Hindi ko alam kung paano ko haharapin ngayon si Ryzk dahil sa nangyari kahapon. Nakakahiya na ganun ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos nang pag-uusap namin dalawa kahapon ay bigla naman akong tinubuan ng hiya sa katawan dahil sa nangyari. Hindi ko nga matignan ang Papa nila pati na rin Reese dahil sa nangyari.
Kaya ngayon hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanilang kambal. Parang ayokong pumasok para hindi ko muna sila makita. Parang hihimatayin ako sa hiya. Parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa.
Napa-angat ako nang tingin ng may kumalabit sa akin at nakita ko ang isa kong kaklase na nagtatakang nakatingin sa akin.
"Saan ka pupunta?"
"Sa room..." at may tinuro s'ya sa likod n'ya.
"Do'n ang room natin." sabi n'ya kaya namula ako. "Mabuti na lang nakita kita. Kundi baka saan ka na makapunta."
"Hehe... sige, salamat ah?" nahihiyang sabi ko.
"Wala 'yon. Pumasok ka na." nakangising sabi n'ya at nilagpasan ako kaya pumunta ako sa room namin na namumula ang muhka sa isa na namang kahihiyang ginawa ko.
Pagkapasok ko sa room ay napansin kong nandito na si Reese. Hindi n'ya ako napansin dahil tutok na tutok s'ya sa phone n'ya habang nakakunot ang noo kaya napabuntong-hininga ako ng hindi n'ya ako napansin.
Pagka-angat naman ng tingin ko ay kinabahan agad ako at bumilis ang pintig ng puso ko ng magtama ang tingin naming dalawa ni Janus na nakahalukipkip at nakatingin sa akin ng seryoso. Sa sobrang kaba ko ay napalunok na lamang ako at dahang-dahang naglakad papunta sa upuan ko. Dahil hindi ko kayang tignan s'ya ay tumungo na lamang ako.
Pagkadating ko sa pwesto ko ay nilagay ko kaagad sa upuan ko ang bag ko at umupo. Nakatingin lang ako sa harap habang s'ya ay nararamdaman kong nakatingin sa akin kaya hindi ako mapakali sa tingin n'ya. Kaya tinignan ko rin s'ya pabalik, hindi man kang s'ya natinag sa pagtitig ko sa kan'ya, ni hindi nga rin s'ya umiwas ng mahuli kong s'yang nakatingin sa akin kaya bumilis ang pintig ng puso ko at pinagpawisan ako ng kaunti.
"Bakit nakatingin sa akin?" tanong ko habang nakakunot ang noo pero umiling s'ya at ngumisi.
"Wala naman." sambit n'ya.
"Alam mo," naiinis na sabi ko. "Baliw ka!"
"Baliw sa'yo?" nakangising tanong n'ya sa akin kaya lalong kumunot ang noo ko at tinaasan s'ya ng isang kilay.
"Lolo mo baliw! Atsaka tigil-tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo! Hindi bagay sa'yo!" inis na sabi ko sa kan'ya kaya natawa s'ya at napatitig naman ako sa kan'ya. Ewan ko ba parang sarap lang sa pakinggan ang tawa n'ya.
"Oh! Baka ma-in love ka na sa'kin n'yan ah?" nang-aasar sabi n'ya kaya inirapan ko s'ya.
"Tigilan mo nga ko! Alam mo, ang weird mo ngayon. Anong nakain mo? Nakakain ka ba ng panis na pagkain? Naalog pa utak mo? Papa-mental na ba kita?" sunod-sunod kong tanong kaya tinawanan na naman n'ya ako.
"Nope, I'm fine, baby." nakangising sabi n'ya sa akin. "Why? Worried?"
Naalala ko na naman ang nangyari sa aming dalawa ng malaman n'yang nag-aalala ako sa kan'ya kaya naramdaman kong namula ako at iniwas ang tingin sa kan'ya dahil na rin sa hiya.
"Utot mo worried!" inis na sabi ko. "Manahimik ka na nga lang d'yan."
Magsasalita pa sa s'ya ng biglang dumating si Ms. Eryn kaya wala na s'yang nagawa kundi ang tumahimik.
Sa umaga ay kapag nakakakita ng chance si Janus ay iniinis at inaasar n'ya ako. Kaya ang ending inaaway ko s'ya o 'di kaya ay babarahin. Hindi ko alam na merong ganong side pala ang mokong kaya nakakapanibago. Pero at least nakikita ko na masaya na s'ya ngayon unlike sa una kong kita sa kan'ya na seryoso talaga at hindi mababakasan ng saya sa muhka.
Ngayong tapos na ang morning class namin at wala na kaming pasok sa hapon ay inaayos ko na agad ang mga gamit ko para makalayo na ako sa mokong na 'to na si Janus at baka hindi ko makapagtimpi at makalbo ko na ito. Habang nag-aayos ako ay biglang may lumapit sa akin.
"Althea," pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Reese na nakangiti sa akin kaya nginitian ko rin s'ya.
"Oh? Akala ko umalis ka na? 'Diba may practice ka pa?" nagtatakang tanong ko.
Si Reese kasi ay nagpa-practice ng isang sayaw na ipe-perform n'ya sa program namin bukas kaya minsan hindi ko na s'ya nakakasabay lumabas ng room o ng school ay dahil busy s'ya sa kaka-practice. Lahat kasi ng nasa dance club ay magkakaroon ng special number kaya pinaghandaan n'ya talaga ito.
"Oo may practice nga ako," nakangiting sambit n'ya. "Pero isasama kita." kaya nagulat ako.
"Huh? Bakit?" takang tanong ko.
"Please? Nami-miss na rin kasi kita e." malungkot na sabi n'ya kaya nginitian ko.
"Sige, sasamahan kita."
"Yehey!" masayang sabi n'ya at niyakap ako kaya natawa ako sa kan'ya. Pagkahiwalay n'ya sa akin ay hinawakan n'ya ang kamay ko.
"Tara na?" nakangiting tanong n'ya kaya tumango ako at inayos ang mga gamit ko. Nang maayos ko na ito ay sinukbit ko ito sa balikat ko at tumayo na.
Nilingon ko si Janus at nginitian ito, "Iwan ka na namin ah?" kaya tumango naman s'ya.
"Ingat kayo." nakangiting sabi nito kaya tumango ako.
"Bye, kambal!" sigaw ni Reese ng hatakin n'ya ako papalabas ng room. Pagkalabas namin ay kumapit na agad s'ya sa kaliwang braso ko at nakangiting tumingin sa akin.
"Ano namang tingin 'yan?" natatawang tanong ko.
"Ano 'yon ha?" sabi n'ya sabay sundot sa tagiliran ko kaya napaigtid ako.
"Ano ba!" natatawang saway ko sa kan'ya.
"Marami kang iku-kwento sa'kin!"
"Oo na! Ikukwento ko, 'wag kang mag-alala!"
"Edi tara na!" at hinatak ako papuntang dance/practice room.
Pagkarating namin doon ay umupo kami sa sahig at naghanda s'ya ng pack lunch. Halatang pinaghadaan n'ya 'to dahil sa dami n'yang dinala para sa aming dalawa. Habang kumakain naman kami ay nagsimula na akong ikwento sa kan'ya lahat-lahat. Walang labis, walang kulang. S'ya naman ay nangingiti sa kinauupuan n'ya at nang matapos na akong magkwento bigla na lang s'yang tumili na akala mo kanina pa n'ya pinipigilan.
Binitawan n'yang tupperware na hawak n'ya at hinawakan n'ya ang braso ko at niyugyog ito.
"I'm so kinikilig! OMG!" kinikilig na sabi nito kaya natawa ako.
"Reese, baka matapon ang pagkain ko! Sayang grasya!" pananaway ko sa kan'ya kaya tumigil s'ya at napahawak sa magkabilang pisngi n'ya at ngumiti ng malaki sa akin.
"Reese, ubusin mo na 'yang pagkain mo. May practice ka pa 'diba? Atsaka hindi tayo pwedeng gabihin mas lalo ka na, kailangan mo ng beauty rest." sabi ko sa kan'ya kaya napabitaw s'ya sa paghawak sa magkabilang pisngi n'ya.
"Oo nga pala!" at kinuha ang tupperware at nagsimulang kumain ng mabilis.
"Easy! Baka naman mabulunan ka n'yan!" kaya binagalan n'ya ito ng kaunti.
Pagkatapos naming kumain ay inayos ko ang mga pinagkainan namin at s'ya naman ay pinagpalit ko ng damit n'ya. Nang matapos ko ng maligpit ang mga pinagkainan namin ay s'yang namang paglabas ni Reese sa restroom at sinabihan kong magpahinga s'ya ng kaunti dahil kakakain pa lamang namin.
Nang makapagpahinga na s'ya ay inayos n'ya ang music na gagamitin n'ya at ni-connect ito sa speaker at ako naman ay umupo sa gilid at hinihintay s'ya sa pagpa-practice n'ya. Nang mai-ayos na n'ya ito ay pumunta na s'ya sa gitna at nagsimula na ang tugtog na s'ya ring pagsisimula n'ya sa pagsasayaw.
Pinanood ko lamang s'ya sa pagpa-practice n'ya sa pagsasayaw. Kapag alam n'yang mali o pangit ang pagkakasayaw n'ya ay tinatapos n'ya ang pagsasayaw n'ya at uulit ulit sa umpisa hanggang sa ma-satisfied s'ya sa pagsasayaw n'ya. Halos ilang oras din ang tinagal hanggang sa makuntento s'ya. Halos nakabisado ko na sa utak ko ang mga sinasayaw n'ya dahil sa paulit-ulit n'yang pagsasayaw. Tinatapos na lang n'ya ang pagsasayaw at magpapahinga na s'ya na saglit. Gagawin na n'ya sana ang ending ng biglang natapilok ito sa pagkakasayaw at nadaganan ang paa n'ya na natapilok kaya bumagsak s'ya sa kinakatayuan n'ya kaya agad akong napatayo sa gulat.
"Aaah!" sigaw n'ya at hinawakan ang ankle n'ya kaya agad ko s'yang dinaluhan. Nang hawakan ko ang ankle n'ya ay napasigaw na naman s'ya.
"s**t!" pagmumura ko dahil sa sobrang pagkataranta. "Reese, wait, tatawagan ko si Janus."
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at nanginginig na tinawagan si Janus. Kaso naalala ko na wala nga pala akong number n'ya kaya lalo akong nataranta at saktong nakita ko naman ang number ni Reo kaya dali-dali ko s'yang tinawagan. Naka-ilang ring pa ito bago n'ya sagutin.
"Althea? Bakit---"
"Ba't ngayon mo lang sinagot?" sigaw ko sa kan'ya.
"Whoa! Ano bang---"
"Althea!" sigaw ni Reese sa sakit at sumandal sa akin kaya lalo akong nataranta. Sobrang pawis na pawis na s'ya at halata sa muhka nito ang sakit.
"Is that Reese, Al? Anong nangyari?" bakas sa boses nito ang pag-aalala.
"R-Reo, pwede b-bang pumunta ka rito sa dance r-room. We n-need your help." natatarantang sabi ko.
"Ah... sige, sige. Papunta na kami d'yan." at binaba na n'ya ang tawag kaya agad kong binalik sa bulsa ko ang phone ko at inalalayan si Reese na nakasandal pa rin sa akin.
"R-Reese, hintay lang, h-ha? Paparating na si Reo." pag-aalu ko kay Reese. Tumango lang s'ya pero halatang iniinda nito ang sakit.
Habang pinupunasan ko ang pawis n'ya gamit ang kamay ko ay s'ya namang dating ni Reo kasama si Janus kaya nagulat ako. Akala ko umuwi na ito. Nang makita nila kami ni Reese ay agad silang pumunta rito sa pwesto namin.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Janus.
"Natapilok s'ya e. Na-out of balance ata." nag-aalalang sabi ko.
"Reo, kunin mo na ang mga gamit nila. Dadalhin natin si Reese sa ospital." seryosong sabi nito sabay buhat sa kapatid at tumayo kaya napatayo na rin ako at pumunta kay Reo na kinuha ang bag namin ni Reese.
"Akin na ang bag ko," sabi ko sa kan'ya at kinuha ang bag ko. "Kay Reese na lang ang buhatin mo" tumango naman s'ya at nilapitan na namin si Reese.
Pagkalabas namin ay saktong may nakasalubong kaming janitor.
"Mang Bert, pwedeng kayo na po muna ang bahala sa dance room. Dadalhin lang po namin ang kapatid ko sa ospital." magalang na sabi ni Janus pero bakas pa rin dito ang pagmamadali kaya tumango ang janitor na tinawag n'yang Mang Bert.
"Sige, mag-ingat kayo." sambit n'ya kaya tumango si Janus at nagmamadaling naglakad kaya kami na lamang ang nagpasalamat at hinabol si Janus. Saktong bumukas na rin ang elevator kaya nagsipasok kami roon.
Pagkadating namin sa parking lot nagsalita si Janus.
"Reo, ikaw na muna magmaneho. Sa'yong kotse gamit natin." sabi nito kay Janus kaya tumango si Reo at tumabok papunta sa sasakyan nito.
Pagkadating namin sa sasakyan ni Reo ay agad isinakay ni Janus si Reese sa backseat sumakay na rin ako doon at inihiga ko ang ulo ni Reese sa kandungan ko. Agad namang sumakay si Janus sa passenger seat at nagsimula ng magmaneho si Reo papuntang ospital.
Habang papunta kami sa ospital ay napansin kong namumula si Reese s'ya. Kaya pinunasan ko ulit ang muhka n'ya gamit ang panyo ko dahil sa pawis na tumatulo sa muhka n'ya.
"Reo, pwedeng pakibilis?" nag-aalalang sabi ko.
Kaya binilisan naman n'ya ang pagmamaneho pero may pag-iingat pa rin. Maya-maya lamang ay nakadating agad kami sa ospital. Agad na bumaba si Janus at kinuha si Reese sa tabi ko at agad naman akong sumunod. Pagkababa ko ay nagsalita si Reo kaya nilingon ko ito.
"Maghahanap lang ako ng parking, susunod ako." sabi n'ya sa akin kaya tumango ako at sinara na ang pinto ng kotse at sumundo kila Janus na nasa loob na ng ospital.
Pagkapasok ko ay nakita kong nakahiga na si Reese sa isang kama sa loob ng Emergency Room at tinitignan ng doctor habang si Janus naman ay nasa may pintuan lang at nakatingin sa kapatid kaya nilapitan ko s'ya at hinawakan sa balikat kaya napalingon s'ya sa akin.
"Magiging okay lang si Reese." nakangiting sabi ko sa kan'ya kaya tipid s'yang ngumiti sa akin.
Saktong dumating naman si Reo na hinihingal kaya napahawak pa ito sa mga tuhod n'ya at naghabol ng hininga. Habang nasa gano'n s'yang posisyon ay lumabas ang doctor kaya sinalubong namin s'ya.
"Kaano-ano n'ya kayo?" tanong nito sa amin.
"Kapatid n'ya ako," sabi ni Janus. "Sila naman ang mga kaibigan namin." sabay turo sa amin ni Reo.
"Ayos na po ba s'ya?" nag-aalalang tanong ni Janus.
"Well, sa nangyari sa ankle n'ya mahihirapan s'yang makalakad dahil pagkaka-out of balance n'ya. Masama rin kasi ang pagkakabagsak n'ya kaya iyon nangyari." sabi ni Doc.
"Makakasayaw pa po ba s'ya bukas?" tanong ko.
"Unfortunately, hindi." malungkot na sabi ni Doc kaya napasinghap ako at si Janus naman ay napahawak sa noo n'ya at si Reo naman ay nakahawak sa bewang habang nakatungo.
"Kailangan n'yang ipahinga ang ankle n'ya para makalakad na ulit s'ya ng maayos. I takes weeks for it to heal." kaya napabuntong-hininga kami.
"I should go. I have some patients to take care of." sabi ni Doc kaya tumango kami.
Pagkaalis ni Doc ay pinuntahan agad namin si Reese sa loob. Nakita namin s'yang nakatungo at malungkot ang muhka kaya niyakap ko s'ya.
"Reese," tawag ko sa kan'ya kaya napa-angat s'ya ng tingin.
"Hindi ako makakasayaw bukas..." malungkot na sabi n'ya kaya niyakap ko s'ya at hinagod ang likod n'ya.
"Kung gusto mo..." sabi ko kaya napa-angat ang tingin n'ya sa akin. "Ako ang s-sayaw..."
Nagulat s'ya sa sinabi ko at napahawak sa mga kamay ko.
"Althea, s-sigurado ka? Sabi mo---"
"Marunong naman akong sumayaw, sadyang nahihiya lang ako. Pero para sa'yo at hindi masayang ang ginawa mong sayaw, gagawin ko." kahit kailangan kong isugal ang kalusugan ko.
"Atsaka nakabisado ko na rin ang sayaw mo habang pinapanood kita kanina." nakangiting sabi ko.
"Nakabisado mo 'yon?" gulat n'yang tanong kaya tumango ako.
"Oo kaya hindi mo na kailangan mag-alala. Hindi masasayang ang ginawa mong sayaw. Hindi man ikaw ang magpe-perform no'n, hayaan mo kong ipakita sa kanila ang ginawang sayaw ng isang Reese Villanueva." nakangiting sabi ko sa kan'ya kaya napangiti s'ya at halatang may namumuong luha sa mata nito kaya nag-alala agad ako.
"Oh, bakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong ko pero umiling s'ya.
"Wala, masayang lang ako na kaibigan kita, Althea." nakangiting sabi n'ya at niyakap ako. "Thank you!"
Kaya napangiti ako at niyakap na rin s'ya, "Wala 'yon! We're bestfriend, right?" sabi ko kaya tumango s'ya.
"Kaya dapat lagi tayong magtutulungan, okay?"
"Okay!" masayang sabi n'ya kaya natawa ako ng mahina at niyakap ulit namin ang isa't isa