Naisip ko ang kalagayan nila nanay at Anthony kamusta na kaya sila ngayon? Sigurado akong malungkot ang kapatid ko sa pagkawala ko. Si Nanay? Nagising na kaya si Nanay? Pinunasan ko ng palad ang nakatakas na luha sa pisngi at nakaisip ng paraan para matakasan ang mga bodyguards ni Harry.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto para kunin ang phone ko na binigay ni Vincent, tinipa ko ang numero ni Harry at wala pang ilang Segundo ay sumagot na ito.
“Cassandra.” Napasinghap ako nang muling marinig ang boses nito, natatakot parin dahil baka hindi gumana ang plano ko.
“Harry, m-magpapaalam lang sana ako, gusto ko kasing mamili sa mall ng mga damit para bukas.” Sambit ko, pinilit kong hindi magaralgal ngunit hindi ako nagtagumpay sana lang ay hindi niya nahalata iyon.
“I’ll tell Vincent to petch you some clothes, you don’t have to go.” Aniya. Nanlaki ang mga mata ko at nataranta.
“Hindi na, gusto ko kasing ako mismo ang pumili ng isusuot ko bukas sa pagkikita namin ni Dominic, may mga kasama naman akong bodyguards. Saka sandali lang ako.” Sambit ko rito, ilang Segundo itong hindi sumagot, halos magsugat na ang ibabang labi ko dahil sa pagkagat ko rito para mapakalma ang sarili.
“Okay.” Maiksing tugon nito. Napangiti ako saka muling nagsalita.
“Thank you.” Tugon ko saka nito pinatay ang linya ng telepono.
Hindi ako mapalagay habang nasa sasakyan, iniisip kung paano ko matatakasan ang mga bodyguards at dalawang assistant. Tahimik lang ako habang nasa byahe, hanggang sa makarating kami sa isang mall. Una kong pinuntahan ang isang mamahaling clothing store, palinga-linga ako sa labas kung saan nakabantay ang bodyguards ni Harry at ang dalawang assistant ko naman na may hawak ng mga damit na pinili ko, humarap ako sa dalawang kasama ko saka ngumiti.
“Isusukat ko muna ‘yang mga iyan.” Sambit ko, ngumiti naman sila at sinundan ako papunta sa dressing room, wala pang ilang minute ay bahagya kong binuksan ang pinto na kinalingon ng dalawa sa akin, ngumiti ako saka nagsalita.
“Can you get me another size of this one? And any color of this one?” Sambit ko saka inabot ang damit sa mga ito, tumango naman ito saka pumihit na para gawin ang inuutos ko, nang makita kong abala na ang dalawa sa pagpili ng mga damit na sinabi ko ay mabilis akong lumabas ng dressing room at umikot sa kabilang side ng store kung saan mayroon pang isang exit.
Halos lakad-takbo na ang gawin ko para lang mabilis na makalayo sa lugar, hanggang sa makarating ako sa may open parking ng mall at may nakitang dumaan na taxi, mabilis ko iyong pinara saka sumakay, hinihingal pa ako nang makaupo ako sa backseat at nilingon ang likuran para tingnan kung nasundan ba ako ng mga tauhan ni Harry.
Napasandal ako sa upuan nang makalayo na ang taxi sa mall, nagpahatid ako kaagad sa hospital kung saan naka-confine si nanay. Marahan akong pumasok sa loob ng hospital at yumuyuko sa tuwing may makakasalubong, sa takot na baka may makakilala sa akin dito hanggang sa marating ko ang kwarto ng nanay ko.
Sumilip muna ako sa pinto bago pumasok, mabuti nalang at may maliit ng salamin sa pintuan kaya makikita mo ang loob kahit papaano, nakita ko ang kapatid ko na naka-upo sa may gilid ng kama ni nanay habang pinupunasan ito. Hindi ko na napigilan ang maluha sa nakita kong tagpo, nakaitim na damit ang kapatid ko at may maliit na itim na ribbon’g nakadikit sa kanang dibdib nito, tanda ng pagluluksa.
Halos hindi ko na mapigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko nang dumako ang tingin ko sa nanay ko na hanggang ngayon ay hindi parin nagigising. Hanggang sa may nakita akong isang grupo ng mga kalalakihan ang naglalakad papalapit sa kwarto ni nanay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mr. Pablo kasama ng mga lalaking iyon, agad akong nagtago sa kabilang kwarto, nanginginig ang mga kamay ko habang nakasandal sa pinto. Bakit nandito si Mr. Pablo? Akala ko ba ay binayaran na ito ni Harry?
Muli akong lumabas ng silid at sinilip ang nangyayari sa labas, nakita ko ang ibang tauhan ni Mr. Pablo na nakaabang sa labas ng kwarto ni nanay. Suminghap ako at saka pilit na inipon ang lahat ng lakas ng loob para tuluyang lumabas ng kwarto, mabilis akong kumilos at sinilip ang kwarto ni nanay nang hindi nagpapahalata sa mga taong nandoon.
Nakita ko ang nakangising si Mr. Pablo sa may tapat ng higaan ni nanay at kausap ang kapatid ko na na noon ay nakayuko lang na parang bata. Halos patakbo akong umalis roon hanggang sa madaanan ko ang isang security guard ng hospital, nag-aalala akong baka saktan nila ang kapatid ko.
“Sir, may mga lalaki pong nanggugulo sa room 102. Please tulungan niyo po sila, baka saktan sila ng mga lalaking nanggugulo roon.” Nag-aalala kong sambit sa guard, agad na kinuha nito ang two-way-radio niya saka inabisuhan ang mga kasamahang security. Kumilos na ako para sundan ang guard nang biglang may humatak sa braso ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon, si Harry!
Madilim ang mukha nito at matalim na nakatingin sa akin, sa likuran niya ay nakasunod si Vincent. Halos mapatid ako dahil sa lakas ng pwersa ng pagkakahatak nito sa akin.
“Sandali lang Harry. Kailangan ko munang makita si nanay.” Sambit ko rito, pero hindi ito tumugon at patuloy lang ang paghila sa braso ko palabas ng hospital, halos ibalibag ako nito nang makarating kami sa parking kung nasaan ang sasakyan nito.
Hinaplos ko ang braso ko na namumula na dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Harry rito. “Do you really want them to see you?!” Singhal nito.
“G-gusto ko lang naman makita si nanay.” Naiiyak ko nang sambit. Lumapit ito ng bahagya habang matalim parin ang mga tingin sa akin.
“Tandaan mong may kasunduan tayo Cassandra! Nasa kamay ko ang buhay ng nanay at kapatid mo this will be my last warning, huwag mong subukan ang kaya kong gawin Yasmine Santiago.” Sambit nito, hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko at mariing napapikit dahil sa takot rito.
Muli ko pang nilingon ang hospital nang makasakay na kami sa sasakyan. “Don’t worry about them; my men will take care of them.” Narinig kong baritonong sambit ng katabi kong si Harry. Yumuko lang ako saka pinunasan ang luhang maya’t-mayang umaagos sa pisngi ko.
Dumeretso ako sa kwarto pagdating namin sa Villa, hindi ko na nilingon pa si Harry. Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak habang nakasubsob sa unan ko hanggang sa nakatulog nalang ako. Madilim na nang magising ako, nakita ko ang quilt na nakatakip na sa akin, nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba na ako saka dumeretso sa dining area.
Sinalubong ako ng isang kasambahay na taga-handa ng mga pagkain. “Goodevening Ms. Cassandra, nagugutom napo ba kayo? Ipaghahanda ko na kayo ng makakain.” Aniya, saka dumeretso na sa kusina, inikot ko ang paningin at napansing walang ibang tao roon bukod sa kanya, umupo na ako saka nagsalita nang muling bumalik ang kasambahay na may dala nang mga pagkain.
“Nasaan yung mga kasama mo? Bakit ikaw lang mag-isa rito?” Tanong ko, sandaling natigilan ang babae at naiilang na ngumiti.
“Um, Ms. Cassandra, yung mga assistant nyo po pinaalis na ni Sir Harry, pero huwag kayong mag-alala bukas na bukas may mga bagong darating na assistant para sa inyo.” Sambit nito.
I frowned, how can he fire someone that easily? Dahil ba ito sa akin?
“But why?” Tanong kong muli.
“Because they didn’t do their job properly, Cassandra.”
Napalingon ako sa pinto nang may lalaking magsalita, si Harry. Nakasuot na ito ng white silk shirt at gray trouser, basa pa ang buhok nito mukhang kagagaling lang mag-shower. Sinenyasan niya ang kasambahay na umalis na, tumango naman ito saka mabilis na umalis sa dining. Nangunot ang noo ko, bakit nandito pa siya? Hindi ba ito hinahanap ng asawa niya?
“Bakit nandito ka pa?” Tanong ko. lumapit ito sa akin saka hinila ang upuan na nasa tabi ko at umupo roon. His expensive bodywash and fresh mint breath linger in my nose, napatikhim ako nang maramdaman ang pagkalabog ng dibdib ko.
“I want to make sure na hindi ka na tatakas.” Seryoso at nagbabanta nitong tugon. Saka kinuha ang phone niya at pinakita sa akin ang isang video, nangunot ang noo ko ngunit agad napalitan ng takot ang ekspresyon ng mukha ko, cctv footage iyon sa kwarto ni nanay sa loob ng kwarto ay naroon ang tauhan niya at nakahawak sa oxygen tube na nakakabit kay nanay, hindi ko makita sa kwarto si Anthony. Nakatingin ang lalaki sa cctv na para bang naghihintay lang ng signal ni Harry.
“P-please. Nangako kang wala kang gagawing masama sa nanay ko!” Sambit ko rito. Ngumisi ito saka nagsalita.
“But you keep on defying me, ngayon alam mo na kung anong mangyayari sa nanay mo sa oras na tumakas kang muli.” He said with a sharp gaze at me. I nodded at hinawakan ang braso nito.
“Please, huwag mong sasaktan ang nanay ko, pangako, hindi na ako tatakas. Gagawin ko’ng lahat ng gusto mo.” Pagmamakaawa ko rito.
“It’s your choice Cassandra, nasa’yo ang desisyon kung mabubuhay pa ang nanay mo o hindi.” Nakangising sambit nito, kinuyom ko ang mga kamao at ang luha ko ay nag-umpisa nang umagos sa pisngi ko.
“Demonyo ka! Sigurado akong mapupunta ka sa impyerno dahil sa kasamaan mo!” Singhal ko rito. Bahagya itong lumapit sa akin saka pinunasan ng hinlalaki ang luha na umagos sa pisngi ko.
“Don’t worry about that.” Aniya, saka tumayo at ngumisi sa akin saka may tinipa sa phone at dinikit iyon sa tenga. “Watch Mrs. Santiago’s condition, report to me if anything happens.” Sambit nito sa kabilang linya saka binaba ang phone at tumayo. “Enjoy your dinner Cassandra.” Dugtong nito saka tuluyan nang umalis sa dining.
Napahawak ako sa dibdib ko nang mawala na ito sa paningin ko at muling bumuhos ang luha ko, pinangako ko sa sarili na hinding-hindi ko na gagalitin si Harry.