Nandito kami sa quadrangle ngayon ni Reese para tignan ang iba't ibang activities na p'wede naming salihan. Hindi kami nakapagregister ni Reese kahapon dahil undecided pa kami kaya ngayon naisipan na namin na magregister o tumingin muna baka may mapusuan kaming dalawa.
Nang mapadaan kami sa booth ng mga kumukuha sa ng mga litrato ay bigla akong napatigil at tinignan ang mga dinisplay nilang pictures sa booth nila. Nalaman kong katulong sila ng mga journalist dito sa school. Nalaman ko rin na ang ibang photographer dito ay journalist din. Naalala ko bigla ang sinabi ni Ms. Eryn.
"You can join two or more clubs but make sure that it's okay to the club president."
Kaya agad akong nag-apply dahil mahilig naman ako sa photography. Nagulat pa nga si Reese ng malaman n'yang mahilig ako sa photography. Pero bago nila ako tanggapain ay nagkaro'n muna ng testing like kung paano ako gumamit ng camera at kumuha. Nang makita nilang pasado ako ay agad nila akong tinanggap at binigyan ng papel tungkol sa schedule ng meeting.
Kinausap ko pa ang president ng club at tinanong s'ya kung pwedeng sumali pa ako sa ibang club at pumayag naman s'ya dahil wala naman daw masyadong ginagawa ang club namin pero magkakaroon pa rin daw kami ng grade sa extra curriculum med'yo mababa nga lang daw kaya hindi raw maiiwasan sa ibang members ng club na magkaro'n pa ng ibang club na salihan.
Pagkatapos namig mag-usap ay sinamahan ko naman si Reese maghanap at nag-apply naman s'ya dance club. Nagkaroon ng audition kaya ng s'ya na ang magpe-perform ay sobra akong namangha sa kan'ya dahil ang galing n'yang sumayaw. Ngayong araw din namin nalaman ang mga nakapasa sa dance club at kasama na s'ya roon kaya tuwang-tuwa ako para sa kan'ya.
Sinabi ko rin sa kan'ya na gusto kong magtry na sumali sa glee club. Natuwa pa nga s'ya ng malaman n'yang maririnig n'ya akong kumanta kaya nahiya naman ako at namula kaya agad n'ya akong hinatak sa booth ng glee club at nalaman kong nasa gym iyon kaya pagkapasok namin ay parang gusto ko ng umatras dahil nando'n ang basketball team at ang ibang mga magtatry-out pero hinatak ako ni Reese sa registration booth kaya wala na akong nagawa at magregister doon.
Nang mapatingin ako sa taas ng mga bleachers nando'n si Reo kasama ang seatmate ko. Hindi ko alam na magkakilala sila kaya ng mapansin ako ni Reo ay nginitian n'ya ako kaya nginitian ko rin s'ya at tumabi kay Reese.
Nang ako na ang magpe-perform ay nanlamig ang mga kamay ko at bumalik ulit ang kaba ko kaya hiyang-hiya ako pumunta sa unahan kung nasaan ang mic stand.
"Anong kakantahin mo, Ms. Rodriguez?" tanong sa akin ng teacher na namamahala sa glee club.
"Time After Time po." nahihiyang sabi ko at napatingin ako kay Reese. Nakangiti ito sa akin at nakataas ang dalawang thumb kaya kahit papa'no nawala ang kaba ko.
"Do you want to use a instrument?" tanong sa akin ng teacher.
"Okay lang po ba?" tanong ko kaya ngumiti ang teacher at tumango. "Gusto ko po sanang gumamit ng gitara." kaya inabutan ako ng lalaki ng gitara kaya agad ko naman itong kinuha.
"Okay, you may start." sabi ng teacher kaya napalunok ako sa kaba.
"Lying in my bed, I hear the clock tick and think of you
Caught up in circles
Confusion is nothing new
Flashback, warm nights
Almost left behind
Suitcase of memories
Time after
Sometimes you picture me
I'm walking too far ahead
You're calling to me, I can't hear
What you've said
Then you say, go slow
And I fall behind
The second hand unwinds"
Napatingin na lamang ako sa katabi ni Reo, si Janus, ang seatmate n'ya na ngayong lang n'ya naalala ang pangalan.
"If you're lost you can look and you will find me
Time after time
If you fall, I will catch you, I'll be waiting
Time after time
If you're lost, you can look and you will find me
Time after time
If you fall, I will catch you, I will be waiting
Time after time"
Hindi ko alam pero bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko habang kinakanta ko ang lyrics at nakatingin sa kan'ya. Kaya napaiwas ako ng tingin at tinignan si Reese na tulalang nakatingin sa akin.
"After my picture fades and darkness has
Turned to gray
Watching through windows
You're wondering if I'm okay
Secrets stolen from deep inside (deep inside)
And the drum beats out of time"
Pero ng kantahin ko na naman ang chorus ay napatingin na naman ako sa kan'ya.
"If you're lost you can look and you will find me
Time after time
If you fall, I will catch you, I'll be waiting
Time after time
If you're lost, you can look and you will find me
Time after time
If you fall, I will catch you, I will be waiting
Time after time
"I've got a suitcase of memories that I almost left behind
Time after time
Time, time, time
But you say to go slow but I fall behind
Time after time after time (after time, oh)"
Nagkatitigan na lamang kami pagkatapos kong kumanta ng makarinig kong nagpalakpakan sila ay napaiwas ako ng tingin at ramdam kong namumula na ang pisngi ko dahil sa hiya.
Bakasa sa muhka nila ang pagkamangha. Nagbulungan naman ang mga judges na nasa harap ko. Minsan ay nagtatanguan sila at mamaya ay ngingiti. pinabalik din nila ako sa upuan ko at sabi ay mamaya na nila sasabihin kung sino ang mga nakapasok.
Pagkabalik ko sa upuan ko ay agad akong niyugyog ni Reese sa braso kaya natawa na lamang ako sa ginawa n'ya.
"Ang ganda ng boses mo!" manghang sabi n'ya.
"Talaga?" nahihiyang sabi ko kaya tumango naman s'ya sa akin habang nakangiti.
"Totoo! Ang lamig pa nga eh." natatawang sabi n'ya kaya napa-iling na lamang ako at napangiti.
Halos thirty minutes din kaming naghintay sa mga nakapasa sa audition kaya ng ipapaalam na nila ito ay bumalik ulit ang kaba ko kaya napahawak ako sa braso ni Reese at hinawakan naman n'ya ang kamay ko.
Nang mabanggit ang pangalan ko ay tumili si Reese at niyugyog na naman ang mga braso ko. Ako naman ay hindi ito maproseso kaya naman ng marinig kong tinawag ako ni Reese ay dali-dali akong pumunta sa unahan at tumabi sa iba pang mga nakapasa sa glee club.
Mga sampu rin kaming nakapasa pero hindi ko na 'yon pinansin at nang makausap nila kami tungkol sa next meeting ay nakinig talaga ako ng mabuti. Pagkatapos ng meeting namin ay agad akong lumapit kay Reese at s'ya naman ay niyakap ako kaagad at nagpa-ikot-ikot kami kaya ng bumitaw s'ya sa akin ay muntikan na akong ma-out of balance kaya nagtawanan na lang kami.
Nag-decide kami na kumain sa mall dahil wala na rin naman kaming klase kaya pumunta kami sa parking lot para kunin ang sasakyan n'ya. Namangha ako kasi marunong pala s'ya mag-drive at sobrang ganda ng sasakyan n'ya. Mercedes Benz na kulay black ang sasakyan n'ya kaya nung una ay hiyang-hiya pa ako sumakay dito kaya ang ginawa n'ya ay tinulak n'ya ako papasok kaya wala na akong nagawa at nagseat belt na lamang.
Nang makarating na kami sa mall ay hinatak agad n'ya ko papunta sa isang restaurant kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahatak na lamang sa kan'ya dahil hindi naman ako pamilyar dito. Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang isang lalaki na tantiya ko ay nasa mga edad 30s.
"Good morning, Ms. Villanueva." magalang na bati nito kay Reese na s'yang pinagtaka ko.
"My reservation?" tanong n'ya rito at may tinuro sa dulo.
"This way, Ma'am." sabi ng lalaki at naunang maglakad. Wala naman akong nagawa ng hatakin ulit ako ni Reese.
Nakarating kami sa isang kwarto at agad naman itong binuksan ng lalaki kaya nagpasalamat kami at pumasok sa loob. Umupo si Reese kaya umupo naman ako sa harap n'ya. Merron dalawang table na magkatabi na nasa harap namin ngayon ni Reese kaya nagtaka ako dahil ang laki ng lamesa pero kaming dalawa lang naman ang magkasama.
"Reese, ba't kilala ka nung lalaki?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya kaya napangiti s'ya.
"Ako ang may-ari ng restaurant na 'to." sabi n'ya kaya nagulat ako.
"T-talaga?" gulat na tanong kaya tumango s'ya.
"Actually, sa mother ko talaga ko 'to pero ibinigay din sa akin ng mawala s'ya." sabi n'ya.
"Ha? Nasa'n na s'ya?" tanong ko.
"She died when I was ten years old." sabi n'ya kaya natahimik ako sandali.
"I... I'm sorry."
"No, it's okay. Matagal na rin naman na 'yon."
"Kaya ba nagculinary arts ka para mahandle 'to?" pag-iiba ko sa usapan.
"No, actually, kahit hindi ko naman ito mahawakan ay magcu-culinary arts talaga ako. Dapat business ang kukunin ko dahil madali lang naman matutunan ang pagluluto pero ayoko kaya I choose culinary arts because of my mother."
"Kailan mo nakahiligan ang pagluluto?"
"When I was six, I think? Bata pa lang kasi ako lagi ko ng pinapanood ang mommy ko sa pagluluto at pagba-bake." sabi n'ya kaya tumango-tango ako.
"Ikaw?" tanong n'ya kaya nagtaka ako. "Kailan mo nakahiligan ang pagluluto?"
"Pareho lang tayo. Bata pa lang din kasi ako pinapanood ko na ang mama ko na magluto. Ang kaibahan lang hindi s'ya marunong magbake." nakangiting sabi ko.
Magsasalita pa sana s'ya ng dumating na ang mga pagkain namin.
"Okay lang naman siguro ang mga inorder ko diba?" tanong n'ya kaya tumango ako.
"Okay lang. Atsaka may tiwala naman ako sa'yo." nakangiting sabi ko kaya napangiti rin s'ya at nagsimula na kaming kumain.