang mukha para hindi niya makita ang pamumula ng mga pisngi ko. “You’re flush, I didn’t know that I have this kind of effect on you Cassandra.” He said with a very low baritone voice. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. I’m embarassed with myself seeing him smirking and smiling sexily. Ano ba Yasmine! Naunang lumabas sa lift si Dominic at lihim akong bumuntong hininga, para akong mauubusan ng hangin sa loob ng lift na iyon, bumungad sa akin ang isang babae, Wearing a usual office attire, she’s smiling at Dominic politely and professionally, ganun rin ang iginawad nito nang dumako ang tingin nito sa akin. “Good morning sir Harry. Good morning Ms.” Nakangiting bati nito. “This is my wife, Cassandra. Cassandra, this is Gail. Our general manager, she’ll be in-charge on your training.” Baritonong sambit ni Dominic. “Good Morning Ms. Cassandra. I’m Gail.” Sambit nito sa akin saka inilahad ang kamay nito. Humarap sa akin si Dominic at saka muling nagsalita. “You don’t have to call her Miss, I want you to train her from the buttom. treat her as a regular trainee, I don’t want a special treatment here, understood?” Sambit nito habang nakatingin sa akin. Wearing a unreadable domineering look. “Yes sir Dominic.” Tugon naman ni Gail saka kami nito tinalikuran at pumasok sa office nito, naroon narin si Con at naghihintay sa kanya, tinanguan pa ako nito nang makita niyang nakatingin ako mula sa glass partition ng office. My lip parted while looking at Dominic’s intimidating back. This whole floor was quite luxiourous, the amazing structural designs, the marble floors the off-white ceiling and the huge glass panes in every corner of the wall, leaves me in awe. Tatlong offices ang nakita ko isa ang office ni Dominic, ang dalawa ay kay Chairman Vallejo at kay Harry. Sinilip ko pa ng bahagya ang office ni Harry habang abala si Gail sa pagto-tour sa akin sa buong floor. Madilim pa ang office nito, mukhang wala pa ito s opisina niya saka ko naalala na iniwan namin sila sa dining kanina. Pinakita sa akin ni Gail ang ibang floors kung saan nadoon ang HR Department, Accounting and Financing Dept., Sales and Marketing Dept., Conference rooms, pantry area for employee at ang executive area kung saan kumakain minsan ang mga big boss’s. Hindi ako makapaniwala sa lawak at laki ng building na ito, paano nagagawa ni Dominic at Harry na patakbuhin ang ganito kalaking kumpanya at karaming empleyado?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD