Nakaharap ako sa salamin at tinitignan ang repleksyon. Nakalugay lang ang buhok ko na hanggang bewang, saktong medyo wavy ito kaya hindi na ganoong ginalaw ang buhok ko. Ang make-up ko ay hindi naman gano'ng kakapal pero ang ginamit nilang kulay ang black, ang lipstick ko naman ay red. Ang suot ko ay fitted croptop na kulay white at nakasuot naman ako ng high-waisted short na kulay black at naka-under the knee boots na kulay black.
Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang pangalawang beses na magpe-perform ako sa harap ng maraming tao. At hindi lang 'yon, kinakabahan ako para sa sarili ko. Alam kong bawal ito sa akin, pero sumige pa rin ako. Malaking pagkakamali ang gagawin kong ito dahil alam kong may mangyayaring masama sa akin. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko at kahit anong oras ay para akong kakapusin ng hininga.
Habang kinakalma ko ang sarili ko ay nakita ay may biglang humawak sa balikat ko kaya napaigtid ako sa gulat at tinignan ito. Nakita ko si Reese na may hawak ng saklay at nakatingin sa akin ng may pag-aalala. Kasama n'ya si Reo at si Janus na inaalalayan si Reese. Nakatingin din sila sa akin.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Reese.
"O-oo. Kinakabahan lang ako." sabi ko habang may pilit na ngiti.
Napabuntong hininga naman si Reese, "I'm sorry kung ikaw pa ang sumalo sa akin pero thank you kasi ginawa mo 'to para rin sa'kin." at ngumiti.
"Wala 'yon, 'no ka ba!" nakangiting sabi ko.
"Ano nga pa lang sabi nila Tita?" tanong n'ya kaya kinabahan ako.
Naalala ko na naman ang sinabi nila sa akin ng malaman nila ang tungkol dito.
"Anak, bakit kailangan mo pang gawin 'yon?" naiiyak na tanong ni Mama.
"Mama, please, payagan n'yo na po ako." nagmamakaawang sabi ko. "Alam n'yo naman pong pangarap ko ang pagsasayaw, 'di ba? Sana po ibigay n'yo na 'to sa akin."
"Pero anak, ayokong may mangyaring masama sa'yo, hindi namin kakayanin ng Mama mo." nag-aalalang sabi ni Papa. Halatang may namumuong luha na rin sa mata nito pero pinipigilan n'ya lang.
"Ma, Pa," at hinawakan ko ang kamay nilang dalawa at tinignan sila. "Kung... kung m-mawawala po ako rito---"
"Hindi! Hindi mangyayari 'yon!" sigaw ni Mama at lalo s'yang umiyak kaya hinagkan s'ya ni Papa at pinatahan.
"Kung mawawala po ako rito sa tabi n-n'yo dahil sa pagsayaw ko bukas o kung may m-mangyayari man sa akin na masama, a-ayos lang po. Kasi kahit papa'no naipakita ko ang talento na namana ko sa i-inyo. Masaya na po ako do'n. Kaya sana p-po hayaan n'yo ko..." nanginginig na sabi ko at umiyak kaya niyakap nila ako.
"S-sige, kung ayan ang magpapasaya sa'yo... hahayaan ka namin." sabi ni Papa at hinalikan ako sa noo.
"A-ayos lang daw sa kanila, pumunta nga sila para manood." sabi ko habang may pilit na ngiti.
"Sige, hanapin na lang namin sila. Galingan mo ah! Iche-cheer kita!" nakangiting sabi ni Reese kaya napangiti na rin ako. Medyo gumaan kasi ang loob ko sa sinabi n'ya.
"'Wag kang mag-alala gagalingan ko."
"May tiwala ako sa'yo, Althea. Sige na, punta na alis na kami. Magsisimula na ang program." paalam nito kaya tumango s'ya.
"Sige, ingat ka sa paglalakad."
"Reo," tawag ni Janus kay Reo kaya nagtataka ko s'yang tinignan.
"Ikaw na muna ang bahala kay Reese, mag-uusap lang kami." at tinignan ako kaya parang tinambol ang dibdib ko sa kaba at bumilis din ang pintig ng puso ko.
Nang tignan ko si Reese ay nakangiti ito sa amin at si Reo naman ay nangingisi habang nakatingin kay Janus at sumulyap sa akin.
"Sige," sagot ni Reo at inalalayan si Reese. "Sumunod ka na lang sa'min."
Tumango lamang si Janus sa kanilang dalawa kaya umalis silang dalawa dito sa backstage habang inaalalayan ni Reo si Reese. Tinignan ko lang silang dalawa hanggang sa makalabas sila. Habang nakatingin ako sa pintong pinaglabasan nila ay napansin kong nakatingin sa akin si Janus kaya tinignan ko s'ya. Tama nga ako, nakatingin nga ito sa akin ng seryoso pero napalunok ako sa kaba at lalong bumilis ang pintig ng puso ko at parang pinagpapawisan ang kamay ko.
"M-may dumi ba sa m-muhka ko?" nauutal na sabi ko.
Lumapit naman s'ya pwesto ko at humawak ang isa n'yang kamay sa vanity mirror na nasa gilid ko at ang isa naman nitong kamay ay nasa sandalan ng inuupuan ko kay ang kinalabasan ay kinulong n'ya ako sa kinauupan ko. Nang maikulong na ako sa kinauupan ko ay inilapit n'ya ang muhka n'ya sa muhka ko kaya nanlaki ang mata ko at inatras ang muhka ko sa muhka n'ya pero inilapit na naman n'ya ang muhka n'ya sa akin kaya umatras ulit ako. Dahil may kaliitan ang armrest nitong inuupuan ko ay muntikan ng akong mahulog sa kinauupan ko dahil sa kaka-atras ko kaya agad akong hinawakan ni Janus sa bewang at hinapit papalapit sa kan'ya kaya lalong nanlaki ang mata ko sa gulat habang nakatingin sa kan'ya. Mabuti na lang ay nailayo ko ang muhka ko sa muhka n'ya pero ang katawan ko ay hawak n'ya.
Ramdam kong pinagtitinginan kami ng iba kong kasama rito sa backstage kaya namula ako lalo na sa posisyon naming dalawa ni Janus. Kaya napaiwas ako ng tingin at ibinaling ito sa ibang direksyon pero ang mokong ay hinawakan ang baba ko at marahang hinarap sa kan'ya. Nakatitigan ko ang brown nitong mata na nakatingin sa akin. Para akong tinutunaw nito sa kinauupuan ko at kung hindi lang din ako nakaupo ay baka matumba na ako sa panginginig ng mga tuhod ko dahil sa titig n'ya.
Napansin ko na kahit seryoso ang muhka nito ay parang kumikislap naman sa saya ang mga mata nito kaya hindi ko rin maiwasan ang titigan s'ya. Nakita ko na tinignan n'ya ang muhka ko at napansin kong dumako ang mata nito sa labi ko kaya walang malay na binasa ko ang ibabang labi ko ng dila k. Napaangat ang tingin n'ya sa mata ko kaya iniwasa ko ang tingin ko.
"'W-wag mo nga akong t-titigan." nauutal na naman na sabi ko. Masasapak ko na talaga ang sarili ko dahil hindi ako makapagsalit ng maayo dahil sa kan'ya.
Napansin ko naman ang pagngiti nito sa akin na mas lalong nagpabilis ng pintig ng puso ko. Kaya tinignan ko s'ya ng may pagtataka.
"Ba't nakangiti ka?" tanong ko.
Mas lalo nga itong gumagawa kapag nakangiti ito. Sana lagi n'ya itong makita.
"Bakit? Masama ba?" nakangiting tanong nito sa akin kaya umiling ako.
"H-hindi naman... nagtataka lang ako na ngumingiti ka." saad ko.
"Sabi mo sa'kin, ngumiti ako palagi kasi lalo akong guma-gwapo," nagulat ito sa sinabi n'ya. Hindi ko akalain na maaalala pa nito ang sinabi ko sa kan'ya noon. Inilapit n'ya ang kan'yang bibig sa tenga ko kaya bumilis ang pintig ng puso n'ya.
"Kaya ngumingiti ako, pero ikaw ang dahilan." nagtaasan ang balahibo n'ya dahil sa sinabi nito.
"H-huh?" natawa ito ng kaunti sa sinabi ko at lumayo sa tenga ko at tinignan ako.
"Goodluck on your performance." nakangiting sabi nito at hinalikan ako sa noo na kinagulat ko.
Pagkatapos n'yang halikan ang noo ko ay tumayo ito ng maayos at umalis sa backstage. Ako naman ay tulala dahil sa nangyari. Kinakalma ko ang sarili pero ayaw kumalma ng puso ko kaya bumuntong-hininga na lamang ako at humarap sa salamin para ayusin ang sarili ko.
Nagsimula na rin ang program. Huli akong magpe-perform dahil ayon din ang nabunot ni Reese sa bunutan nila para sa line up ng performance. Magkakaro'n din naman sila ng ganitong program pero ang mga glee club naman ang magpe-perform. Pero muhkang sa ospital ang bagsak n'ya dahil sa gagawin n'ya ngayon kaya kinabahan s'ya na naman s'ya at ikinalma ulit ang sarili.
Malapit na s'yang magperform. Pagkatapos ng nagpe-perform sa stagr ay s'ya na ang susunod kaya kinakalma na naman n'ya ang sarili dahil kinakabahan na naman s'ya. Pagkatapos magperform ng taong nauna sa kan'ya ay narinig nila ang palakpan at hiyawan ng mga audience. Nakita n'ya itong pumasok sa backstage na may masaya ang muhka kaya kinabahan na naman s'ya at pinagpawisan ang kamay. Kaya tumayo na s'ya sa kinauupan n'ya at pumwesto sa likod ng makapal na kurtina kung saan natatakpan ang backstage.
"Thank you for that wonderful performance!" rinig n'yang sabi ng emcee.
"And lastly, let's all welcome Ms. Reese Villanueva!" narinig n'yang naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao kaya lumabas s'ya at pumunta sa gitna ng stage.
Pagkapunta n'ya sa stage ay nakapatay ang mga ilaw kaya pumwesto na s'ya sa gitna at ginaya ang pose ni Reese noong nagpa-practice pa ito. Nang magsimula ang kanta ay s'ya namang pagsisimula rin n'ya sa pagsasayaw. May pagkasexy ang kanta kaya kailangan n'ya ring magpakasexy na s'yang nagpahiyaw at nagpalakpakan ng mga tao.
Nang nasa kalagitnaan na nang pagsasayaw n'ya ay naramdaman n'yang kinakapos s'ya sa hininga at sobrang bilis ng t***k ng puso n'ya. Hindi ito 'yong nararamdaman n'ya kapag nasa tabi n'ya si Janus at alam n'yang hindi lang dahil lang iyon sa pagsasayaw n'ya. Dahil iyon sa sakit n'ya kaya medyo nararamdaman n'yang sumasakit na ang dibdib n'ya at mas lalo s'yang hindi makahinga.
Patapos na s'ya ng maramdaman na rin n'ya ang panginginig ng mga binti n'ya at mas lalong pagbilis ng tibol ng puso n'ya. Kaya nang matapos ako sa pagsasayaw ay ang huli kong narinig ay ang imbes na palakpakan at hiyawan nila ay ang mga tili at sigawan nila bago ako mawalan ng malay sa pagsasayaw.
Nagising ako at nakita ko ang paligid na puro puti at dun ko nalaman na nasa ospital na naman ako. Kailan nga ba ang huling punta n'ya sa ospital dahil sa sakit n'ya? Hindi na n'ya gaanong maalala.
Napansin ko na merong mga nakakabit sa akin na hindi ko na lamang pinansin. Napatingin na lamang ako sa paligid at napansing may lalake sa tabi ng kama ko na nakatungo at hawak-hawak ang kamay ko kaya dahan-dahan ko inalis ang kamay ko sa pagkakahawak n'ya kaso nagising naman ito at gulat na napatingin sa kan'ya at nalaman kong si Janus ang may hawak sa kamay ko kanina.
"A-Althea, gising ka na..." gulat na gulat na sabi n'ya. "Tatawag ako ng doctor sandali!"
Agad-agad na lumabas si Janus sa kwarto ko kaya hindi ko na s'ya napigilan. Napatingin na lamang ako sa kisame ng ng kwarto ko at inalala kung bakit nga ba ko nandito. Natupad nga ang pangarap kong makasayaw ulit, nakasayaw ulit ako sa harap ng mga classmate at schoolmate ko pati sa parents ko. Kaso nung sumayaw naman ako, ito naman ang nangyari sa'kin. Napunta ako rito sa ospital pero kahot gano'n wala akong maramdaman na kahit anong pagsisi dahil nangyari rin ang kahilingan ko na makasayaw ulit kaya masaya ako kahit nandito ako ngayon sa ospital.
Napatingin na lamang ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Janus kasama ng isang doctor at sila Mama na namumugto ang mga mata at bakas sa muhka nila ang pag-aalala. Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil pinag-alala ko na naman sila.
Lumapit sa akin ang doctor at chineck ako. Pagkatapos n'ya akong i-check ay lumapit sa akin sila Mama.
"Anak, ayos ka lang ba, ha?" naiiyak na tanong ni Mama.
"Ayos lang po ako... mama." nanghihinang sabi ko.
"Doc, ano na po bang lagay ng anak namin?" rinig kong tanong ni Papa kaya napatingin kami sa kan'ya.
"I'm going to be honest, malaki na ang butas sa puso n'ya at baka... no, mahihirapan na kaming operahan s'ya at baka hindi n'ya rin ito kayanin. Pwede naman ang heart transplant para madugtungan ang buhay---"
"No..." sabi ko kaya napatingin sila sa akin.
"No?" tanong ni Janus.
"Walang mangyayaring heart transplant, Ma, Pa."
"A-ano?" gulat na tanong ni Mama at nagulat din si Papa sa sinabi ko.
"Mama, 'wag na po tayong magpa-opera. Hindi na po kailangan." dahil sa sinabi kong 'yon ay naiyak na naman si Mama.
Parang pinipiga ang puso ko ng makita s'yang umiiyak sa harap ko. Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa mga sinabi ko.
"Aalis na muna ko lara makapag-usap kayo." sabi ni Doc at umalis sa kwarto ko. Kaming apat na lang ang naiwan sa kwarto.
"A-anak..."
Hinawakan ko ang kamay ni Mama kahit nanghihina pa ang katawan ko.
"Mama... 'wag na po, please?"
"Pero---"
"Ma, makinig ka, hindi po ibig sabihin na ayaw kong magpa-opera ay ayoko na po kayong m-makasama..." napaluha na lamang ako pero pinagpatuloy ko ang pagsasalita. "O-okay na po sa akin na ganito... atsaka kung kung m-mawawala na po talaga ako, t-tatanggapin ko po. Tatanggapin ko ng b-buong puso. Atsaka Ma, ayoko na pong mahirapan pa kayo sa kakahanap ng donor para lang mabuhay ako. Ayoko rin pong may magsakripisyo, alam n'yo 'yan."
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ni Mama.
"Mama, masaya ako na hinayaan ako ni God na mabuhay pa kaya kung oras ko na po, tatanggapin ko. At nagpapasalamat din po ako sa kan'ya kasi hinayaan n'ya ako na mabuhay pa. Kaya Mama, hayaan n'yo kong makasama kayo sa natitira kong pang o-oras."
"S-sige, kung ayan ang gusto mo, anak ko. Gagawin namin ni Papa mo. Kasi ganun ka namin kamahal." at humagulgol na si Mama kaya niyakap ko s'ya.
"M-mahal na mahal ko rin po kayo, Mama." lumuluhang sabi ko at hinagod ang likod ni Mama.
Yumakap din si Papa sa amin at hinalikan pa n'ya ako sa noo ko ng matagal bago hinalikan si Mama sa tuktok ng ulo nito at hinagod ang likod n'ya. Nakita ko pa si Janus na nakatingin sa amin na namumula ang mata. Kaya ng kumalma na si Mama ay kinausap ko sila.
"Ma, Pa, pwede ko po bang makausap muna si Janus?" tanong ko at tinignan si Janus na nakatingin din sa akin. Kaya tinignan ko ang mga magulang ako at nagkatingin silang dalawa bago ngumiti sa akin.
"Sige, hahayaan ka namin makausap s'ya." sabi ni Papa at inakbayan si Mama papalabas kaya kaming dalawa na lang ni Janus ang nandito sa loob.
"Hindi ka... lalapit sa'kin?" tanong ko at tumingin sa kan'ya.
Nakatingin din ito sa ng seryoso sa akin kaya parang pinagpapawisan ang kamay ko sa tingin n'ya sa akin. Dahan-dahan s'yang lumapit sa akin habang nakatingin sa mga mata ko kaya gano'n din ang ginawa ko, tinitigan ko ang mga mata n'ya nagpapatunaw sa akin kapag tinitignan ako. Nang makalapit na s'ya sa akin ay umupo ito sa inuupuan n'ya kanina at hinawakan ang kamay ko na hawak n'ya kanina. Tinignan n'ya ang mga kamay namin at marahan n'yang hinaplos ang likod ng kamay ko.
"Ba't hindi mo sinabi?" mahinang sabi n'ya at tinignan ako nakita ko na may namumuong mga luha sa mata nito. Kahit seryoso ang itsura n'ya ay nakikita ko sa mga mata n'ya ang sakit.
"Ba't hindi mo sinabi na may sakit k-ka?" tanong n'ya sabay ng pagpatak ng luha n'ya kaya gamit ang isa kong kamay ay pinunasan ko ang luha n'ya.
"I'm sorry..." mahinang sabi ko.
"Alam mo ba kung gaano kasakit sa'kin ng malaman ko na may sakit ka?" may hinanakot na sabi nito kaya umiling ko at s'ya namang patak ng luha ko.
"Sobrang sakit, Selene... sobra." mahinang sabi nito at bakas sa boses n'ya ang sakit. "Sobrang sakit na mawawala na ang taong mahal ko." gulat ako napatingin sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya at napansin naman n'ya ito kaya pinahid n'ya ang luha sa muhka ko at hinaplos ang buhok ko.
"Oo, Selene, mahal kita. Mahal na mahal." sabi n'ya at naramdaman kong kumirot ang puso ko.
Oo masaya ako na malaman na mahal ako ng taong mahal ko. Pero sobrang sakit sa akin na malamang iiwan ko rin s'ya. Iiwan ko s'ya dito sa mundo. Iiwan ko s'yang mag-isa. Iiwan ko s'yang konting panahon lang ang ibinigay sa akin para iparamdam ko ang pagmamahal ko sa kan'ya. Pero kahit gano'n, kahit konting panahon lang ang binigay, lulubusin ko, maiparamdam ko lang sa kan'ya kung gaano ko s'ya kamahal.
Bumitaw ako sa pagkakahawak n'ya sa kamay ko at hinawakan ang pisngi n'ya. Napapikit naman s'ya sa ginawa ko at nang imulat n'ya ang mga mata n'ya, bakas ang sakit dito na gusto kong tanggalin pero alam kong hindi mangyayari.
"M-mahal na mahal din kita..." mahinang sabi ko na s'yang kinagulat n'ya. "...Janus." at hinalikan n'ya ako sa noo.
Naramdaman kong may tumulo sa noo ko kaya hinagod ko ang braso n'ya dahil alam kong umiiyak s'ya. Lumayo s'ya sa akin at nakita kong nakangiti ito at tinignan ako sa mata, nakita ko ang sayasa mga mata nito pero nandun pa rin ang sakit. Kaya pinunasan ko ang mga luha sa muhka n'ya.
"'Wag ka ng umiyak, ha?" pag-aalu ko sa kan'ya. "Sige ka, papangit ka n'yan!" pabirong sabi ko kaya natawa s'ya ng kaunti.
"Hindi na ko iiyak." nakangiting sabi nito.
"Oo nga pala,"
"Hmm?" at hinawakan n'ya ang kamay ko.
"Nasa'n si Reese?" tanong ko at nilibot ulit ang kwarto ko pero wala s'ya.
"Nasa labas. Ayaw n'yang pumasok dahil nagi-guilty s'ya sa nangyari sa'yo." kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit naman?"
"S'ya raw kasi ang dahilan kung bakit ka dinala rito sa ospital. Kung alam lang daw n'ya na may sakit ka, hindi ka n'ya papayagan na sumayaw kapalit n'ya."
Kaya umiling ako dahil sa sinabi ni Janus.
"Papasukin mo s'ya rito, please? Gusto ko s'yang makausap." sabi ko kaya tumango s'ya at tumayo papunta sa pinto.
Pagkabukas n'ya ng pinto ay may sinabi s'ya na kung ano pero hindi ko gaanong marinig. Maya-maya labg ay binuksan n'ya ang pinto ng malaki at pumasok si Reese na namamaga ang mata habang inaalalayan naman s'ya ni Reo. Kumirot na naman ang puso ko dahil sa nakita, halatant sising-sisi ito sa nangyari sa kan'ya kahit hindi n'ya kasalanan.
"Reese..." nakangiting pagtawag n'ya rito at tinapik ang pwesto sa tabi n'ya kaya dahan-dahan itong lumapit sa kan'ya at umupo sa pwesto tinapik ko.
Umiyak na naman ito kaya pinunasan n'ya ang luha na tumulo sa mata nito at hinawakan ko ang kamay ni Reese.
"Reese, kahit anong mangyari, wala kang kasalanan, naiintindihan mo?" sabi ko pero umiling s'ya.
"D-dapat hindi na lang ako pumayag... dapat p-pinigilan na lang---"
"Shhh!" sabi ko at umiling. "Ayos lang, kasi alam mo kung bakit? Tinupad mo ang isa sa mga kahilingan kong makasayaw ulit. Tinulungan mo kong matupad 'yon, Reese. Kaya nagpapasalamat ako sa'yo. Kasi dahil sa'yo naipakita ko sa kanila ang talentong ibinigay sa'kin ni God. Kaya gusto kong ipakita sa iba 'yon, nagkataon nga lang na may sakit ako. Kaya hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo ha? 'Wag na 'wag mong sisisihin ang sarili mo. Kasi naging masaya ako na naisayaw ko ang sayaw na ginawa mo at kuntento na ko do'n." nakangiting sabi ko kaya umiiyak na s'ya lalo.
Niyakap ko s'ya at hinagod ang likod n'ya. Matagal din kaming nasa gano'ng posisyon ng kumalma s'ya. Kaya nang lumayo s'ya sa akin ay medyo nakangiti na ito.
"Nagpapasalamat ako kay God kasi binigay ka n'ya sa amin. At kung kukunin ka man n'ya ulit sa amin, kahit masakit, okay lang. At least naramdaman namin kung paano mahalin ng isang Althea Selene kahit sa kaunting panahon lang." kaya napangiti ako sa sinabi n'ya.
"Masaya rin ako na nakilala ko rin kayo. Masaya ako kahit sa kakaunting panahon na nakasama ko kayo. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan."