Wala pang masyadong estudyante ng pumasok ako. Sabagay, isang oras pa naman bago ang klase ng pumasok ako. Ang iba ay nasa quadrangle, ang iba naman ay nasa cafeteria at kumakain, meron din namang mga nagkukwentuhan. Paakyat pa lang ako ng hagdan ng may humablot sa braso ko kaya pagkaharap ko sa kan'ya ay gulat na gulat akong napatingin.
"Reese!" gulat na sigaw ko sa pangalan n'ya. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. "G-ginulat mo ko."
Hindi pa muna s'ya nakapagsalita dahil naghahabol pa s'ya ng hininga dahil sa pagtakbo kaya hinihingal s'ya. Tumakbo pa talaga s'ya para lang maabutan ako. Napatingin ako sa isang kamay n'ya at napansin kong meron s'yang hawak na paper bag.
"M-mabuti na abutan kita." hiningal pa rin na sabi n'ya. Kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit ka ba kasi tumakbo? P'wede mo naman akong tawagin." mahinahong sabi ko.
"Mawawala ang poise ko." sabi n'ya kaya napangiti at napa-iling na lamang ako dahil sa sinabi n'ya.
"Mas mawawala ang poise mo kapag tumakbo ka, mahahaggard ka kaagad." sabi ko at napatingin na naman ako sa paper bag nadala n'ya at napansin naman n'ya 'yon.
"Ibibigay ko 'to sa shokoy kong kakambal." sabi n'ya kaya kumunot ang noo ko.
"Ang aga naman n'ya..."
"Ewan ko ba do'n. Sabi n'ya dalhan ko na lang daw s'ya ng pagkain dito sa school. Ang arte-arte kasi." naiinis na sabi n'ya.
"Ba't ka nga ba tumakbo para maabutan ako?" tanong ko.
"Samahan mo ko sa rooftop, nandun kasi s'ya e. Kasama ng kaibigan n'ya. Okay lang ba?" tanong n'ya sa'kin.
"Uh... s-sige." sabi ko kaya agad n'ya akong hinatak papuntang elevator. S'ya na ang nagpipipindot sa elevator at ako naman ay nakatayo lang sa tabi n'ya. Nang makarating kami sa rooftop ay wala naman akong nakitang tao. Kaya nilibot ko ang paningin ko.
"Reese, wala namang---"
"Reo!" sigaw ni Reese sa lalaking naglalakad papalapit sa'min kaya inayos ko ang salamin ko para mas makita ang muhka n'ya.
Matangkad ang lalaki, maganda ang pangangatawan, mestiso, med'yo magulo ang itim na buhok, makapal ang kilay, halatang mahaba ang pilik-mata, brown naman ang kulay ng mata n'ya, matangos ang ilong, mapula ang may kinipisan n'yang labi. Isang braso lamang ang nakasuot sa blazer n'ya, habang nakalagay naman sa mga bulsa n'ya ang dalawa n'yang kamay, at kalmado ang kan'yang muhka ng lumapit sa amin.
"Anong kailangan mo?" tanong n'ya. Malalim din ang kan'yang boses. Bagay lamang sa kan'ya.
"Hinahanap ko kasi si Kuya, ang sabi n'ya nandito raw s'ya." sabi ni Reese at nagmagkatinginan kami ay nataranta ito ng kaunti.
"Althea, si Reo nga pala, kaibigan ng kakambal ko." sabi ni Reese sa akin sabay turo sa lalaking nasa harapan namin. "Reo, si Althea, new friend ko." sabay turo naman n'ya sa akin.
Nagkatinginan kami ng lalaki kaya tpid ko lamang s'yang nginitian at tinanguan naman n'ya ako.
"Your twin is in there." sabi ni Reo sabay turo sa parang kwarto sa may dulo ng rooftop. "He's sleeping."
"Ah, sige. Iwan ko na lang 'to do'n. Salamat." sabi n'ya sabay punta sa kung saan ang kakambal n'ya. Naiwan naman akong nakatayo dito sa pwesto ko habang kaharap si Reo.
"Sit down while you're waiting for her." sabi n'ya kaya umupo ako sa malapit na upuan.
"You're the exchange student, right?" tanong n'ya sa'kin.
"Yes." mahina kong tanong.
"No wonder." sabi n'ya at umiiling.
"Ha?" takang tanong ko.
"Nothing." sabi n'ya at umiling. Ipinikit n'ya ang mata n'ya at isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan at ako naman ay napa-iwas ng tingin.
"Althea!" rinig kong sigaw ni Reese na papalapit sa akin kaya tumayo agad ako.
"Bakit?" takang tanong ko. Bigla n'ya akong hinawakan sa pulso ng makalapit s'ya sa akin.
"Tara na!" sabi n'ya kaya tumango ako.
"Alis na kami, Reo!" paalam n'ya kay Reo at tumango lamang si Reo kaya hinatak na ako ni Reese papunta elevator.
Nang makarating na kami sa floor namin ay marami ng estudyante at nagkaka-ingay na sila kaya pumunta na kami ni Reese sa pwesto namin. Si Reese ay nasa unahan at ako naman ay nasa likod at dahil wala pa nga akong bagong kakilala ay at wala pa ang katabi ko ay wala akong ginawa kundi ang magbasa na lamang ng pocket book.
Habang nagbabasa ako ay napansin kong may nakatayo sa harapan ko kaya inangat ko at tingin ko at nagulat dahil 'yong mga babaeng sinanggi ang balikat ko ay nandito sa harapan ko ngayon at masama ang tingin sa akin. Tinignan ko ang iba kong kaklase, walang nakakapansin sa nangyayari dito sa likod dahil maingay at may kaniya-kaniya silang ginagawa.
"Pati si Reese 'no kinaibigan mo para lang mapalapit sa kakambal n'ya. Ang landi mo talaga!" galit na sabi n'ya sa akin kaya natakot agad ako at napahawak sa dibdib ko dahil naninikip ito.
"H-hindi... mali k-kayo ng iniisip." nanginginig na sabi ko. Kaya ngumisi s'ya at ipinatong ang isa n'ya kamay sa mesa ko at nilapit ang muhka sa akin.
"Talaga lang ha?" nakangising sabi n'ya. "Ang sabihin mo gusto mo syang makuhasa'kin!" sigaw n'ya kaya napasiklot ako sa gulat.
"H-hindi... m-maniwala ka. Hindi k-ko rin kilala ang k-kakambal n'ya..." nanginginig pa rin na sabi ko.
"Ha! Sinong niloko mo? Kami? Napaka-imposible namang hindi mo---"
"Totoo ang sinabi n'ya." napa-angat ako ng tingin ng makarinig ako ng malamig na boses at nakita ko si Reese na malamig na nakatingin sa mga babaeng nasa harap ko.
"Totoong hindi n'ya pa kilala ni nakikita ang kakambal ko. How can she steal my brother to you when in the first place he's not yours?" she said mockingly.
Kaya napatingin ako sa mga babaeng nasa harap ko at nakita ko silang natatakot pero nagtatapang-tapangan.
"But, Reese, she's a s**t!" naghihisteryang sabi ng babaeng sumigaw sa akin kanina.
"Oh, no, my dear Vivian." malambing n'ya sabi at humakbang papunta sa pwesto n'ya at malamig na ngumisi. "She's not part of your family." at pumunta sa pwesto ko.
Nakita ko silang natulala sa ginawa ni Reese pero wala lamang ito sa babae at niyakap lamang ako. Nang humiwalay ito sa akin ay tinignan n'ya ako ng nag-aalala.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong n'ya at pinunasan ang muhka ko. Do'n ko na realize na basa ang muhka ko dahil sa pag-iyak.
"O-oo." sabi ko at inabutan n'ya sa'kin ang tumbler kong nakabukas na, hindi ko namalayang nakuha n'ya pala sa bag ko.
"Uminom ka muna ng tubig." sabi n'ya kaya uminom ako ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay kinalma ko ang sarili ko dahil hindi ako ganung makahinga dahil sa takot.
Ngayon ko pa lamang na experience ang ganito. Sa school ko naman dati ay marami akong kaibigan. Wala akong kaaway ni isa dahil mabait naman ako sa kanila. Wala ring nangbu-bully sa akin. Dito ko pa pala mae-experience ang bagay na ayaw kong ma-experience.
Nagsibalikan sila sa mga upuan nila ng dumating na si Ms. Eryn kasama ang seatmate ko na namumula ang tenga at wala sa mood. Napa-ayos ulit ako ng upo ng umupo ito sa tabi ko, sa upuan n'ya. Nagsimula ng magklase si Ms. Eryn.
Pagkatapos ng dalawang klase namin ay breaktime na. Napansin kong wala ring balak bumababa ang katabi ko at tumungo lamang ito sa desk n'ya. Wala rin naman akong balak kumain dahil gusto ko lang muna umidlip kahit konti pero tutungo pa lamang ako ng nilapitan ako na ako ni Reese.
"Iidlip ka?" malungkot na sabi ni Reese, nag-alangan naman akong tumango.
"Aww. May hinanda pa naman akong food para sa'tin." sabi n'ya at itinaas ang maliit na paper bag. Kaya namula naman ako sa hiya dahil naghanda pala s'ya ng pagkain para sa'min. Pero kumunot ang noo ko ng may mapagtanto.
"Wala ka namang hawak na paper bag kanina ah. Paanong nagkaroon ka na naman n'yan?" takang tanong ko kaya natawa s'ya at umupo sa upuan na nasa harapan ko.
"Nilagay ko sa bag kasi kasya naman." nakangiting sabi n'ya at hinatak ang upuan para mas lumapit sa desk ko. "Kain tayo ah?" kaya nginitian ko s'ya at tumango.
"Nakakahiya naman." sabi ko at napakamot sa ulo kaya natawa s'ya.
"Ba't ka namumula?" natatawang tanong n'ya kaya napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong mainit ito.
"H-hindi ah!" nauutal na sabi ko kaya natawa s'ya sa sinabi ko kaya mas lalo akong namula.
"Atsaka, ba't ka naman nahihiya?" takang tanong n'ya.
"Kasi naghanda ka ng pagkain para sa'tin tapos hindi man lang ako nakapaghanda." nahihiyang sabi ko kaya ngumiti s'ya.
"Edi bukas magprepare ka para marami tayong makain." nakangiting sabi n'ya kaya tumango ako.
"Sige." nakangiting sabi ko. "Anong gusto mong dalhin ko?" kaya umiling lang naman s'ya.
"Kahit ano. Hindi naman ako picky eater eh." nakangiting sabi n'ya at inabot sa akin ang spoon and fork kaya agad kong 'tong tinanggap at nagpasalamat.
"Ikaw? Anong gusto mong iprepare ko bukas?" sabi n'ya at binuksan ang may kalakihang tupperware na nilabas na pala n'ya sa paper bag.
"Kahit ano rin. Hindi rin naman ako picky eater eh." nakangiting sabi ko kaya napangiti rin s'ya.
"Sana magustuhan mo." sabi n'ya kaya napatingin ako sa laman ng tupperware.
"Anong palaman n'yan?" tanong ko sa kan'ya.
Sa loob kasi ng tupperware ay mero'ng dalawang sandwich na hinati sa dalawa, meron ding chocolate chips at banana bread.
"Tuna spread." nakangiting sabi n'ya.
"OMO!" kinikilig na sabi ko, napahawak pa ako sa makabilang pisngi ko kaya nagtaka naman si Reese.
"Bakit?" tanong n'ya kaya nginitian ko s'ya ng malaki.
"Paborito ko 'tong mga hinanda mo. Nakakatuwa naman!" nakangiting sabi ko kaya napangiti s'ya.
"Sakto pala 'yong mga hinanda ko." nakangiting sabi n'ya kaya tumango ako at nagsimula na kaming kumain.