Chapter 11

1690 Words
Habang naglalakad ako papunta sa school ay bigla na lang may unakbay sa amin kaya muntikan na kaming matumbang dalawa kaya tinignan ko s'ya at nakita kong malaki ang ngiti sa muhka n'ya. "Reese, ginulat mo naman ako." sabi ko kaya napahagikgik s'ya. "Sorry." nakangiting sabi n'ya kaya umiling na lamang ako at nagsimula na kaming maglakad. "Alam mo ba kung bakit hindi ka na nilalapitan nila Vivian?" tanong n'ya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Naalala kong hindi na nga ako nilalapitan ng mga iyon nitong nakaraan. Kung makikita man nila ako ay iirapan lang ako at aalis na. Panatag na ako na ganito kesa sa binubully nila ako. Umiling ako sa tanong n'ya. "Sinabi namin ni Ryzk kay ate ang nangyari sa room pati na noong nangyari sa locker room. Sinabi raw ni ate kay Dean yung mga sinabi namin kaya pinatawag sila." "Sana hindi n'yo na---" "Sinabi?" pagtutuloy n'ya sa sasabihin ko pero wala akong tinugon. "Althea, ayaw naman namin na mamihasa sila sa kakaaway sa'yo sa bagay na hindi mo naman ginawa. Atsaka alam kong ayaw mong magsumbong kasi new student at ayaw mong magkarecord. Pero hindi naman ikaw ang malalagay sa alanganin e. Sila. Kaya mabuti na rin 'yong sinabi namin kay ate. At least, wala ng nanggugulo sa'yo." sabi n'ya kaya bumuntong-hininga ako. "Salamat." sabi ko at nginitian s'ya. Nang makapasok kami sa room ay nakita ko na si Janus sa pwesto n'ya kaya kinabahan ako sa 'di malamang dahilan. Kailangan ko na atang magpa-check up. Shoul I consult someone about what I feel? Ayoko naman kasing kapag nand'yan s'ya puro kaba at pagpintig na lang ng puso ko ang nararamdaman ko. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Tanungin ko na lang si Reese tungkol dito. "Good morning!" bati ko sa kan'ya. "Morning..." kaya umupo na ako sa tabi n'ya. Habang hindi pa nagsisimula ay napansin ko na ganun pa rin ang itsura ng muhka n'ya, seryoso. Pero halatang magaan na ang nararamdaman n'ya kaya hindi ko mapigilang kausapin s'ya. "Ryzk..." tawag ko sa kan'ya kaya tinignan naman n'ya ako at naramdaman ko na naman ang kaba. "Uhm... okay... ka na?" nag-aalangang tanong ko at tinitigan naman n'ya ako kaya lalo akong kinabahan kaya napa-iwas ako ng tingin sa kan'ya. "Oo... ayos na ko. Salamat." seryosong sabi n'ya. Kaya tinignan ko ulit s'ya at bakas sa mata nito na kahit seryoso ay makikita ang sinseridad. "Salamat?" kumunot ang noo ko. "Para saan?" Sinandal n'ya ang kan'yang likod sa upuan at humalukipkip at naglalaro akong tinignan. "Really?" he said playfully and shook his head. "Thank you for listening to me, Althea." nakangising sabi nito kaya naramdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko. Kaya nginitian ko s'ya kahit na kinakabahan at mabilis ang pintig ng puso ko. "You're welcome." sabi ko at dumating naman si Ms. Eryn kaya nagsimula na ang klase namin. Tanghali na nang lumapit si Reese sa kan'ya. Habang s'ya naman ay nag-aayos nang gan'yang mga gamit. Umupo si Reese sa laging inuupuan nito kapag nandito s'ya sa pwesto ko at tinignan ako sabay tingin sa kapatid na batid kong tinitignan din ako. "Alam n'yo..." sabi ni Reese kaya tinignan ko s'ya ng matapos akong mag-ayos ng gamit. "Parang may something sa inyong dalawa." Bumilis ang pintig ng puso ko pero hindi ko na lamang iyon pinansin at kumunot na lamang ang noo ko sa sinabi n'ya. "Anong ibig mong sabihin?" sabay naming tanong ni Ryzk kaya nagkatingin kami. Naramdaman kong mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko kaya iniwas ko ang tingin ko at nakita ko ang itsura ni Reese na nakangisi sa'ming dalawa. "Tumigil ka nga, Reese!" saway ko sa kan'ya. "Kung ano-ano ang pinagsasabi mo!" Si Reese ay natatawa na lang sa sinasabi ko kaya hinampas ko s'ya ng malakas sa braso. "Aray!" sigaw n'ya pero may ngisi sa muhka. "Masakit 'yon ah!" pero inirapan ko na lamang s'ya kaya natawa s'ya sa ginawa ko. Tumayo ako habang hawak ang gamit ko at hinawakan s'ya sa braso. "Tara na nga!" sabi ko at hinatak s'ya papalayo do'n. Habang naglalakad kami papuntang elevator. Nang makasakay na kami ay hawak-hawak ko lamang ang braso n'ya. Pagkadating namin sa tamang palapag ay agad kaming pumunta sa garden at pumunta sa pinakasulok para mag-usap. Inilatag namin ang maliit naming sapin at umupo rin. Pagkatapos ay inilabas namin ang aming tanghalian dahil may dalawang klase pa kami sa hapon. Habang nag-aayos kami ay nagsalita si Reese. "Alam mo, Althea Selene," sabi n'ya kaya tinignan ko s'ya saglit at nagpatuloy sa pag-aayos ng tanghalian ko. "Bagay naman kayo ni Kuya. Perfect couple kumbaga. Isang matangkad at isang maliit." tinignan ko s'ya ng may kunot ang noo. "Minamaliit mo ba 'ko?" tanong ko sa kan'ya at nginisian naman ako nito. "Hindi, pero iniibig ka ni Ryzk." sabi nito at tumawa. Diniin pa n'ya ang salitang iniibig kaya umiling na lamang ako sa kan'ya sinabi at kumain. Nagpatuloy naman s'ya sa pagsasalita. "Pero aminin mo, pagnakakatabi mo talaga s'ya ay nagmumuhka kang maliit sa tangkad n'yang 'yon." sabi n'ya at kumain. Napatigil na lamang ako dahil tama ang sinabi n'ya. Nagmumuhka talaga ang maliit kapag nakakatabi ko s'ya. Napapatingala pa nga ako kapag nakakaharap ko ito sa tangkad n'ya. "Atsaka paano mo naman nasabi na perfect couple kami?" kunot-noong tanong ko pero nagkibit-balikat s'ya. "Ewan. Pero ayon talaga ang nakikita ko. Bagay talaga kayo, promise!" sabi habang nakangiti sa akin kaya umiling na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay ng may maalala ako na itatanong ko sa kan'ya. "Reese?" tawag ko sa kan'ya. "Bakit?" tugon n'ya habang nakakunot ang noo. "Tanong ko lang, paano mo malalaman kung gusto mo ang isang tao?" tanong ko kaya kaya mas lalong kumunot ang noo at tinaas ang isang kilay. "Bakit mo naman natanong?" pero umiling ako. "Wala naman." "Weh? Hindi ako naniniwala. May nagugustuhan ka na 'no?" panunukso n'ya. "Eh? Kaya nga kita tinanong dahil hindi ako sigurado kung gusto ko nga s'ya e." sabi ko kaya kumunot ang noo n'ya. "Wala ka pang nagugustuhan ni isa?" tanong n'ya pero umiling ako. "May nagustuhan na ako noon. Pero iba kasi ang nararamdaman ko sa taong ito." saad ko. "Ano ba ang nararamdaman mo sa taong tinutukoy mo?" "Lagi akong kinakabahan at bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nand'yan s'ya. Ultimo paglalapit s'ya ay para akong hihimatayin sa kaba. Minsan hindi ko maiwasang mapatingin sa kan'ya pero kapag nakatingin naman s'ya sa akin umiiwas kaagad ako ng tingin dahil mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Pero ewan ko ba hindi ko pa ring maiwasan na hindi s'ya titigan." sabi ko na s'yang kinasinghap ni Reese. "In love ka!" sabi n'ya kaya nagulat ako sa sinabi n'ya. "A-ano?" "I'm not sure, but I think you're for that guy." nakangising sabi n'ya sa akin. "Gano'n ba kapag nai-in love ka?" tanong ko na s'yang kinatango ni Reese. "'Yong masaya ka kapag nand'yan s'ya. Bumibilis ang t***k ng puso mo at pinagpapawisan ka kapag nand'yan s'ya o kapag kapag nakikita mo s'ya. Lagi kang napapatingin sa kan'ya. Gusto mo s'yang nakikitang masaya. Mga gano'n mga bagay." sabi n'ya at siningkitan ako ng mata. "Bakit? Sino ba ang lalakeng tinutukoy mo?" tanong n'ya. "Atsaka ko na sasabihin sa'yo kapag sigurado na ko sa feelings ko." sabi ko kaya nagkibit-balikat s'ya at tumango. "Okay, aasahan ko 'yan ah!" sabi n'ya kaya tumango ako at nag-ayos na kami ng mga gamit namin para bumalik na kami sa klase mamaya. Habang naglalakad ako papauwi dahil malapit lang naman ang subdivision sa school ay may tumigil na kotse sa gilid ko kaya tinignan ko ito at nakita si Ryzk na nakatingin sa akin kaya napaatras ako sa gulat at naramdaman kong bumilis na naman ang pintig ng puso ko. "Hop in." pero umiling ako at binaling ang tingin sa ibang direksyon dahil hindi ko s'ya matignan ng matagal. "Hindi, malapit lang naman ang subdivision dito e." "I know." sabi n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya at diretsong tumingin sa mata. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ng kaba. "I'm going to treat you." kaya kumunot ang noo ko. "Saan? Bakit?" "Just hop in." sabi n'ya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse. Habang nagmamaneho s'ya ay nadaanan pa namin ang subdivision namin pero kumunot ang noo ko ng tumigil ito sa isawan. Kaya tinignan ko s'ya. "Anong---" "Jut stay here." pagpuputol n'ya sa sinabi ko at lumabas kaya tinignan ko na lamang s'ya. Napansin ko na maraming napapatingin sa kan'ya, mas lalo na ang mga babae. Titignan s'ya at magbubulungan. Sabagay ikaw ba namaj makakita ng gan'yan kagwapo ay talagang mapapalingon at pag-uusap s'ya. Halatang out of place si Ryzk dahil halatang mayaman ang lalake at wala sa itsura nito ang pumupunta at kumain ng mga gano'n. Nang matapos na s'ya ay agad itong sumakay at inabot sa akin ang supot ng binili n'ya at nagsimulang magmaneho pabalik sa dinaanan namin. Mas lalo akong nagtaka ng pumasok kami sa subdivision st pumunta sa park na pinuntahan namin kahapon. Nang makapagpark s'ya ay lumabas s'ya kaya sumunod naman ako sa kan'ya. Umupo ulit s'ya sa duyan na inupuan namin. "Hindi ko akalain na bibili ka nang ganito." sabi ko sa kan'ya pagkaupo ko. "I want to try it again. Hindi ko alam na magugustuhan kong kumain ng ganito." sabi n'ya at naramdaman kong tinignan n'ya ako. "And also, I want to treat you. Nilibre mo ako kahapon kahit ako dapat ang manlilibre dahil nagpasama ako sa'yo." sabi n'ya kaya umiling ako at tinignan s'ya. "Wala 'yon. Ako naman kasi ang nag-ayang kumain sa mga kainan na hindi mo pa pala nasubukan." sabi ko at iniwas ang tingin sa kan'ya ng seryoso n'ya akong tinignan. Tignan ko na lamang ang supot na hawak ko at dinuyan ang sarili. "Atsaka bumawi ka naman kahit hindi mo naman na dapat ginawa." "Pero salamat pa rin." sabi ko at tinignan s'ya ng may ngiti sa muhka kaya napangiti s'ya ng kaunti. "You're always welcome." at nagsimula na kaming kumain na dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD