"Kumusta na, Althea?" tanong sa akin ni Joy.
Nag-video call kaming apat dahil nami-miss ko na silang tatlo sa Laguna. Dahil Sabado naman ngayon ay tinawagan ko sila.
"Okay naman, kayo? Kumusta na kayo?" nakangiting tanong ko.
"Okay lang din." sabay-sabay nilang sabi at nagkwentuhan na kami. Hindi ko namalayan na tanghalian na pala kaya pinili namin na tumigil na muna at mamaya na lang kami mag-uusap.
Bago ako bumaba ay nakatanggap ako ng tawag kay Reese kaya agad ko itong sinagot.
"Hello, Reese? Ba't ka napatawag?" nagtatakang tanong ko.
"Busy ka ba today?" bored na tanong n'ya.
"Hindi naman, bakit?"
"Punta ka rito, Althea, I'm boooooored." sabi n'ya kaya kumunot ang noo ko.
"Huh? Hindi ko alam bahay n'yo e."
"Sunduin kita. Para bumili na rin tayo ng foods. Movie marathon tayo." halata sa kan'ya na nakangiti.
"Papaalam muna ako, kapag nag-decide na sila sasabihin ko kaagad sa'yo." sabi ko.
"Okay!" sabi n'ya at binaba ang tawag kaya agad akong bumaba para kumain at magpaalam.
"Mama!" tawag ko nang pagkababa ko.
"Bakit?" tanong n'ya at umupo kaya umupo na ako sa upuan ko.
"P'wede po ba akong pumunta sa bahay ng kaklase ko? Susunduin daw po n'ya ako e." sabi ko kaya nagkatingin sila ni Papa.
"Sige," sagot ni Papa kaya napangiti ako. "Pero sino ba 'yang kaklase mo?" tanong ni Papa.
"Si Reese po. Kaibigan ko po s'ya." nakangiting sabi ko kaya tumango silang pareho kaya nagpaalam ako na ite-text ko muna si Reese pero ang sabi ni Mama ay mamaya na lang daw pagkatapos kumain kaya sinunod ko sila.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at tinext si Reese.
To: Reese
Pinayagan na ko nila Mama.
Nilagay ko na rin sa text ko ang address namin at agad naman s'yang nagreply kaya naligo na ako at nag-ayos.
Nang matapos na ko sa pag-aayos ng sarili ko ay tinignan ko ang itsura ko sa full length size mirror na nasa kwarto ko.
Nakasuot ako ng white printed shirt, black faded jeans, and black sneakers. Naka-messy bun naman ang buhok ko at naglagay lang ako ng pulbos at lip gloss sa labi ko.
Pagkatapos kong mailagay ang mga kailangan ko sa bag ko ay saktong nakarinig ako ng busina ng sasakyan kaya sumilip ako sa bintana at nakita ko ang sasakyan ni Reese kaya agad naman akong bumaba.
Pagkababa ko ay agad akong nagpaalam kila Mama at agad naman akong pumunta sa labas para hindi na maghintay pa ng matagal si Reese. Pagkalabas ko ay agad akong sumakay sa sasakyan n'ya.
"Sorry kung hindi na ako pumasok." sabi ni Reese habang nagmamaneho.
"Okay lang. Papakilala na lang kita sa susunod kung okay lang sa'yo." nakangiting sabi ko.
"Sige, next time." nakangiting sabi n'ya.
Agad naman kaming nakarating sa malapit na Walter Mart para bumili ng makakain namin. Nang matapos ay agad na kaming umalis para pumunta sa kanila.
"Althea, okay lang naman sa'yo kahit nando'n kakambal ko diba?" tanong n'ya kaya nagtataka naman akong tumingin sa kan'ya.
"Ba't ako 'yong tinatanong mo? Hindi ko naman bahay 'yon. Ako nga dapat ang nagtatanong n'yan e." sabi ko.
"Alam ko naman 'yon. Nando'n kasi mga kaibigan n'ya kaya baka mahiya ka ganun, kaya ko natanong." sabi n'ya at nagkibit-balikat.
"Reese, kanina pa ko nahihiya hindi ko lang pinapahalata." nakangiting sabi ko.
"Atsaka, matanong ko lang. Bakit mo nga ba ako inaya sa inyo? Alam kong hindi lang dahil bored ka kaya mo ko inaya." sabi ko kaya bumuntong hininga s'ya.
"Saglit pa lang tayo magkakilala, alam mo na agad." sabi n'ya at umiling.
"Well, naiinggit kasi ako sa kanila. Sila naglalaro habang ako nganga. Nakakasawa na rin magbabad sa social media kaya inaya kita. Malay mo ito pa maging dahilan para mas makilala pa natin ang isa't isa diba?" sabi n'ya kaya napangiti ako.
"Sabagay."
Nang makarating kami sa bahay nila ay rinig na rinig ko na ang tawanan ng mga lalaki sa loob kaya nagkatinginan kami ni Reese.
"Told 'ya. Nag-eenjoy sila." sabi n'ya at pumasok sa loob dala-dala ang isang plastic kaya sumunod naman ako dala ang isa pa.
Nang makapasok na kami ay agad naman akong napatigil sa kinatatayuan ko at nagulat dahil nakakita ako ng limang lalaki, ang mas nakakagulat do'n ay nandito si Janus na nakapam-bahay at nakaupo sa pang-isahang sofa habang nakataas ang paa at sa baba naman n'ya ay si Reo nakapatong ang isang kamay sa tuhod n'ya. Nagkatinginan kami ni Janus kaya agad ko naman tinanggal ang gulat sa muhka ko at umiwas ng tingin dahil bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
Masama na ata 'to.
Hinatak naman ako ni Reese papunta sa kwarto n'ya kaya wala na akong ginawa kundi ang magpahatak sa kan'ya. Nang makarating kami sa kwarto n'ya ay tinignan ko s'ya.
"Reese, ba't nandito sila Janus?" tanong ko sa kan'ya habang s'ya naman ay pinaupo ako sa kama n'ya.
"Hala? So, hindi mo talaga napapansin?" takang tanong n'ya.
"Na magkapatid kayo?" nag-aalangan na sabi ko kaya tumango s'ya.
"Ah... kasi hindi naman ako sure kung tama ako. Diba minsan kahit pareho ng surname hindi naman magkamag-anak kaya ayun hehe." sabi ko at napakamot sa ulo.
"Wait." sabi ko ng may maalala. "'Yong tinutukoy mong kakambal mo, si Janus 'yon?" gulat na tanong ko kaya tinanguan lamang n'ya ako at napatulala naman ako.
"We're faternal twins." sabi n'ya. "Alam mo bang ikaw pa lang ang gumamit ng Janus sa pangalan n'ya?"
"Talaga?" gulat na tanong ko at tumango naman s'ya.
"Yes, ayaw n'yang mababanggit ni maririnig na tinatawag s'yang Janus." sabi n'ya at lumapit sakin.
"You can take off your shoes." sabi n'ya kaya tinanggal ko ito at itinabi sa pintuan, nilagay ko rin ang medyas ko sa loob ng sapatos ko at tumabi kay Reese.
"Bakit naman ayaw n'ya?" tanong ko.
"Ang alam ko napapangitan s'ya sa Janus kaya ayaw n'ya." sabi n'ya at nagkibit-balikat.
"Eh? Maganda naman ang Janus ah. Unique para sakin katulad ng Ryzk." sabi ko.
"Manood na lang tayo. 'Wag na natin anuhin 'yang pangalan ng kakambal ko. Ang arte n'ya." sabi n'ya kaya natawa ako.
Ginaya ko rin ang pagdapa ni Reese sa kama n'ya at inabutan naman n'ya ako ng chips kaya kinuha ko ito at kumain din habang nanonood kami ng movie.
Tutok na tutok kaming dalawa sa palabas hangga't sa matapos ang movie. Nang matapos na ito ay sakto namang may kumatok sa pinto kaya napatingin kami roon.
"Pasok!" sigaw ni Reese at lumitaw naman si Janus.
"Jael, akala ko ba magluluto ka ng carbonara?" seryosong tanong nito kaya napa-upo si Reese kaya ginaya ko rin s'ya.
"Oo nga pala! Mabuti pinaalala mo." sabi n'ya at tumayo.
"Mauna ka ng bumaba. Susunod kami." sabi ni Reese kaya tinignan ko si Janus na sinara na ang pinto.
"Jael ang tawag sa'yo ng kakambal mo?" tanong ko sa kan'ya habang s'ya naman ay nagpupusod ng buhok n'ya at kinuha ang plastic na dala-dala n'ya kanina.
"Oo, pero relatives o malalapit lang na tao ang p'wedeng tumawag no'n sa'kin." sabi n'ya at tinignan ako.
"Tara, iwan mo muna 'yang bag mo r'yan." sabi n'ya kaya kinuha ko ang phone ko sa bag ko at tumayo nakita ko naman si Reese na may dalang tsinelas.
"Ito muna suotin mo." sabi n'ya at inabot ito sa akin kaya agad ko naman itong sinuot at lumabas na kami.
Pagkababa namin ay nakita namin sila Janus na nag-uusap. Nang mapansin kami ni Janus ay nagkatinginan kami at naramdaman ko na naman na bumilis ang t***k ng puso ko kaya umiwas ako ng tingin at nagmadaling sumunod kay Reese na nauuna na sa akin.
Pagkadating namin ni Reese ay agad n'yang inayos ang mga kakailanganin n'ya kaya tinulungan ko s'ya sa pagluluto. Nang malapit ng matapos ang niluluto ni Reese ay s'ya namang dating ng kakambal n'ya kasama ang mga kaibigan nito.
"Ang bango naman n'yan, Reese." sabi ng lalaki na kaibigan din ni Janus.
"Umupo na nga lang kayo." masungit na sabi ni Reese kaya mga nagsi-upo sila sa may dining area na malapit lang din sa kusina.
"Althea, p'wedeng magtimpla ka ng juice?" tanong n'ya sa akin kaya tumango ako.
Kaya lumapit ako sa refrigerator at kumuha ng pitsel ng magsalita si Reese.
"Dalawang pitsel gamitin mo, Althea." sabi n'ya kaya kumuha pa ako ng isa at sinara ang ref at pumunta sa island counter kung nasaan si Reese na prini-prepare ang niluto n'ya.
"May yelo naman kayo diba, Reese?" tanong ko sa kan'ya.
"Oo nando'n sa freezer, kumuha ka na lang."
"Okay." sabi ko at kumuha ng dalawang yelo sa freezer nila.
"Thank you, Althea." sabi ni Reese pagkalapit ko sa kan'ya.
"You're welcome." nakangiting sabi ko at nagtimpla ng juice.
Pagkatapos kong magtimpla ng juice ay kinuha ko na rin ang mga plato, tinidor, at mga baso.
"Ilagay mo na 'yan don'n, Althea." sabi n'ya kaya tumango at kinuha ang mga plato at pumunta kila Janus.
Nilagyan ko sila ng plato sa harap nila at nagpasalamat naman sila sa akin kaya bumalik ulit ako sa kusina at kinuha ang mga tinidor at baso na nakalagay na sa tray. Pagkabalik ko sa kanila ay inilagay ko na agad ito sa harapan nila at bumalik sa kusina para kunin ang dalawang pitsel ng juice.
Nang hahawakan ko na ang isang pitsel ay may humawak sa kamay ko kaya tinignan ko kung kanino ito at halos manlaki ang mata ko sa gulat ng makitang si Janus ito kaya umiwas ako ng tingin at tinanggal ang kamay ko sa hawakan ng pitsel. Kaya kinuha ito ni Janus pati na rin ang isa pang pitsel ay dinala sa lamesa.
Gusto kong suntukin amg dibdib ko dahil bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Lagi na lang ganito ang nararamdaman ko kapag nakikita ko s'ya kaya naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Sabay na kami pumunta ni Reese sa dining area dahil nagsisimula na akong mailang kapag nasa paligid ko lang si Janus. Umupo sa s'ya tabi ni Janus at ako naman ay umupo sa harap n'ya, sa tabi naman ni Reo. Nang umupo ako sa tabi n'ya ay nginitian n'ya ako kaya nginitian ko rin s'ya pabalik.
Nag-unahan sa pagkuha ang mga kaibigan nila Reo sa pagkain kaya tinignan lang namin sila.
"Pasensiya na." rinig kong sabi ni Reo kaya napatingin ako sa kan'ya at nakita kong nakatingin s'ya sa akin.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Nakikita mo silang gan'yan." sabi n'ya at tumingin sa mga kaibigan n'ya at umiling. Kaya napangiti ako.
"Okay lang. Naaalala ko sa kanila ang mga kaibigan ko sa Laguna." nakangiting sabi ko.
Nang matapos silang kumuha nang pagkain ay agad namang kinuha ni Reo ang lalagyan at nilagyan ang plato ko kaya halos mataranta ako dahil sa hiya.
"R-Reo, ako na..." nahihiyang sabi ko. Kaya tinignan n'ya ako at nginitian.
"It's okay." nakangiting sabi n'ya kaya tinignan ko s'ya habang nilalagyan ang plato ko ng pagkain.
"Ang sweet naman, Reo!" pang-aasar ng kaibigan nila Reo kaya napaiwas ako nang tingin.
"Tumigil ka nga!" sita ni Reo kaya tumigil s'ya pero nakangisi pa rin ito at nakikipagsikuhan sa katabi n'ya.
"Sabihin mo kung tama na." sabi n'ya kaya tumango ako at nang makitang mapaparami ang nilagay n'ya ay agad kong s'ya pinatigil.
"Salamat." nahihiyang sabi ko at nagsimulang kumain.
"Diba ikaw si Althea Rodriguez?" tanong sa akin ng kaibigan ni Janus kaya tumango ako.
"Napanood namin audition mo sa glee club, ang galing mo pa lang kumanta." sabi n'ya kaya nahihiya akong ngumiti.
"Salamat."
"Ba't hindi ka sumali sa pagsasayaw?" tanong nang isa kaya umiling ako.
"Hindi naman ako marunong sumayaw."
Nagsimula na silang magtanong nang magtanong sa akin at sinagot ko naman ito ng maayos hanggang sa matapos kaming kumain.