Pagkadating namin sa mall ay didiresto sana s'ya sa mamahaling restaurant ng makita ko ang paborito kong kainan kaya hinawakan ko s'ya sa braso na nagpatigil sa kan'ya sa paglalakad at nilingon ako.
"Bakit?" tanong n'ya.
"Nakakain ka na ba sa Mcdo?" tanong ko kaya kumunot ang noo n'ya at tinignan ang sinasabi ko at bumalik ulit sa akin ang tingin.
"Hindi pa." sabi n'ya kaya napangiti ako at hinatak s'ya papunta ro'n.
Nang lingunin ko naman s'ya ay nakakunot ang noo n'ya pero hindi ko na lamang ito pinansin.
Pagkapasok namin sa loob ay wala masyadong tao kaya nakakita agad ako ng pwesto sa may sulok kaya dinala ko s'ya doon.
"Upo ka na." nakangiting sabi ko sa kan'ya kaya umupo s'ya pero seryoso pa rin ang muhka n'ya. Ako naman ay umupo sa harap n'ya.
"Ba't mo ko dinala rito?" tanong n'ya sa akin kaya nginitian ko s'ya.
"Diba sabi mo hindi ka pa nakakain dito?" kaya tumango s'ys. "Kaya dinala kita rito para ma-try mo. Promise!" at tinaas ang kanang kamay ko. "Magugustuhan mo rito."
"Mahilig ka bang kumain dito?" tanong n'ya kaya tumango.
"Oo."
"Bakit?"
"Kasi kahit matanda ka na, mafe-feel mong bumalik ka sa pagkabata. Same sa Jollibee." nakangiting sabi ko kaya kumunot ang noo n'ya.
"Jollibee?"
"Oo, 'yong pulang bubuyog." sabi ko kaya napangisi s'ya sa sinabi ko.
"Parang gusto kong makita 'yang pulang bubuyog na 'yan." sabi n'ya kaya napatitig ako sa kan'ya.
"Mas lalo kang gumagwapo kapag nakangiti ka." sabi ko kaya tinignan n'ya ako ng seryoso.
"Talaga? So, gwapo ako para sa'yo?" sabi n'ya kaya tumango ako.
"Oo, lahat naman siguro kaming nakakakita o nakakakilala sa'yo e naga-gwapuhan din." sabi ko at tumayo. "Sana lagi kang ngumiti. Mas lalo kang gumagwapo." at umalis para maka-order.
Dahil wala masyadong customer ay naka-order agad ako at nakuha ko rin agad ito. Papunta ko sa table namin ay nakita ko s'yang naka-upo lang habang tumitingin-tingin sa paligid kaya napangiti ako at lumapit sa kan'ya.
"Ito na ang order natin." nakangiting sabi ko sa kan'ya at nilapag ang tray.
"Sorry kung ako na ang umorder para sa'yo." sabi ko at umupo sa upuan ko. Umiling naman s'ya.
"Okay lang. Ikaw naman ang may alam dito." saad n'ya.
Kaya nilapag ko sa harap n'ya ang pagkain na inorder ko para sa kan'ya.
"Chicken Ala King 'yan. Masarap 'yan." nakangiting sabi ko at nilapag ko ang coke, fries at mcflurry. "Oreo mcflurry 'yan." tumango naman s'ya. Pareho lang ang inorder ko para sa'ming dalawa.
Nagsimula na kaming dalawang kumain. Habang kumakain s'ya ay pinagmamasdan ko s'ya. Halata namang nagustuhan n'ya ang inorder ko para sa kan'ya kaya napangiti na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Pagkatapos kong kumain ay kumuha ako ng fries at ni-deep sa ice cream at kinain. Tinignan ko naman s'ya at nagtataka naman s'yang tumingin sa akin.
"What are you doing?" kunot-noong tanong n'ya.
"Bakit?"
"Ang weird ng ginagawa mo." sabi n'ya kaya sumimangot ako.
"Masarap kaya 'to. Try mo." sabi ko at kumuha ng fries sa kan'ya at ni-deep sa ice cream n'ya pagkatapos tinapat sa kan'ya kaya inurong n'ya palayo ang ulo n'ya.
"Ayoko." sabi n'ya kaya sumimangot ulit ako.
"Sige na. Try mo lang. Magugustuhan mo 'to." sabi ko kaya unti-unti n'yang nilapit ang ulo n'ya at kinain ang fries.
Kaya tinignan ko s'ya habang ngumunguya s'ya. Nang makita kong kumunot ang noo n'ya ay nilapit ko ng kaunti ang muhka ko at tinaasan s'ya ng dalawang kilay.
"So?" at tumango-tango ang ulo n'ya.
"It's taste good." sabi n'ya at ginawa ulit ang ginawa ko kaya umayos ako ng upo at napangiti habang tinitignan s'ya kaya sinabayan ko s'ya sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng Mcdo. Sinusundan ko lang s'ya kung saan s'ya papunta kaya sinabayan ko s'ya sa paglalakad at nagsalita.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Department store." kaya kumunot ang noo ko.
"Anong bang bibilhin mo?"
"Regalo para kay ate." sabi n'ya at nang madaanan namin ang department store ay hinatak n'ya ako papasok sa loob kaya wala na kong nagawa kundi ang magpahatak.
Habang hatak-hatak n'ya ako ay nagsalita s'ya.
"My sister want a new bag. Kaso hindi ko alam kung anong klaseng bag." sabi n'ya at nang makita ko ang pwesto ng mga bag para sa babae ay tinuro ko iyon.
"Ayon oh!" sabi ko kaya hinatak na naman n'ya ako papunta ro'n.
Kaya ng makalapit na kami ay hinatak ko ang kamay ko kaya nabitawan n'ya ako at tumingin sa akin.
"Alam mo, kayong kambal ang hilig n'yong manghatak." nakangusong sabi ko.
"I'm sorry." sabi n'ya kaya umiling ako.
"It's okay. Kailangan ko na lang talaga masanay na hinahatak ako." sabi ko at ngumiti kaya umiwas s'ya ng tingin at tumingin sa mga bag.
"She said it's okay even if its not expensive. As long as she can use it anywhere." sabi n'ya at humalukipkip kaya tinignan ko ang mga bag at tinignan s'ya.
"Anong regalo ni Reese?"
"Bag." sagot n'ya. "Pero sabi ni Reese, mas magagamit n'ya raw 'yon sa school."
Kaya tumango-tango ako at tumingin-tingin ng bag. Habang ginagawa ko 'yon ay nagtanong ulit ako sa kan'ya.
"Mahilig bang lumabas si Ms. Eryn?" tanong ko.
"Yes. She go out with her friends. Sometimes, they even go to parties." sabi n'ya.
Sakto namang may nakita akong sling bag. Leather black sling bag ito na gold ang lock. Pwede ring tanggalin strap nito. Kaya kinuha ko ito sa stand at pinakita sa kan'ya.
"Ito, maganda 'to." sabi ko sa kan'ya. Kaya tinignan n'ya ito sandali at tumango.
"Okay, we'll take it." sabi n'ya at nagpa-assist kinuha ito sa akin ng staf at umalis.
Pagkabalik ng staff ay binigay n'ya sa akin ang isang stock ng bag kaya nagpasalamat kami at pumunta na sa cashier. Habang nagbabayad s'ya naghihintay naman ako sa kan'ya. Nakatungo ako at nakatingin sa mga paa ko ng mapansin ko na may black shoes sa harap ko kaya inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Janus sa harap ko at seryosong nakatingin sa akin.
"Let's go." sabi n'ya kaya tumango ako.
Nauna s'yang maglakad at nakasunod lamang ako sa kan'ya. Sakto namang nadaanan namang nakita ko si Jollibee sa baba kaya tinawag ko s'ya.
"Ja--Ryzk!" kaya lumingon s'ya sa akin at sinenyasan ko s'yang lumapit.
"Bakit?"
"Ayon si Jollibee oh!" sabay turo ko jay Jollibee na nasa baba at tinignan s'ya.
"Hindi natin nakita 'yan kanina kasi sa kabilang escalator tayo tumaas." sabi ko sa kan'ya habang s'ya ay nakangising nakatingin kay Jollibee.
"Pulang bubuyog nga." sabi n'ya sabay sulyap sa akin at umalis kaya sinundan ko s'ya ng tingin.
"Eh?" at umiling. Agad akong naglakad ng mabilis para maabutan s'ya.
Habang naglalakad kami ay kinausap ko s'ya.
"Kung gusto mo, subukan naman natin 'yon. Para ma-try mo rin." sabi ko kaya tinignan n'ya ako at tumingin ulit sa daan kaya napaiwas ako ng tingin.
"Kung gusto---"
"Okay, let's try it." sabi n'ya kaya tumango ako.
"Okay."
Napagdesisyunan na rin naming umuwing dalawa kaya pumunta kami sa parking lot. Habang naglalakad kami papunta sa kotse ay tahimik lamang kami. Nang makarating na kami sa kotse n'ya pinagbuksan n'ya ulit ako ng pinto kaya nagpasalamat ako sa kan'ya at pumasok na sa loob. Pagkasara n'ya ay sinuot ko ang seatbelt at s'ya naman ay umikot at pumasok sa driver seat at nilagay ang paperbag sa likod. Nagsuot s'ya ng seatbelt at nagsimula ng magmaneho.
Tahimik pa rin kaming dalawa pero minsan ay tinuturo ko ang direksyon papunta sa amin. Nang malapit na kami ay saktong naalala ko na hindi pa kami nagme-meriende at may madadaanan kaming barbecuehan malapit sa subdivision kaya tinanong ko s'ya.
"Nakakain ka na ba ng barbecue sa labas?" tanong ko sa kan'ya kaya kumunot ang noo n'ya at saglit akong tinignan at binalik ang tingin sa kalsada.
"Hindi pa." tugon n'ya.
Sakto namang nakikita ko na ang barbecuehan kaya pinatigil ko s'ya banda roon at nagtataka namang s'yang tumingin sa akin habang ako ay tinatanggal ang seatbelt. Nang matanggal ko na ang seatbelt ay tinignan ko s'ya.
"Kakain tayo ng barbecue, isaw, at dugo." sabi ko at kumunot naman ang noo n'ya. Lalong nagtaka.
"Papakita ko sa'yo mamaya. Sa park natin kainin. Promise! Masarap 'yon." nakangiting sabi ko at lumabas ng sasakyan n'ya.
Kumuha ako ng tig-aanim na isaw, dugo, at barbecue. Nang makuha ko na ang pagkain namin ay bumili ako ng mango flavor ng zesto. Pagkatapos ay pumasok na ako sa lob ng kotse n'ya at sumalubong naman sa akin ang nakakunot na si Janus.
"Come on, Ryzk, drive." natatawang sabi ko kaya kunot-noo s'yang nagmaneho.
Pagkapasok namin sa subdivision ay tinuro ko sa kan'ya kung nasaan ang park. Pagkadating namin doon ay agad akong bumaba at ganun din ang ginawa n'ya. Sinundan n'ya lang ako hanggang sa umupo ako sa isa mga swing dito at umupo naman s'ya sa kabila.
Nilagay ko sa kandungan ko ang plastic kung saan nakalagay ang zesto at kumuha naman ako ng isang isaw sa isang plastic pa nadala ko at inabo ito sa kan'ya. Kunot-noo naman s'yang tumingin doo at tumingin sa akin.
"Masarap 'yan. Try it." sabi ko kaya nagdadalawang-isip naman n'ya itong kinuha. I giggled in his reaction.
"Ryzk, hindi kusang papasok 'yan sa bibig mo. Just try it." nakangiting sabi ko kaya nagdadalawang isip na naman s'ya bago kumagat doon.
Tinignan ko lang ang reaksyon n'ya habang kumakain s'ya. Maya-maya ay tumango-tango s'ya at kumagat ulit doon kaya lalo akong napangiti. Kaya tinaasan ko s'ya ng kilay ng mapatingin s'ya sa akin.
"So?"
"Not bad." sabi n'ya at tinignan ako at tumingin sa hawak ko.
"You should eat too." kaya tumango ako at kumuha ng isang isaw.
Habang kumakain kami ay sakto namang pababa na ang araw at kitang-kita dito ang magandang view. Umiinom na lang kami habang hinihintay ang pagbaba ng araw. Habang tinitignan ko ito ay gumagaan ang pakiramdam ko. Siguro sa ganda na rin ng ulap.
"You look peaceful." sabi n'ya kaya tinignan ko s'ya. Nakatingin pa rin s'ya sa tinitignan namin.
"I hope that I have like that." kaya kumunot ang noo ko.
"What do you mean?" tanong ko kaya bumuntong hininga s'ya.
"When my Mom died. My mind were never been peaceful like it used to like when Mom was here. Now I always in deep thoughts. Because of what happened. I always have questions in my mind." sabi n'ya at tinignan ako.
"I can trust you, right?" tanong n'ya kaya napaayos ako ng upo at tumango.
"O-oo naman." kaya bumuntong-hininga s'ya.
"I'm... I'm mad at my Dad. He's the reason why Mom got died. If he didn't cheat. She... she---"
Hinawakan ko ang kamay n'ya dahil halatang nahihirapan s'ya sa'kin ikwento. Kaya napatingin s'ya sa kamay kong nakahawak sa kamay n'ya.
"It's okay if you can't tell me." nakangiting sabi ko pero umiling s'ya.
"Kailangan ko ng mailabas lahat. Baka sumabog na lang ako." sabi n'ya kaya dahan-dahan akong tumango at bumuntong-hininga naman s'ya.
"She... she wouldn't kill herself. Saming tatlo, ako lang ang nakakaalam na niloloko ni Daddy ang Mommy namin. Nung plano ko ng sabihin 'yon sa mga kapatid ko, my Mom begged. She told me not tell everything I know dahil s'ya na raw ang bahala. Pero hindi ko alam na ganun ang gagawin n'ya. Kung akam ko lang, napigilan ko na sana. Sana nandito pa s'ya sa tabi namin. Sana kasama pa namin s'ya. Sana masaya pa kami. Masaya pa ko." at huminga s'ya ng malalim.
Sa likod pala ng seryoso at malamig nitong itsura ay may masakit pala s'yang nararamdaman. Nagugulat ako na ganito s'ya ngayon. Marami kasi akong kilalang lalake na nagkukwento. Mas pipiliin nilang ikimkim kess ilabas sa iba. Pero s'ya, hindi s'ya nahihiyang sabihin sa akin. Kaya masaya ako na pinagkakatiwalaan n'ya ako tungkol dito sa nakaraan n'ya.
"I promised to her not I'm going to be like my Dad. I don't want to break someones heart. Especially if it's a girl, a woman. Kaya ginagawa ko lahat para proteksyunan ang mga kapatid ko. I don't want to see them hurting like my Mom experience. Okay ng ako 'yong masaktan, 'wag lang sila. Kaya simula noon hindi na kami naging maayos ng Daddy ko. Ni matignan s'ya ng matagal ay hindi ko magawa sa sobrang galit at pandidiri sa kan'ya. Hindi ko s'ya kayang patawarin." sabi n'ya at nakita kong punong-puno ng galit ang mata n'ya at nang makitang tumulo ang luha sa n'ya ay agad ko itong pinunasan kaya napatingin s'ya sa akin.
"Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong sabihin pero..." sabi ko at hinawakan ulit ang kamay n'ya at hinimas ito gamit ng hinalalaki ko.
"Kaya siguro hindi tayo nagiging masaya sa buhay kasi punong-puno ng galit at pagkamuhi ang puso natin. Hindi nagiging payapa kaya hindi natin kayang maging masaya. Alam mo, kung nandito siguro ang Mama mo mas pipiliin n'yang maging masaya ka kesa maging ganito. Kasi ganun naman ang mga magulang natin e. Gusto na maging masaya tayo. Makakamit mo nga lang 'yon kapag malaya na ang puso mo sa galit. Alam ko na mahirap magpatawad pero sa tingin mo ba gusto ng Mama mo na nakikitang gan'yan?" sabi ko sa kan'ya at tumungo s'ya at tumingin sa mga kamay namin. Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinimas ito.
"Janus, paniguradong malulungkot ang Mama mo dahil 'yong anak n'ya, hindi masaya." sabi ko at naramdaman kong kumirot ng kaunti ang puso ko.
"Sana... Sana, Janus, matutunan mong magpatawad. Paunti-unti. Kasi kahit wala na ang Mama mo rito, kapag nalaman n'yang naging masaya na ang anak n'ya magiging masaya na rin s'ya kahit wala s'ya sa tabi mo. Diba ayun naman ang gusto mo, ang maging masaya s'ya?" at tumango s'ya.
"Kaya kailangan matuto kang magpatawad, kahit hindi agad. Kahi paunti-unti. Hindi lang para sa Mama mo kundi para na rin sa'yo. At 'wag mong kakalimutan, na kahit wala na ang Mama mo, lagi mong tatandaan na nand'yan s'ya sa puso at isipan mo. Lagi rin s'yang nakabantay sa'yo kahit wala na s'ya sa tabi mo." at tumayo ako at umupo sa harap n'ya kaya sinundan n'ya ako ng tingin.
"Lagi mo ring tatandaan na ang pagpapatawad ang s'yang magiging susi ng puso mo para maging masaya at malaya." nakangiting sabi ko at niyakap s'ya. Yumakap naman ito sa akin at naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko kaya hinagod ko lang ang likod n'ya.