Nandito kami ngayon sa practice room ni Reese dahil magpa-practice raw s'ya ng sayaw n'ya. Habang nagpapalit s'ya ay tinignan ko ang buong paligid ng practice room. Kung wala lang talaga akong sakit, baka sumali talaga ako sa dance group.
Noong bata kasi ako ay sumali ako sa pagsasayaw kahit bawal dahil nga sa sakit ko. Kaya nang nagpractice kami ng sayaw ay dinala ako sa ospital dahil sa sakit ko. Pinaalalahan nila ako na bawal nga ako sa mga gano'ng bagay dahil ikakapahamak ko lamang daw iyon. Mabuti nga raw na hindi malala ang nangyari kundi baka kung ano na raw ang mangyari sa akin. Kaya simula noon ay hindi na ako sumasali sa mga gan'to pati sa ibang sports dahil nag-iingat na ko.
"Althea, ayos lang ba suot ko?" tanong n'ya.
Nakasuot s'ya ng white hanging shirt, black high-waisted leggings, at white rubber shoes. Ang buhok naman n'ya ay naka-high ponytail.
"Oo naman." sabi ko kaya napangiti s'ya.
Naglakad s'ya papunta sa dulo ng kwarto at may inayos. Inaayos n'ya siguro ang kanta na sasayawin n'ya. Maya-maya ay bigla s'yang tumakbo sa gitna at nagpose at s'ya namang nagsimula ang kanta kaya nagsimula na rin s'yang sumayaw.
Namangha ako sa ganda ng sayaw n'ya. Ang smooth nang mga galaw n'ya kaya sobra akong namamangha. Habang sumasayaw s'ya ay nakatingin lamang ako sa kan'ya. Tinitignan ang bawat galaw na ginagawa n'ya. Pati ang expression nang muhka n'ya ay nakakamangha kaya ng matapos ang pagsasayaw n'ya ay napapalakpak na lamang ako.
"A-ayos ba?" hinihingal na tanong n'ya kaya nginitian ko s'ya ng malaki at tumango nang ilang beses.
"May crush na ata ako sa'yo, Reese." namamangha na sabi ko kaya natawa s'ya.
"Gaga ka talaga!" nakangiting sabi n'ya kaya nagulat ako.
"Nagmumura ka pala?" gulat na tanong ko kaya natawa na naman s'ya sa akin.
"Clown ba ko?" tanong ko kaya umiling s'ya. "Eh, ba't pinagtatawanan mo ko?"
"Wala, nakakatuwa lang ang reaksyon mo." nakangising sabi n'ya at tumabi sa tabi ko kaya inabot ko sa kan'ya ang tumbler n'ya.
"Thank you." sabi n'ya at uminom.
"Alam mo," sabi n'ya kaya tinignan ko s'ya. "Sa tingin ko marunong ka namang sumayaw, ayaw mo lang sabihin."
"Ha? Hindi ah! Hindi talaga ako marunong sumayaw." saad ko.
"Weh? Maniwala sa'yo." sabi n'ya kaya tumango ako.
"Oo nga."
"Hay nako! Sige na. Sabi mo e." sabi n'ya at tumayo. "Magpapalit lang ako tapos alis na tayo. Baka ma-late pa tayo e." kaya tinanguan ko s'ya.
Habang nagsusulat ako nang notes ay tinawag ako ni Ms. Eryn kaya nag-angat ako ng tingin at tinignan s'ya.
"Bakit po?" tanong ko at sinenyasan naman n'ya akong lumapit kaya agad akong tumayo at nilapitan s'ya sa unahan.
"Bakit po?" tanong ko ulit kay Ms. Eryn.
"Nagre-recruit kasi sila ngayon ng students para sa archery club. Tapos nakita namin ang records mo at nalaman namin na kasali ka pala sa archery club sa school mo dati?" kaya tumango ako.
"Sabi rin do'n na you're the ace in archery club in St. John, that's why they want to recruit you." kaya nagulat ako.
"Po?" at tumango naman si Ms. Eryn.
"Sana pumayag ka na pumasok sa archery club, Althea." sabi ni Ms. Eryn kaya nag-alangan ako.
"P'wedeng kausapin ko po muna parents ko?" nag-aalangan na tanong ko kay Ms. Eryn kaya nginitian n'ya ko.
"It's this about your health?" mahinang tanong n'ya kaya tumango ako.
"I see." sabi n'ya at tumango. "Hihintayin namin ang desisyon mo."
"Sige po. Salamat, Ma'am." nakangiting sabi ko kaya nginitian n'ya ako at tumango.
Tumalikod na ako kay Ms. Eryn at bumalik na sa upuan ko. Pagkaupo ko ay s'ya namang pagbell hudyat na break time na kaya nagsilabasan na ang iba kong kaklase. Tutungo pa lang sana ako ng biglang magsalita ang katabi ko.
"Sasali ka?" tanong n'ya kaya nagtataka akong tumingin sa kan'ya.
"Huh?" at seryoso s'yang tumingin sa akin.
"Pinapasali ka sa archery club diba?" tanong n'ya kaya tumango ako at kumunot ang noo.
"Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong n'ya. Sinigurado namin na kami lang ni Ms. Eryn ang makakarinig nang pinag-uusapan namin kanina kaya paano n'ya nalaman yun?
"Ayun na lang naman ang sports na nagre-recruit nang members ngayon. I just thought that they recruiting you and I'm right." sabi n'ya kaya tinitigan ko lang s'ya at s'ya naman ay tumingin sa labas ng bintana sandali bago magsalita ulit.
"Sasali ka sa archery club?" tanong n'ya.
Pinatong ko ang kaliwang pisngi ko sa mesa ko makita pa rin s'ya. Sinilip n'ya ako sandali at binalik ang tingin sa labas at humalukipkip kaya napabuntong-hininga ko.
"Hindi ko alam e. Kakausapin ko pa mga magulang ko tungkol d'yan." sabi ko kaya tumango-tango s'ya nang ilang beses.
"Ikaw? May sinalihan ka?" tanong ko sa kan'ya kaya tumango ulit s'ya.
"Talaga? Ano naman?"
"Basketball."
Seryoso pa rin ang muhka n'ya habang kinakausap ako at habang nakatingin s'ya sa labas ng bintana. Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang muhka n'ya. Gwapo talaga si Janus, kahit sino magkakagusto sa katulad n'ya. Misteryoso tao rin. Biglang bumilis na naman ang t***k ng puso ko habang tinitignan s'ya kaya umiwas ako ng tingin.
"Can you..." sabi n'ya kaya tinignan ko s'ya.
"Hmm?" tugon ko pero umiling lamang s'ya.
"Nevermind."
Biglang binalot na lamang ng katahimikan ang paligid namin kaya medyo naiilang ako sa'ming dalawa kaya nagbukas ako ng topic.
"Ja---Ryzk, sunset or sunrise?" tanong ko sa kan'ya kaya kunot-noo s'yang bumaling sa akin.
"Ano?" seryosong tugon n'ya.
"Anong gusto mong panoorin? Sunrise or sunset?" tanong ko kaya sumeryoso ulit ang muhka n'ya at tumingin ulit sa labas.
"Wala." kaya sumimangot ako.
"Ako, sunset..." sabi ko kaya tinignan n'ya ako.
"Bakit naman?"
"Sunset thought me that endings can also be beautiful." sabi ko at ngumiti.
"Karamihan kasi sa'tin lahat ang akala natin ang endings sa mundo, masakit. Hindi maganda. May sakit na maidudulot. Pero hindi. Sunrise are the start of a beautiful day. Bagong pagsubok sa buhay, bagong problema, bagong sakit. Pero when sunset came, it also the ending of our sufferings. Na kahit masakit, na kahit masaya, na kahit malungkot, na kahit nakakagalit, mamatapos din." sabi ko at bumuntong-hininga.
"Don't get me wrong, I like sunrise but I love sunset. Kaya lagi kong pinapanood yun." nakangiting sabi ko.
"I see."
"You should try it." sabi ko kaya tinaasan n'ya ako ng isang kilay.
"It's relaxing." nakangiting sabi ko kaya sumeryoso ang muhka n'ya at tumahimik kaya inangat ko ang ulo ko at kinuha ang tubig sa bag ko. Nang iinom na ako ay nagsalita s'ya.
"I'll try it." seryosong sabi n'ya kaya napangiti ako at uminom na ng tubig.
Habang nagliligpit ako ng gamit para makauwi na ko ay biglang lumapit sa akin si Reese.
"Althea, hindi ako makakasabay sa'yo palabas. May urgent meeting e." nagmamadaling sabi n'ya kaya nginitian ko s'ya.
"Okay lang. Sige na, mauna ka na. Baka malate ka pa e." pagtataboy ko sa kan'ya kaya nginitian n'ya ako at nagflying kiss sa akin.
"Bye, Althea! Ingat!" sigaw n'ya habang tumatakbo palabas ng room kaya natawa na lang ako at napailing sa ginawa n'ya.
"Althea," tawag sa akin ni Janus kaya tinignan ko s'ya.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"May gagawin ka ba mamaya?" tanong n'ya sa akin kaya umiling ako.
"Wala naman," sabi ko at kumunot ang noo. "Bakit?"
Halata sa muhka n'ya ang pagdadalawang isip na sabihin sa akin ang gusto n'yang sabihin kahit napakaseryoso ng muhka nito.
"Bakit?" tanong ko ulit kaya pinikit n'ya ang mata n'ya at bumuntong hininga sabay tingin sa akin.
"P'wede bang samahan mo ko sa mall?" tanong n'ya kaya napaayos ako nang upo at napalunok.
"Bakit? Magpapatulong ka ba?" tanong ko.
"Oo e. Kay Reese sana ako magpapatulong kaso busy s'ya. Hindi p'wede si ate kasi para sa kan'ya ang ibibigay ko." sabi n'ya kaya tumango-tango ako.
"Sige, ngayon na 'no?" at tumango s'ya sabay tayo at kinuha ang bag n'ya.
"Tara." sabi n'ya at naunang naglakad kaya tumayo na ako sabay kuha sa bag ko at sumunod sa kan'ya.
Halos tumakbo pa ako para lang maabutan s'ya. Sa haba ba naman ng hiyas n'ya at sa bilis maglakad ay hindi ko talaga s'ya mahabol kaya nang makalapit ng kaunti ay inayos ko na ang paglalakad ko at muntik ko ng sampalin ang sarili sa pagiging pabaya ko. Nakalimutan kong bawal akong tumakbo at muntikan ko ng gawin ito. Kung hindi ko lang s'ya naabutan ay baka nasa ospital na ko ngayon dahil sa pagiging pabaya.
Nang nasa tapat na kami ng elevator ay agad naman itong bumukas at nakita naming walang laman ito kaya agad na kaming pumasok. Katahimikan lang ang bumalot sa'ming dalawa hanggang sa umabot kami sa parking lot.
Pagkalabas n'ya ay lumabas na rin ako at sinundan s'ya papunta siguro sa kotse n'ya. Nang makarating kami sa kotse n'ya ay pinatunog n'ya ito kaya ng bubuksan ko na ang pinto ng passenger seat ay binuksan na n'ya na ito kaya tinignan ko s'ya at seryosong nakatingin lamang s'ya sa akin kaya bumilis ang t***k ng puso ko kaya umiwas na lamang ako ng tingin at sumakay na sa loob. Pagkasara n'ya ng pinto ay umikot s'ys papunta sa driver seat kaya pagkasakay n'ya ay sinuot ko ang seatbelt ko at gano'n din ang ginawa n'ya.
Nagsimula na s'yang magmaneho kaya tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at tinignan na lamang ang mga nadadaanan namin. Habang tumitingin ako sa labas ay nagsalita s'ya.
"Gusto mo bang kumain muna?" tanong n'ya kaya tinignan ko at umayos ng upo.
"Uhm... p'wede naman." sabi ko kaya tumango s'ya.