Epilogue

2448 Words
Nailibing na si Selene tatlong araw pagkatapos n'yang mawala sa akin... sa amin. Nagpaiwan ako dito sa sementeryo dahil gusto ko pa s'yang makasama kahit sandali lang. Ang sakit pa rin sa'kin na wala na s'ya. Ni hindi man lang tumagal ang pagkakakilala naming dalawa ay kinuha na s'ya sa akin. 'Yong mga bagay na gusto kong gawin at iparamdam sa kan'ya, hindi ko masyadong nagawa dahil agad s'yang binawi sa amin. Pero tama s'ya, na kahit na wala na s'ya. Nandito lang s'ya sa isip at puso ko. Hindi s'ya mawawala. Alam kong binabantay n'ya kaming mga mahal n'ya sa buhay. Hinawakan ko ang lapida n'ya kung saan nakaukit ang pangalan n'ya. Althea Selene Rodriguez April 27, 20** - July 10, 20** "Mahal na mahal na mahal kita, Althea, alam kong masaya ka na ngayon kung nasa'n ka man." parang piniga ang puso ko sa sakit ng sabihin ko ang mga salitang 'yon. Ang sakit talaga na mawala ang taong mahal mo na hindi mo man lang naiparamdam sa kanila kung gaano mo sila kamahal. Napatingin ako sa kamay na humawak sa braso ko at pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang Mama ni Althea kaya agad akong napatayo. Kaya napangiti s'ya sa akin ng tipid. Namamaga ang mata nito at halata ang sakit at lungkot ng mawala ang nag-iisa nilang anak kaya parang kumirot ang puso ko ng makita ang itsura ni Tita. "A-akala ko po umalis na kayo magpahinga." magalang na sabi ko. "Nakalimutan ko ng ibigay ito sa'yo." sabi ni Tita at inabot sa akin ang puting sobre. "Sabi ni Althea p-pagnawala na s'ya ay iabot ko 'yan sa'yo." Napatingin ako sa sobreng inabot sa akin ni Tita. Nang tignan ko ang likod nito ay may nakasulat. To: Ryzk Janus Villanueva From: Althea Selene Rogdriguez "Salamat po, Tita." "Janus, salamat... salamat sa pagmamahal sa a-anak ko." naluluhang sabi ni Tita kaya nginitian ko s'ya. "Sige na, mauna na ko. Umuwi ka na rin at magpahinga." sabi n'ya kaya tumango ako. "Sige po, Tita." nginitian n'ya ako at tumalikod na sa akin para umalis. Kaya ng makita kong umalis na ang kotse nila Tito ay hinarap ko ulit ang lapida n'ya at umupo sa harap nito. "Aalis na ko, Selene. Pero babalik ulit ako rito. Mahal na mahal kita." sabi ko at biglang humangin kaya napapikit na lamang ako dahil pakiramdam ko ay niyakap n'ya ako kaya ng tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko ay agad ko itong pinunasan. Tumayo ulit ako at umalis na sa lugar na iyon para umuwi at magpahinga. Pagka-uwi ko sa bahay ay agad-agad akong umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame ng maalala ang sobreng binigay sa akin ng Mama ni Selene kaya agad-agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Tinitigan ko ito sandali at binuksan ang sobre at kinuha ang sulat na para sa akin. Pagkabuklat ko nito ay parang gusto ko ng maiyak kahit hindi ko pa nababasa. Janus, Kung nababasa mo man ito ngayon paniguradong wala na ako rito sa mundo. Gusto ko lang sabihin sa'yo na masaya ako na nakilala kita kahit sandali lang tayo nagkasama. Kahit gano'n ay masaya ako na nakilala kita. Babaunin ko ang mga alaala na 'yon kahit na wala na ko rito sa mundo. Lagi kang mag-iingat, okay? Lagi mong iingatan ang sarili mo. Mag-aaral ka ring mabuti. Dapat maging architect ka katulad ng pangako mo sa'kin. Ingatan at alagaam mo rin ang mga kapatid mo. Masaya rin ako na okay na kayo ng papa mo kaya aalagaan mo rin s'ya ha? Sana bumuo pa kayo ng masayang alaala ng magkakasama. Sana rin, Janus, ay bantayan mo rin sila Mama para sa'kin. Gusto ko na nasa mabuti silang lagay kapag nawala na ko. Gusto ko na makita silang masaya. Sana gawin mo 'yon para sa'kin. Sana rin kahit wala na ako sa tabi mo ay makahanap ka ng babaeng mamahalin at aalagaan ka. Kapag nangyari 'yon, pangako, hindi ako magagalit. Magiging masaya pa ako kasi 'yong taong mahal ko, nasa mga bisig na ng taong mamahalin s'ya ng buong-buo. Gusto ko na maging masaya ka, Janus, kahit wala na ko. Kasi ayon talaga ang gusto. Ayon ang huling kahilingan ko bago man lang ako mawala. Kahit wala na ko, nandyan lang ako sa isip at puso mo, Janus. Mahal na mahal kita... Selene, Nayakap ko na lamang ang sulat n'ya para sakin. Sobrang sakit. Sobrang sakit na mawala s'ya sa akin. Hindi ko akalain na agaran s'yang mawawala. Hindi ko matanggap. Naalala ko pa noong kakapasok lang n'ya. Gandang-ganda na agad sa kan'ya. Dahil kahit nahihiya ay nagawa n'ya pa rimg ngumiti sa lahat. Tinitigan ko s'ya ng araw na 'yon. Hanggang bewang ang itim at wavy n'yang buhok, medyo bilugin ang muhka, makapal ang maganda n'yang kilay, itim ang mata, hindi gano'ng katangusan ang ilong, mapula ang labi. Nang sabihini Ate na uupo s'ya sa tabi ko ay agad akong umiwas ng tingin at tumingin sa bintana. Nang maramdaman kong umupo s'ya sa tabi ko ay para akong lalagnatin. Sobrang bilis din ng t***k mg puso ko ng araw na 'yon. Naalala ko pa no'n ang reaksyon n'ya ng malamang naghanda si Reese ng pagkain para sa kanilang dalawa. She's so cute when she blushed that time. Hiyang-hiya s'ya ng malaman n'ya 'yon. At nang makita nito ang pagkain na inihanda ni Reese ay parang bata na nagreact s'ya. "OMO!" sabi ni Selene at napahawak pa ito sa makabilang pisngi n'ya kaya nagtataka namang tumingin si Reese sa kan'ya. "Bakit?" tanong ni Reese kaya nginitian s'ya ni Selene. "Paborito ko 'tong mga hinanda mo. Nakakatuwa naman!" nakangiting sabi nito kaya lihim na napangiti rin s'ya. Naalala rin n'ya nung time na kung kailan ito kumanta noon. Kasama n'ya ang mga ka-team n'ya ng nag-audition ito. "Time After Time po." nahihiyang sabi nito. "Do you want to use a instrument?" tanong sa kan'ya ng isang teacher. "Okay lang po ba?" tanong nito pabalik. "Gusto ko po sanang gumamit ng gitara." kaya inabutan agad ito ng lalaki ng gitara. "Okay, you may start." sabi ng teacher. "Lying in my bed, I hear the clock tick and think of you Caught up in circles Confusion is nothing new Flashback, warm nights Almost left behind Suitcase of memories Time after Sometimes you picture me I'm walking too far ahead You're calling to me, I can't hear What you've said Then you say, go slow And I fall behind The second hand unwinds" Nagulat ako ng marinig itong kumanta. Maganda ang boses nito. Sobrang sarap pakinggan kaya hindi matanggal ang mata ko sa kan'ya. Naramdaman ko ring bumilis ang pintig ng puso ko. "If you're lost you can look and you will find me Time after time If you fall, I will catch you, I'll be waiting Time after time If you're lost, you can look and you will find me Time after time If you fall, I will catch you, I will be waiting Time after time" Bumilis lalo ang pintig ng puso n'ya ng kantahin nito ang chorus habang nakatingin sa kan'ya. Kaya napaiwas ito ng tingin ng magtama ang mga mata nila. "After my picture fades and darkness has Turned to gray Watching through windows You're wondering if I'm okay Secrets stolen from deep inside (deep inside) And the drum beats out of time" Pero ng kantahin na naman nito ang chorus ay nagkatinginan na naman sila na mas lalong nagpabilis ng pintig ng puso ko. "If you're lost you can look and you will find me Time after time If you fall, I will catch you, I'll be waiting Time after time If you're lost, you can look and you will find me Time after time If you fall, I will catch you, I will be waiting Time after time "I've got a suitcase of memories that I almost left behind Time after time Time, time, time But you say to go slow but I fall behind Time after time after time (after time, oh)" Hindi ko rin makakalimutan ang araw kung kailan n'ya ako niyakap ng ikwento ko sa kan'ya ang nangyari sa buhay ko. Naalala ko pa ang mga sinabi n'ya sa akin noon. "Kaya siguro hindi tayo nagiging masaya sa buhay kasi punong-puno ng galit at pagkamuhi ang puso natin. Hindi nagiging payapa kaya hindi natin kayang maging masaya. Alam mo, kung nandito siguro ang Mama mo mas pipiliin n'yang maging masaya ka kesa maging ganito. Kasi ganun naman ang mga magulang natin e. Gusto na maging masaya tayo. Makakamit mo nga lang 'yon kapag malaya na ang puso mo sa galit. Alam ko na mahirap magpatawad pero sa tingin mo ba gusto ng Mama mo na nakikitang gan'yan?" "Janus, paniguradong malulungkot ang Mama mo dahil 'yong anak n'ya, hindi masaya." "Sana... Sana, Janus, matutunan mong magpatawad. Paunti-unti. Kasi kahit wala na ang Mama mo rito, kapag nalaman n'yang naging masaya na ang anak n'ya magiging masaya na rin s'ya kahit wala s'ya sa tabi mo. Diba ayun naman ang gusto mo, ang maging masaya s'ya?" "Kaya kailangan matuto kang magpatawad, kahit hindi agad. Kahi paunti-unti. Hindi lang para sa Mama mo kundi para na rin sa'yo. At 'wag mong kakalimutan, na kahit wala na ang Mama mo, lagi mong tatandaan na nand'yan s'ya sa puso at isipan mo. Lagi rin s'yang nakabantay sa'yo kahit wala na s'ya sa tabi mo." "Lagi mo ring tatandaan na ang pagpapatawad ang s'yang magiging susi ng puso mo para maging masaya at malaya." Ayun ang mga salitang tumatak sa kan'ya kaya natutunan n'yang magpatawad. Naalala n'ya rin ng araw na 'yon kung kailan nalaman n'ya lahat. "Janus, anak," tawag sa'kin ni Papa pero hindi ko ito pinansin. "Janus, mag-usap tayo." sabi nito at hinawakan s'ya sa braso at hinarap sa kan'ya kaya nabuhay na naman ang galit sa kan'ya. "Ano pa bang pag-uusapan natin? Wala na! Wala! Kaya 'wag mong ipipilit na mag-usap tayo kasi kahit kailan hinding-hindi na tayo mag-uusap at magkaka-ayos!" galit na sigaw ko rito kaya nabitawan n'ya ang braso ko. "Ibibigay ko lang sa'yo 'to." at may inabot na CD. "Sabi sa'kin ng Mama mo, iabot ko raw 'yan sa'yo." at umalis na kaya napatin ako sa CD at agad na umakyat ng kwarto ko. Isinaksak ko ito para mapanood at nang magplay ang video lumabas si Mama kaya naiyak ako dahil nami-miss ko na ito. "Hi, Janus, anak!" masayang sabi nito pero halata ang lungkot sa mga mata nito. "Siguro kung napapanood mo ito wala na ako sa tabi mo. Ginawa ko ang video na ito kasi alam kong kapag nawala na ako, magagalit ka sa Papa mo dahil sa pambababae n'ya." sabi n'ya at may pumatak na mga luha sa mga mata nito kaya kumirot ang puso at gustong punasan ang mga iyon sa muhka ni Mama. "Anak, 'wag kang magagalit sa kan'ya dahil ako ang nag-udyok sa kan'ya no'n. P-patawarin mo ko, anak. Kahit ang Papa m-mo ay ayaw gawin 'yon, m-maniwala ka. Nang malaman ko na may cancer ako at malala na ito ay sinabi ko sa kan'ya na maghanap na s'ya ng i-iba. Kasi ayon ayokong... a-ayokong iwan s'yang mag-isa habang pinapalaki k-kayo. Pero muhkang mali ang ginawa kong 'yon. D-dahil ko sa mga mata m-mo ang galit... g-galit na ayaw kong maramdaman mo sa Papa. Nang makita at maramdaman iyon ng Papa mo itinigil n'ya at pinagalitan ako, anak.." natawa pa si Mama sa huling mga sinabi n'ya. "D-dapat hindi ko raw s'ya ipinagtulakan sa i-iba. Kasi kahit mawawala na raw a-ako sa tabi n-n'ya... a-ako pa rin ang mamahalin n'ya... kahit mahirapan s'ya sa i-inyo... a-ayos lang daw sa kan'ya kasi mga a-anak n'ya kayo... kaya sana, Janus, a-anak, patawarin mo si Papa at si Mama ha? Hindi ko kasi gusto na may galit ka d'yan sa puso m-mo. At lagi mong tatandaan, nandyan lang ako sa isip at puso mo, a-anak. Lagi mo ring tatandaan na kaya siguro may mga taong nawala o mawawala sa tabi mo ay tapos na ang misyon nila sa buhay mo. Siguro ang misyo ko sa mga buhay n'yo ay ang mapalaki kayo ng maayos at masaya. Pero kahit gano'n lagi mong pakatatandaan na mahal na mahal kita, anak. Ingatan mo ang mga kapatid mo, mahal na mahal ko kayo." Dun natapos ang video. Dun ko rin narealize na kaya siguro kinuha na si Selene sa akin ay itinuro n'ya sa akin kung paano magpatawad. Oo, masakit na mawala si Mama sa ami pero may mas sasakit pala doon ng malaman ko anomg sakit ni Selene ng ma-ospital ito pagkatapos n'yang magperform. "She have a congenital heart disease. Malaki na rin ang butas sa puso n'ya. Mahirap na operahan s'ya. Pero pwede naman ang heart transplant kung gustong madugtungan ang buhay n'ya. But it's also risky. Baka hindi rin n'ya kayanin." Para gumuho ang mundo ko ng marinig ko 'yon. Kahit anong gawin namin kung malala na talaga ang kondisyon n'ya. Mawawala talaga s'ya sa amin. Nang malaman ko na mahal n'ya ako ay walang araw na hindi ko pinaramdam sa kan'ya 'yon kaya ng araw na kukunin na s'ya samin. Sobrang sakit. Sobrang sakit na makitang nagpapaalam na s'ya samin. Nang ako na ang kakausapin n'ya ay para akong hihimatayin. Pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit. "Ang s-sakit, Selene..." umiiyak na sabi ko. "Ang sakit na b-bibitawan na k-kita..." Kahit na nanghihina na s'ya ay hinawakan n'ya pa rin ang muhka ko at inalis ang mga luha ko. "Lagi... l-lagi mong tatandaan... na kahit wala na k-ko... nand'yan... nand'yan ako sa isip at p-puso mo, J-Janus. H-hinding hindi ako m-mawawala." umiiyak na sabi nito kaya pinahid ko ang mga luha sa mata ko n'ya. Ang sakit na makita s'yang ganito. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit. "Tuparin mo ang p-pangarap mo..." tumango ako. "Mahal na m-mahal kita, Althea..." at hinawakan ko kamay n'ya na nanghihina at hinalikan ito. "Mahal, minahal, at m-mamahalin kita, J-Janus, lagi mo 'yang t-tandaan." sabi n'ya sa akin na mas lalong nagpadurog sa puso ko kaya lalo ako umiyak habang hinahalikan ang kamay n'ya. Ipinikit na n'ya ang mga mata n'ya kaya rinig sa buong silid ang iyakin namin. "Althea Selene Rodriguez, Time of Death, 8:40 PM." Her congenital heart disease separated us. Oo, masakit na wala na s'ya sa tabi ko. Pero kung ayon talaga ang nakatadhana para sa'ming dalawa. Tatanggapin ko kasi kahit papa'no ay nakita at nakasama ko s'ya. Panigurado proud na sa akin si Mama at si Selene ngayong natupad ko na rin ang pangako ko sa kanila. Dahil isa na akong ganao na architect. Ako na ngayon si... Arch. Ryzk Janus Villanueva
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD