Pagkapasok ko sa room ay napansin kong wala pa si Ryzk sa upuan nito. Lagi kasi itong unang pumapasok sa kanilang dalawa ni Reese. Kaya nakakapagtakang wala pa ito gayong nandito na si Reese.
Pagkaupo ko ay hindi ko mapigilang mapatingin sa pwesto n'ya sa pagtatakang wala pa rin s'ya. Pero naisip ko na baka may importante lamang itong ginawa kaya wala pa rin s'ya hanggang ngayon.
Pero tanghali na ay hindi pa rin s'ya dumadating. Tapos wala rin kaming pasok sa hapon. Nang lumapit sa akin si Reese ay halata sa muhak nito ang lungkot at halatang puyat dahil sa eyebags nito. Kaya nag-aalala akong lumapit sa kan'ya at hinawakan s'ya sa magkabilang balikat.
"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko. Umiling s'ya at napansin kong namumuo ang luha sa mata n'ya.
"Reese, anong problema?" tanong ko pero yumuko s'ya at umiling.
Napansin kong tumulo na ang luha sa mata n'ya kaya niyakap ko s'ya at do'n na s'ya humagulgol kaya hinagod ko na ang likod n'ya. Umiyak lang s'ya nang umiyak sa balikat ko at habang yakap-yakap ko para maramdaman n'ya nandito ako para sa kan'ya.
Nang kumalma s'ya ay lumayo s'ya sa akin at pinunasan ang mga luha n'ya at tinignan ako ng may maliit na ngiti.
"Masasabi mo na ba sa'kin kung anong nangyari?" tanong ko.
"Nag-aalala ako kay Ryzk, Althea. Nag-away yata sila ni Daddy." naiiyak na sabi ni Reese. Kaya nag-alala ako sa sinabi n'ya.
"Kaya ba hindi s'ya pumasok?" tumango naman s'ya. "Kumusta s'ya?"
"Hindi ko alam, Althea. Nagkulong s'ya sa kwarto n'ya at ayaw magpapasok ng kung sino." nag-aalalang sabi n'ya at hinawakan s'ya sa kamay. "Althea, subukan mo naman s'yang kausapin oh." kaya nagulat ako sa sinabi n'ya.
"I know that the two of you are close now. So please, Althea, please, talk to him." nagmamakaawang sabi n'ya kaya bumuntong-hininga ako at tumango.
"Sige, susubukan kong kausapin s'ya." sabi ko at nginitian s'ya ng kaunti.
Nang makarating kami sa bahay nila ay bumungad sa amin ang isang katulong na may katandaan na. Halata rito ang pagiging strikto kaya nakakatakot na kausapin at tignan s'ya.
"Kumusta po si Ryzk, Manang? Lumabas na ho ba s'ya sa kwarto n'ya?" tanong ni Reese at pumasok sa loob kaya sinundan ko s'ya at nang tumapat ako sa matanda ay tumungo ako.
"Magandang tanghali po." magalang na bati ko.
"Magandang tanghali rin." bati nito pabalik kaya sinundan ko si Reese na nakaupo sa mahabang sofa sa sala nila. Umupo agad sa tabi n'ya ng dumating ang isa pang katulong na may dalang tray.
"Hindi pa s'ya lumalabas ng kwarto n'ya, hija. Nag-aalala na kami. Ayaw n'ya rin kaming pagbuksan. Hindi naman namin gamitin ang susi dahil ipinag-utos ng Papa mo na 'wag gagamitin dahil lalong magagalit si Ryzk." sabi ni Manang na nasa gilid pala namin. Tumayi ito sa harap namin na halatang nag-aalala at problemado.
Kaya tinignan ako ni Reese. "Gusto mo na bang kausapin s'ya o gusto---"
"Gusto ko s'yang makausap." seryosong sabi ko. Kaya bumuntong-hininga s'ya at tumango.
"Follow me." sabi n'ya sabay tayo at naglakad papunta sa taas kaya sinundan ko s'ya.
Nang papalapit na kami sa kwarto n'ya ay naabutan namin ang isang lakake na kamuhka ni Ryzk. Halatang ito ang ama nila. Nang mapansin n'ya kami ay bumuntong-hininga s'ya. Naglakad papalapit si Reese kaya sinundan ko lang s'ya. Nang tumapat na kami ni Reese sa tatay n'ya ay bumuntong-hininga si Reese.
"Daddy, ito po si Althea, kaibigan ko po." sabi ni Reese kaya nag-bow ako sa lalake.
"Magandang tanghali po." sabi ko kaya tumango naman ang lalake.
"Magandang tanghali rin." sabi nito.
"Althea," tawag sa akin ni Reese kaya tinignan ko s'ya at nakita ko na tinuro n'ya ang pinto kaya tinignan ko ito at napatingin pabalik sa kan'ya at tinignan ang ama nila at tumingin ulit sa pinto at napabuntong-hininga. Lumapit ako sa pinto at kumatok ng tatlong beses.
"Ryzk!" tawag ko sa pangalan n'ya pero walang sumagot. "Ryzk, mag-usap tayo... p-please."
Pero wala pa ring sumasagot. "Ryzk, p-please... mag-usap tayo. Kahit sandali l-lang."
Napa-angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto at nakita ko si Ryzk na magulo ang buhok, gusot-gusot ang damit, malaki ang eyebags, at namamaga ang mata. Namuo ang luha sa mata ko kaya agad ko s'yang niyakap.
Naramdaman ko naman na niyakap n'ya ako pabalik at hinatak ako papasok sa kwarto n'ya at narinig ko ang pagsara at paglock ng pinto pero hindi pa rin ako bumitaw sa pagkakayakap ko sa kan'ya.
Alam kong nakakahiya ang pagyakap na ginawa ko sa kan'ya dahil sa iisipin nila pero wala na akong pakealam dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kan'ya. Hindi ko namamalayan na humahagulgol na pala ako sa leeg n'ya.
Hinawakan n'ya ako sa magkabilang siko ko at inilayo sa pagkakayap sa kan'ya. Tumutulo pa rin ang luha ko kaya yumuko ako ng mailayo na n'ya ako sa kan'ya. Binitawan n'ya ang magkabilang siko ko at hinawakan naman n'ya ang magkabilang pisngi ko at marahang pinunasan ang mga pisngi ko na basa dahil sa mga luha ko pagkatapos ay sinilip n'ya ako kaya umiwas ako ng tingin.
"Baby," bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi n'ya at naramdaman kong nag-init ang pisngi ko.
"What's wrong? Hmm?" he said huskily but I didn't answer.
Inangat n'ya ang muhka ko para makita n'ya ang itsura ko kaya napatingin ako sa kan'ya. I saw in his eyes the amusement because of what I'm acting right now. Kita rin sa muhka n'ya ang tinatagong ngisi pero pinipilit na magseryoso kaya gusto ko s'yang sapakin ngayon sa kinatatayuan n'ya. Pero mas lalo naman akong kinabahan at naramdaman ko na naman ang mas lalong pagbilis ng pintig ng puso ko. Kaya umiwas ako ng tingin at s'ya naman ay hinahabol ang tingin ko.
"Baby, tell me..." pagsusumamong sabi n'ya. "Why are you crying?"
"P-pinag-alala mo ko..." nanginginig na sabi ko at tinignan s'ya. Nahuli kong nakangisi s'ya sa akin kaya nang mapansin n'yang tinignan ko s'ya ay nawala rin pero halatang gustong lumabas ng ngisi sa muhka n'ya. Kaya tinignan ko na talaga ang muhka n'ya at halatang pinipilit n'yang magseryoso pero hindi n'ya magawa ng maayos dahil napapangisi s'ya.
"'Wag mo nga akong tawanan!" sigaw ko sa kan'ya kaya hindi na n'ya napigilan at natawa na s'ya. Kaya sumimangot ako sa harap n'ya at humalukipkip.
Binitawan n'ya ang paghawak sa muhka ko at hinawakan naman n'ya ang isa kong kamay kaya nawala ang pagkakahalukipkip ko. Hinatak n'ya ako at nang makalapit na kami sa kama n'ya ay umupo s'ya sa dulo at ako naman ay nakatayo sa harap n'ya at hawak pa rin n'ya ang kamay ko.
"Hindi ka naman na dapat nag-aalala sa'kin." maamong sabi n'ya habang nakatingin sa kamay naming dalawa at marahang hinimas ng hinalalaki n'ya ang kamay ko.
"Ayos lang naman ako e."
"Talaga? Ayos ka lang?" sarkastikong tanong ko kaya napaangat ang tingin n'ya sa akin. "Hindi ako naniniwala." kaya napangisi s'ya sa sinabi ko.
"Alam mo bang hindi lang ako ang nag-aalala sa'yo ha?" inis na sabi ko sa kan'ya kaya napatungo s'ya at tinignan ang kamay namin dalawa na marahang hinihimas pa rin ng hinalalaki n'ya.
"Nag-aalala na rin sa'yo ang pamilya, Janus." sabi ko at napatingin sa akin. Ito ang unang beses na tinawag ko s'yang ganun kaya halata sa muhka n'ya ang gulat.
"Janus? You called me Janus?" nakangiting sabi n'ya kaya kumunot ang noo ko.
"Sa mga sinabi ko 'yong Janus lang talaga ang napansim mo? Pinaglololoko mo ba ko, ha?" sigaw ko sa kan'ya. Umiling s'ya pero nakangiti pa rim ito.
"Alam mo bang gustong-gusto kitang sapakin ngayon ha? Pinag-aalala mo kami ng sobra! Tapos gan'nyan ka!" naiinis na sabi ko kaya tumulo na naman ang luha ko.
Hinapit n'ya ako sa bewang at inupo sa kandungan n'ya at marahang pinunasan ang luha na nasa muha ko. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko at naramdaman ko na naman ang kaba.
Inilagay n'ya sa likod ng tenga ko ang nakalalay na buhok na tumatakip sa muhka ko. Naramdaman kong inilagay n'ya ang kamay n'ya sa batok ko at marahang inilapit sa kan'ya at ipinatong n'ya ang noo n'ya sa noo ko. Naramdaman kong pinagpapawisan ako kahit may air con naman sa kwarto n'ya, naramdaman ko na naman ang kaba at ang bilis ng pintig ng puso ko sa ginawa n'ya.
"I'm sorry, baby..." malambing na sabi n'ya. "I won't do it again."
"Really?" malambing na sabi ko at ngumisi s'ya.
"Yes," nakangisi pero malambing na sabi n'ya. "I won't make my baby worried." at hinalikan ako sa noo.
There is something I realized...
I really have feelings for this man...
The man who is kissing my forehead and holding my waist.
No doubt...
I have feelings for Ryzk Janus Villanueva.