Chapter 8

1781 Words
Pagka-akyat namin ni Reese sa kwarto n'ya ay sakto namang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita kong tumatawag si Mama kaya sinenyasan ko si Reese na sasagutin ko lang ito at tumango naman s'ya kaya sinagot ko ang tawag ni Mama. "Ma, bakit po?" nagtatakang tanong ko. "'Nak? Anong oras ka uuwi? Magkakaro'n tayo ng bisita e." sabi n'ya kaya tinignan ko si Reese at nakita kong nakatingin din s'ya sa akin. "Pauwi na po, Mama." sabi ko at nagpaalam na sa kan'ya. Kaya lumapit ako kay Reese. "Reese, sorry, hinahanap na ako ni Mama, magkakaro'n daw kasi kami ng bisita." sabi ko kaya nginitian n'ya ako at tumango. "No need to say sorry. Ihahatid na kita." nakangiting sabi n'ya. "Sorry talaga." nahihiyang sabi ko kaya umiling s'ya. "It's fine, Althea." sabi n'ya at tumayo sa pagkaka-upo sa kama n'ya kaya kinuha ko na ang bag ko para makaalis na rin kami. Habang pababa kami ay tinext ko si Mama. To: Mama Mama, p'wedeng maghanda ka po ng mga cupcakes. Thank you gift ko lang po sana kay Reese. Saktong pagkasend ko ay s'ya namang pagsulpot ni Janus sa harap namin kaya halos matumba ako sa gulat ng makita ko s'ya. "Saan kayo pupunta?" seryosong tanong n'ya habang nakakunot ang noo n'ya. "Ihahatid ko lang si Althea. Hinahanap na raw kasi s'ya ng Mama n'ya." sabi ni Reese kaya tumango si Ryzk at hinawakan ang likod ng ulo ni Reese at hinalikan ito sa noo. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho." sabi n'ya at naglakad papalayo kaya hinatak naman ako ni Reese papuntang garahe nila. Pagkarating namin sa garahe ay agad binuksan ni Reese ang pinto kaya agad akong sumakay gano'n din s'ya. Mabilis lang ang byahe namin kaya agad naman kaming nakarating sa amin. Nakita ko pa si Mama sa labas na may hawak na box. Kaya agad akong bumaba at humalik sa pisngi ni Mama. Nang mapansin kong bumaba si Reese sa kotse n'ya ay agad ko s'yang pinakilala kay Mama. "Mama, s'ya po si Reese. Kaibigan ko po." nakangiting sabi ko kaya ngumiti si Reese kay Mama at ganun din s'ya. "Ito nga pala," abot ni Mama kay Reese. "Mga cupcakes 'yan. Bake ni Althea." "Hindi na po sana kayo nag-abala pero salamat po." nahihiyang sabi ni Reese. "Sige po, tutuloy na po ako." "Gano'n ba? Sige, mag-iingat ka ha?" sabi ni Mama kaya ngumiti si Reese at tumango kay Mama. "Opo. Maraming salamat po ulit dito sa cupcakes." nakangiting sabi ni Reese at tumango lamang si Mama kaya pumunta na si Reese sa kotse n'ya at pumasok. Kumaway ako sa kan'ya at s'ya naman ay bumusina at umalis na. Bago kami pumasok ay napansin ko ang isang sasakyan sa harap ng bahay namin kaya tinawag ko si Mama. "Mama, kaninong sasakyan po 'yan?" tanong ko sabay turo sa sasakyan. "Sa bisita natin, anak. Pumasok na tayo." sabi ni Mama kaya tumango ako at sumunod sa kan'ya papasok ng bahay. Pagkapasok namin sa bahay ay bumungad sa akin ang mag-asawa na may kasamang bata na sa tingin ko ay sampung taon pa lamang ito. Napansin ko na medyo pamilyar ang itsura ng batang lalaki at ang Papa nito hindi ko nga lang alam kung saan ko nakita. "Selene, 'wag mo silang titigan nang gan'yan." saway sa akin ni Papa kaya nahihiya akong tumungo. "Sorry po." "Naku! Ayos lang 'yon, Peter." sabi ng babae. Pumunta ako kilala Papa at tumabi sa kanila. Nahihiyang nakatungo pa rin ako. "Selene, ang ninang Grace mo." sabi ni Mama kaya tinignan ko s'ya at tinignan ang babaeng nasa harapan namin kaya tumayo ako at nagmano sa kan'ya. "Ang gandang bata. Manang-mana sa nanay." nakangiting sabi sa akin ni ninang Grace kaya namula ang pisngi ko. "Ito naman ang ninong Art mo." pagpapakilala ni ninang Grace sa asawa n'ya kaya nagmano rin ako kay ninong Art. "At ito naman si Rage, ang bunso namin." pagpapakilala naman ni ninang Grace sa batang lalaki kaya umupo ako sa harap n'ta at nginitian s'ya. "Hello, ako si Althea!" nakangiting sabi ko. "Hello po, ate Althea!" nakangiting sabi n'ya. "Ate, paglaki ko, papakasalan kita!" Nagulat ako sa sinabi n'ya kaya natawa silang lahat. "Ha? Bakit naman?" "Kasi po, maganda ka po." sabi n'ya kaya hinawakan ko ang dalawa n'yang kamay. "Rage, hindi naman porket maganda ako ay papakasalan mo na ako. Dapat kung magpapakasal ka ay dahil sa mahal mo ang isang tao at mangyayari lang 'yon kapag malaki ka na. Kapag nasa tamang edad ka na." "Mahal? Ano po 'yon?" nagtatakang tanong n'ya "Ang pagmamahal ay nararamdaman ng isang tao. May iba't ibang klase ng pagmamahal, Rage. Pagmamahal sa kaibigan, kapatid, kamag-anak, sa magulang, at sa babaeng makikita mo pagmalaki ka na. Ang pagmamahal, walang hinahanap na dahilan. Kusa mong mararamdaman." "Ano pong ibig n'yong sabihin?" "Sabihin nating mahal mo kasi maganda ako, paano kung nawala 'yong kagandahan ko na minahal mo, mamahalin mo pa rin ba ako?" tanong ko at umiling naman s'ya. "Hindi po." "Hindi gano'n ang pagmamahal, Rage. Sabihin natin infatuation lang 'yon or crush lang. Pero kapag pagmamahal na, walang dahilan. Kusang mararamdaman ng isang tao. Well, hindi ko pa masyadong ma-explain sa'yo kasi kahit ako hindi ko pa 'yan nararamdaman. Nababasa ko lang sa mga novels 'yan e. Malalaman mo lang 'yan, kapag nando'n ka na sa sitwasyon na 'yon." nakangiting sabi ko. "At saang libro mo naman nabasa 'yan?" tanong nang pamilyar na boses kaya tumayo ako at nilingon ko s'ya at hindi nga ako nagkakamali. "R-Reo?" gulat na sabi ko. "Ako nga." nakangising sabi n'ya kaya tinignan ko ang kapatid n'ya at ang Papa n'ya. Kaya pala muhkang pamilyar sila sa akin dahil magkakamuhka silang tatlo nila Reo. "Anak, magkakilala kayo?" tanong ni ninang Grace at naramdaman kong hinawakan n'ya ako sa magkaparehong balikat kaya tinignan ko s'ya at tinignan ko si Reo. "Yes, Ma. We're school mates." sabi ni Reo at tinignan ako ng nakangiti. "Talaga, Althea?" nakangiting tanong sa akin ni ninang kaya tumango ako. "Opo, ninang. School mates po kami. Nakilala ko lang din po s'ya dahil kay Reese." sabi ko kaya kumunot ang noo ni ninang. "Wait. Reese? Reese Villanueva?" tanong ni ninang kaya tumango ako. "Opo. S'ya nga po." magsasalita pa lang sana si ninang ng magsalita si Mama. "Maghapunan na tayo." Kaya pumunta na kaming lahat sa dining area para kumain. Habang naglalakad ako papasok ay naramdaman kong may nakasunod sa akin kaya paglingon ko ay nakita ko si Reo. Kaya nginitian ko s'ya at s'ya namang paglapit n'ya sa'kin. "Akala ko kung sinong nakasunod sa'kin, ikaw lang pala." nakangiting sabi ko. "Natakot ka ba?" tanong n'ya. "Hmm... hindi naman. Nasa school naman ako kaya hindi ko kailangan matakot." sabi ko. "Ba't ang saya mo ata ngayon?" tanong n'ya sa akin kaya kumunot ang noo ko. "Huh?" "Ang saya mo ngayon." sabi n'ya. "Masaya naman ako palagi e. Hindi lang halata minsan." nakangiting sabi ko kaya napangiti s'ya at umiling. "Ano namang dahilan bakit ka masaya?" tanong n'ya at niligay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. "Wala naman. Hindi ba p'wedeng masaya lang talaga ako?" tanong ko kaya nagkibit-balikat s'ya. "Alam mo kasi, Reo, always be positive. Ayan lagi ang iniisip ko. Ayokong masira lang ang araw ko dahil sa pagiging negative ko. Atsaka masaya ako kasi God always give me another day." "What do you mean about that?" "Kasi hindi natin alam kung kailan tayo mawawala dito sa mundo. Malay mo bukas wala ka na o kaya mamaya. Ang kamatayan naman walang pinipiling edad 'yan e. Kaya habang nandito pa ako. Susulitin ko na ang maging masaya dito sa mundo." nakangiting sabi ko. "Parang ang lalim naman n'yan. Atsaka alam parang alam mo na kung kailan ka mawawala ah?" nakangising tanong n'ya kaya umiling ako. "Baliw! Hindi 'no." nakangising sabi ko. "Oo nga pala, akala ko magb-business ka katulad nila ninang. Maga-architect ka pala." saad ko. "Pero tutulungan ko naman sila sa business. Tinuruan na naman na nila ako noon." sabi n'ya kaya tumango-tango ako. Hindi ko namamalayan na nandito na pala kami sa classroom ko kaya tinignan ko s'ya at nginitian. "Salamat sa paghatid." nakangiting sabi ko kaya nginitian n'ya ako at ginulo ang buhok ko kaya napasimangot ako at s'ya namang kinatawa n'ya. "Walang anuman, kinakapatid." nakangising sabi n'ya at tinalikuran ako. Habang nakatalikod s'ya ay kinawayan n'ya ako na s'ya naman kinairap ko at napangiti Pagkaharap ko ay napaatras ako dahil nakita ko si Reese na nakahalukipkip at naniningkit ang mata sa akin. "Anong meron sa inyong dalawa ni Reo?" "Ha? Wala." nagtatakang sabi ko sa kan'ya. "Eh? Ano 'yon?" tanong n'ya at ginaya ang paggugulo sa buhok ko. Kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Sandali!" saad n'ya at gulat na napatingin sa akin kaya mas lalo akong nagtaka. "Boyfriend mo na ba s'ya?" gulat na tanong n'ya sa akin kaya natawa ako. "Reese, ano ba naman 'yang iniisip mo." nakangiting sabi ko at umiling. "Kinakapatid ko s'ya, okay?" sabi ko at nilaktawan s'ya pero sinundan ako ni Reese. "Weh?" hindi makapaniwalang sabi n'ya. "Oo, kahapon ko lang nalaman. Nando'n sila sa amin kahapon e. Kaya pala pinauwi ako." nakangiting sabi ko. "Oh! Kaya pala wala na rin s'ya nung umalis ka." saad n'ya kaya ilalapag ko pa lang ang bag ko ay tinignan ko s'ya. "Talaga?" at tumango s'ya. "Bago ka umalis, nakaalis na pala s'ya. Ayon ang sabi ni Ryzk." sabi n'ya kaya tumango-tango ako. Kinuha n'ya ang upuan na nasa harap ko at inilapit sa desk ko at pumangalumbaba. "Kwento ka na, dali!" sabi n'ya na parang bata kaya natawa ako at inilapag ang bag ko sa upuan at umupo sa harap n'ya. Kaya ikinuwento ko ang nangyari kahapon. Pati kung paano ko naging ninong at ninang ang parents ni Reo. Matagal na pa lang magkakaibigan ang mga magulang namin. Nagkahiwalay lang sila noong pumunta kami ng Laguna pagkatapos ng binyag ko na huling inattendan nila. Dahil sa sobrang busy rin nila rito ay hindi na sila makapunta sa Laguna para bisitahin kami. Pero nagkakausap naman daw sila sa telepono kaya ayos lang. Ako lang daw talaga ang hindi nila makausap dahil kapag tatawag sila ay nasa school ako, minsan naman ay tulog, minsan ay nasa ibang bahay para gumawa ng project kaya hindi talaga nila ako makausap. "Mabuti nakita mo na sila, tapos coincidence pa na si Reo 'yong anak nila. Nakakatuwa naman." nakangiting sabi n'ya kaya napangiti ako. "Sinabi mo pa." "Oo nga pala, may practice kayo mamaya?" tanong n'ya sa akin kaya umiling ako. "Wala naman, bakit?" "P'wedeng samahan mo kong magpractice mamaya? Kailangan ko lang ng audience." natatawang sabi n'ya kaya tumango ako. "Sige, sasamahan kita mamaya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD