Chapter 15

1998 Words
Ilang araw na rin akong nandito sa ospital at ramdam ko ang mas lalo kong panghihina. Bumisita rin sa akin ang tatlong kong matalik na kaibigan na masa Laguna. Napalapit din ang mga ito kay Reese kaya kapag nandito ang tatlo ay talagang umiingay ang kwarto ko dahil sa mga tawanan at kwentuhan namin. Bumisita rin sa akin ang pamilya nila Reo at Janus. Kinamusta nila ako at naging malapit din ang mga ito sa mga magulang ko. Nakita ko na rin okay na ang relasyon ni Janus sa tatay n'ya kaya masaya ako. Kasi alam ko na kahit mawala ako rito sa mundo, sa tabi ni Janus ay nakita ko naman maayos na ang relasyon n'ya sa Papa n'ya. Na malaya na ang puso nito sa galit. Wala ring oras o araw na hindi ipinaramdam sa akin ni Janus ang pagmamahal n'ya. Lagi n'ya akong binabantay pagkatapos nito sa school. Pumunta pa nga s'ya rito kasama si Reese at Reo, minsan naman ay hindi at naiintidihan ko 'yon. Nalaman ko rin na Architecture rin ang kinuha nito. Kumuha lang s'ya ng Culinary ay dahil sa Mama n'ya na nami-miss na n'ya. Nagulat pa nga ako ro'n dahil ni hindi man lang ito lumiban sa klase namin, 'yon pala ay kinuha n'ya ang afternoon class. Ngayon araw ay nandito na naman s'ya para bantayan ako dahil umuwi si Mama para magpahinga kaya s'ya ngayon ang pumalit para magbantay sa akin. Nagbabalat s'ya ng mansanas ngayon at ako naman ay pinapanood s'ya. Napapansin ko ang patingin-tingin n'ya sa akin kaya napangiti ako at napa-iling. "Janus, 'wag kang sulyap ng sulyap sa'kin. Baka naman sa kakagan'yan mo ay masugatan ka." pananaway ko sa kan'ya kaya napangiti s'ya. Ayan din ang napansin ko sa kan'ya nitong mga nakaraang araw. Lagi na s'yang nakangiti pero makikita mo naman sa mata nito na nasasaktan s'ya. Kaya ginagawa ko ang lahat para mawala 'yon sa mata n'ya pero alam ko na babalik din ang sakit na 'yon. Lumapit s'ya sa akin dala ang lalagyan ng mansanas na binalatan n'ya at hiniwa. Umupo ito sa upuan sa tabi ng kama ko at nilapag ang lalagyan sa tabi ko. Inabutan ako n'ya ako ng isang piraso ng mansanas kaya kinain ko agad ito. "Pinadala sa akin 'yan ni Mama pagkauwi ko kanina para magpalit." nakangiti sabi nito kaya napangiti ako kahit na nanghihina. "Manamis-namis..." "Sabi nila susubukan nilang bisitahin ka mamaya." "Sige, hihintayin ko sila." Sinubuan ko s'ya ng isang piraso at agad naman n'ya itong kinain. Napatango-tango pa ito habang nginunguya n'ya ang binigay ko. "Manamis-namis nga..." nakangiting sabi n'ya kaya pinisil ko ang pisngi n'ya. "Kumusta ang school?" tanong ko habang kumakain kami ng mansanas. "Okay lang, nami-miss na nga kita e." nakangising sabi nito at kinindatan ako kaya natawa ako. "Baliw ka talaga!" "Pero totoo 'yon. Kaya 'wag mo kong tawanan." seryosong sabi nito kaya hinawakan ko ang pisngi n'ya. "Ako rin, Janus, ako rin." nakangiting sabi ko kaya napangiti s'ya. "Kaya ikaw, mag-aaral kang mabuti ha? Dapat maging architect ka balang-araw, hmm?" sabi ko kaya tumango s'ya. "Pangako, magiging architect ako balang-araw." kaya lalo akong napangiti sa sinabi n'ya. "Alam kong tutuparin mo 'yan..." Napansin kong ubos na ang mansanas na kinakain namin kaya tinignan ko ulit s'ya at natawa na lamang s'ya sa akin. "Sige, ipagbabalat at ipaghihiwa ulit kita." nakangiting sabi nito at tumayo para ipagbalat at ipaghiwa ulit ako. Kaya naghintay ulit ako sa kan'ya. Habang naghihintay ay bumukas ang pinto at pumasok sila Ann na nakangiti na may dala-dalang pagkain. "Hey, love birds!" nakangiting sabi ni Kim kaya natawa ako sa kanila. Lumapit sila sa akin at inilapag sa mesa sa tabi ng kama ko ang mga pagkain na dala nila. "Mabuti nandito kayo..." nakangiting sabi ko. "Syempre naman bes, sabi nga namin sa'yo, tuwing Biyernes ay pupunta kami rito." sabi ni Joy. "Oo nga, atsaka nami-miss ka na rin namin, 'no!" sabi naman ni Ann. "Namiss ko rin kayo." "We know right?!" sabay-sabay na sabi nilang tatlo at tumawa kaya natawa na rin ako sa kanila. "Magpahinga muna kayo, alam kong pagod kayo dahil sa byahe." "Hindi na 'no. Kwentuhan na lang tayo." masayang sabi ni Kim kaya lalo akong napangiti at tumango. Kaya ayon nga ang nangyari, nagkwentuhan kami habang ako ay kumakain ng mansanas. Sila naman ay kumakain ng meryenda. Binilhan pa nga nila si Janus dahil alam nilang nandito ulit s'ya. Halos hindi namin namalayan na maggagabi na ng dumating si Reese kasama si Reo na may dalang pagkain. "Hello, guys!" nakangiting bati sa amin ni Reese kaya kan'ya kan'yang bati naman ang mga nandito sa kwarto ko. "Nagdala nga pala ako ng dinner. Sana magustuhan n'yo." sabi ni Reese. "Ay! Gusto ko n'yan! Namiss ko rin ang luto mo, Reese." sabi ni Kim kaya natawa si Reese. "May dessert din." sabi pa nito kaya napapalakpak pa sila ng marinig iyon kaya napangiti ako at umiling. "Anong dessert, Reese?" tanong ko kaya napatingin s'ya sa akin. "Mango cheesecake, it's your favorite, right?" nakangiting sabi nito kaya napangiti ako at tumango. "Ay, oo, Reese," sabi ni Joy. "Paboritong-paborito n'ya 'yon. Naalala ko pa nga no'n na ayon ang unang-una n'yang pinag-aralang gawin dahil paborito n'ya 'yon." "Naalala ko rin no'n na kapag red code n'ya ay ayon ang kinakain n'ya. Minsan pa nga ay ayaw n'yang mamigay." natatawang sabi ni Ann kaya natawa sila at ako naman ay namula dahil sa hiya. "Oy! Ano ba?! Quiet nga kayo!" nahihiyang sabi ko kaya mas lalo silang nagtawanan. "Naalala ko rin no'n na naubos n'ya ang buong cheesecake na gawa n'ya." sabi naman ni Kim. "Talaga, Althea? Naubos mo 'yon?" gulat na tanong ni Reese sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at tumango. Kaya natawa na naman sila kaya kaya lalo akong namula at yumuko na lamang ako sa hiya. Napasimangot pa ako dahil sa tawanan nila. "Hey!" rinig kong sabi ni Janus. "Namumula na si Selene, so, stop it!" at umupo pa ito sa tabi ko. "Ang cute mo lang kasi no'n, Althea, kaya hindi namin makalimutan." nakangiting sabi ni Kim. "Yeah! Para kang bata no'n na ayaw maagawan ng pagkain." nakangiti namang sabi ni Joy. "Hay nako! Itigil na nga natin ang pang-aasar kay Althea, kumain na lang tayo dahil maya-maya lang ay papainom na si Althea ng gamot." sabi ni Ann kaya nagsitanguan sila. Inayos na nila Reese ang pagkain habang ako ay tinitignan silang apat na nagtutulungan do'n. Napatingin naman ako kay Reo ng kausapin n'ya ako. "Nami-miss ka na ni Rage." nakangiting sabi n'ya sa akin kaya napangiti ako ng maalala si Rage. "Ako rin, nami-miss ko na rin s'ya." "Umiyak pa nga s'ya kanina dahil gusto n'yang sumama sa akin para makita ka kaso hindi pumayag sila Mama." kaya kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit daw?" "May pupuntahan pa raw sila mamaya bago dumaan dito at isasama nila si Rage." kaya napatango-tango ako. "Ah... kaya pala." "Althea, ito ang food mo." sabi ni Reese kaya napatingin ako sa kan'ya ay nakita kong may hawak s'yang bed table kung saan nando'n ang pagkain ko kaya umayos ako ng upo at inilagay naman ni Reese ito sa harap ko kaya nginitian ko s'ya. "Salamat." "You're always welcome!" nakangiti rin sabi nito sa akinat bumalik kila Kim. Kakain na sana ako ng kinuha ni Janus ang mga utensils sa harap ko kaya nagtataka ko s'yang tinignan. "Ako na, alam kong nanghihina ka." sabi nito sa akin na may maliit na ngiti. Totoo 'yon. Sobra na akong nanghihina paglipas ng mga araw kaya minsan ay hindi ko na magawang kumilos dahil sa sobrang panghihina. Minsan pa nga ay ayaw ko ng kumain dahil wala akong gana at gusto na lang matulog dahil bala sakaling bumalik ang lakas ko. Kahit uminom pa ako ng gamot ay wala ring nangyayari kaya minsan ay ayoko ng uminom pero kailangan at wala naman akong magawa. "Salamat..." nakangiting sabi ko kaya hinalikan n'ya ako sa noo at tinulungang kumain. Ako muna ang inasikaso n'ya bago ang sarili n'ya kaya pagkatapos n'yang kumain ay sinabihan ko na s'yang kumain na rin kaya kumain naman s'ya. Maya-maya lamang ay may kumatok sa pinto at bumukas ito at pumasok ang isang nurse. Bumati muna ito sa mga kasama ko bago lumapit sa akin. "Hi, Miss Althea, ito na po ang gamot n'yo." nakangiting sabi nito sa akin at inilagay sa table ang gamot ko kaya kahit nanghihina ay nginitian ko rin s'ya. "Salamat po." "Sige po, alis na po ako." paalam n'ya sa amin at umalis. Lumapit naman sa akin si Janus at tinulungan akong uminom ng gamot. Tinulungan pa n'ya kong humiga, pagkatapos n'ya akong tulungan ay bumalik ulit s'ya kila Reese at kumain ulit. Hindi ko namalayang nakatulog na lang ako sa pagod at panghihina. Nagising na lamang ako na makarinig ako ng mga boses. Hirap na hirap kong minulat ang mga mata ko at nakita ko na umiiyak sila Mama. Nandito rin ang doctor na tumitingin sa akin. Nakatungo ito at halata sa muhka n'ya ang lungkot. "Ma... ma." nanghihinang tawag ko sa kan'ya. Alam ko. Alam kong oras ko na. Alam kong malapit na kong mawala at tatanggapin ko 'yon. "A-anak, may kailangan ka ba, h-ha? Sabihin mo kay Mama..." lumuluhang sabi ni Mama kaya dahan-dahan akong umiling. "W-wala po... g-gusto ko lang sabihin na... m-maha na mahal k-kita..." at tumulo na ang luha ko narinig ko ang hikbi ni Mama. "M-mahal na mahal din kita, anak k-ko..." hinalikan n'ya ako sa noo. Lumapit si Papa sa amin. "A-anak," pagkatingin ko sa kan'ya ay umiiyak din ito. "P-Pa... aalagaan m-mo si Mama, h-ha? Mahal na m-mahal po kita, P-Papa..." "'Wag kang mag-alala, anak. Aalagaan ko ang mama m-mo." sabi n'ya at hinalikan din ako sa noo. "B-bes..." rinig kong sabi ng mga kaibigan ko kaya umalis sa tabi ko sila Mama at lumapit sila Joy. "M-mag-iingat kayo t-tatlo ha? Mag-aral din k-kayong mabuti. Tuparin n'yo ang mga p-pangarap n'yo... kahit na w-wala na ko." mas lalo silang nag-iyakan dahil sa sinabi ko. "G-gagawin n'yo 'yon, h-ha?" sabi ko kaya tumango sila. "P-pangako... tutuparin namin 'yon..." kaya kahit nanghihina ay napangiti ako. Umatras sila at lumapit sa akin sila Ninang. "R-Rage..." sabi ko at hinawakan ang buhok ni Rage na umiiyak. "A-Ate, dito ka na l-lang... promise p-po, papakabait a-ako." umiiyak na sabi n'ya kaya napangiti ako. "Papakabait k-ka kila Mama mo at kay Kuya mo, h-ha? Lagi kang susunod sa k-kanila." tumango naman s'ya. "O-opo..." "R-Reo, alagaan mo sila Ninang, o-okay?" at tumango naman s'ya at pinunasan ang luha sa muhka n'ya. "Mag-aaral ka ring m-mabuti. Dapat maging m-magaling kang architect ha?" tumango ulit s'ya. Umatras sila at lumapit naman sila Reese kasama ang Ate at Papa nila. "Reese, i-ikaw rin, mag-aaral kang m-mabuti. Dapat m-maging chef ka..." sabi ko na s'yang kinatango n'ya. "Magiging chef a-ako balang-araw..." "M-masaya ako... na naging k-kaibigan kita sa sandaling p-panahon..." "A-ako rin, Althea, masaya rin a-ako..." "M-masaya rin ako na naging e-estudyante kita, Althea." nakangiting sabi ni Ms. Eryn. "A-ako rin po... Ms. E-eryn..." "At masaya ako na i-ikaw ang naging dahilan kung bakit kami n-nagkaayos ng anak k-ko, Althea." sabi ni Mr. Villanueva sa akin habang nakangiti. "M-maraming maraming s-salamat." Lumapit naman si Janus sa akin kaya umalis sila Reese. "Ang s-sakit, Selene..." umiiyak na sabi n'ya kaya tumulo na naman ang mga luha ko. "Ang sakit na b-bibitawan na k-kita..." Kaya hinawakan ko s'ya sa muhka at inalis ang mga luha n'ya. "Lagi... l-lagi mong tatandaan... na kahit wala na k-ko... nand'yan... nand'yan ako sa isip at p-puso mo, J-Janus. H-hinding hindi ako m-mawawala." umiiyak na sabi ko kaya pinahid n'ya ang mga luha sa mata ko. "Tuparin mo ang p-pangarap mo..." tumango s'ya. "Mahal na m-mahal kita, Althea..." at hinawakan ang kamay ko na nanghihina at hinalikan ito. "Mahal, minahal, at m-mamahalin kita, J-Janus, lagi mo 'yang t-tandaan." sabi ko kaya lalo s'yang umiyak habang hinahalikan ang kamay ko. Dahan-dahan ng pumikit ang mga mata ko. Paalam, Janus...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD