Chapter 3

2234 Words
Unang araw ng klase kaya maaga akong nagising at nag-ayos para sa pagpasok ko. Nang masiguro kong ayos na ang gamit at ang suot ko para sa araw na 'to ay nagpasya akong bumababa na para masabayan sila Mama sa umagahan. Pagkababa ko ay saktong kakatapos lang ni Mama mag-ayos nag hapag-kainan kaya nilapitan ko s'ya at hinalikan sa pisngi. "God morning, Ma." bati ko sa kan'ya. "Good morning, anak." bati pabalik sa akin ni Mama kaya lumapit ako kay Papa at hinalikan din s'ya sa pisngi. "Good morning, Papa." "Good morning, princess." bati sa'kin ni Papa. "Ang ganda naman ng prinsesa ko." nakangiting sabi n'ya kaya pabiro akong sumimangot at umupo sa harap n'ya. "Binibola mo naman ako, Papa, e." sabi ko at nilagay ang gamit ko sa tabi ko. "Hindi ah! Ba't ko naman gagawin sa prinsesa ko 'yon?" tanong ni Papa kaya napa-iling na lamang ako at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos kumain ay chineck ko ulit ang gamit ko kung kumpleto ito at ng masiguro na nandun na lahat ang gamit ko ay sumunod na ako kay Papa papunta sa sasakyan dahil s'ya raw ang maghahatid sa akin. Halos thirty minutes lang ang byahe papunta sa school kaya nakarating din kami kaagad. Pababa na ko ng magsalita si Papa. "Nasayo na ang alllowance mo?" tanong ni Papa kaya tumango ako. "Sige, good luck sa first day of school." sabi n'ya at hinalikan ako sa noo kaya nginitian ko s'ya at bumababa na ko sa sasakyan. Nang umalis na si Papa ay napatingin ako sa gate habang dumadating ang kotse ng mga estudyante. Napahinga na lamang ako ng malalim dahil sa kaba at humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. New school, new environment. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad papasok. Ang ibang estudyante ay busy na nakikipag-usap sa mga kaibigan nila, habang ang iba naman ay tinitignan ako. Sabagay, bago lamang ako rito kaya naniibago sila na may bagong estudyante. Habang naglalakad ako ay biglang may nagsalita sa speaker kaya napahinto ang lahat ng estudyante sa ginagawa nila pati ako ay napahinto sa paglalakad. "Good morning, VU students'. Magsipunta na muna ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang klase. Maraming salamat." sabi ng isang babae sa speaker kaya nagsipuntahan ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang building papunta sa classroom nila kaya agad akong pumunta sa college department pero napatigil na lamang ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin. "Ms. Rodriguez?" paglingon ko sa taong tumawag sa akin ay nakita ko si Ms. Eryn na nakatayo 'di kalayuan sa akin, nakalagay ang dalawang kamay sa likod at nakangiti sa akin. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya. "Bakit po?" magalang na tanong ko. "Maaari mo ba akong tulungan sa mga gamit ko?" tanong n'ya kaya tumango ako. "Tara sa faculty." nakangiting sabi n'ya at naunang maglakad kesa sa akin kaya sumunod na laamng ako sa kan'ya papunta faculty room. Nang makarating na kami doon ay bumati ako sa ibang guro habang sinusundan si Ms. Eryn sa table n'ya na nasa dulo na kahilera lamang ng pinto. Binigay n'ya sa akin ang laptop n'ya at dala naman n'ya ang bag n'ya. "Mauna ka ng maglakad." nakangiting sabi n'ya kaya nauna na akong maglakad habang nagbibigay galang sa mga guro. Nang makalabas na kami ay sabay kaming naglakad ni Ms. Eryn apuntang elevator. S'ya pa mismo ang pumindot ng button habang nakatayo lamang ako sa tabi n'ya at nakatungo. "Kinakabahan ka ba?" tanong n'ya kaya napa-angat ako ng tingin at nakitang nakangiti ito sa akin. "Opo." nahihiyang sabi ko. "Naiintidihan ko. Bago ang school kaya bago rin ang environment. Parang back to zero ka ulit kasi kaialngan mong makipagkaibigan sa ibang tao, unlike, sa school mo dati marami ka ng kaibigan." sabi n'ya sa akin at naunang pumasok sa elevator kaya sumunod na lamang ako sa kan'ya. "For sure, magkakaro'n ka rin ng mga kaibigan. Mabait kang bata e." nakangiting sabi n'ya kaya ngumiti na rin ako. "Salamat po." nahihiyang sabi 'ko. "Malabo ang mata mo?" tanong n'ya sa'kin kaya tumango ako. "Nearsighted po ako." sabi ko at inayos ang salamin ko. "Gaano kataas ang grado mo?" tanong n'ya at lumabas ng elevator kaya sumunod ulit ako sa kan'ya at sinabayan s'yang maglakad. "Two hundred po 'yong sa left at may astigmatism po ako sabi ng doctor, tapos sa right naman po two hundred fifty naman po." sabi ko at tumango-tango si Ma'am. "Mataas pala." sabi n'ya at tumigil. Hindi ko na malayan na nasa tapat na pala kami ng claasroom kaya huminga ako ng malalim para kumalma ang sarili ko dahil bumalik na naman ang kaba ko. Nilingon ako ni Ma'am at nginitian at binuksan ang pinto, narinig namin ang inagy ng mga kaklase ko. Tumahimik lamang sila ng makita nila si Ms. Eryn. Pumunta sa unahan si Ms. Eryn at sumunod lamang ako sa kan'ya. Kinuha nya sa akin ang laptop n'ya at hinawakan ako sa balikat saby hinarap sa mga kaklase ko. "Good morning, everyone." bati n'ya. "Good morning, Ms. Eryn." bati nila pabalik. "So, nagyon magkakaro'n kayo ng bagong kaklase, she's an exchange student." sabi n'ya sa lahat at tinignan ako. "Pleas introduce yourself." sabi sa'kin ni Ma'am kaya napalunok ako at nagsalita. "Good morning, I'm Althea Selene Rodriguez, from St. John University in Laguna. I'm nineteen years old. Nice meeting you all." nahihiyang sabi ko. "You can seat beside Mr. Villanueva, Ms. Rodriguez." sabi ni Ms. Eryn habang nakaturo sa lalaking nakatingin sa bintana na nasa pinakadulo naka-pwesto. Kaya dahan-dahan akong lumapit papunta roon. Ramdam kong pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko mas lalo na ang mga babae. Nang maupo ako sa tabi ng lalaking tinutukoy ni Ms. Eryn ay napatingin ako sa mga kaklase ko at nakita ko na masama ang tingin sa akin ng mga babae kong kaklase kaya napayuko na lamang ako. Nagsimula na ng orientation si Ms. Eryn, ikinuwento n'ya ang history ng paaralan. Ang mga namahala rito noon hanggang ngayon. Sinabi n'ya rin ang mga clubs na pwede naming salihan, bukas daw ay p'wede ng magpalista. Pati sports ay sinabi n'ya rin. Mga activities na possible na magkaro'n this year. After one hour sumunod ang susunod naming teacher. Wala namang masyadong nangyari sa araw na 'to. Dahil orientation pa lamang ay walang ginawa kundi ang walang katapusang introduce yuorself at nagkaro'n ng konting activity. Nang magbreak time ay nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Ako naman ay pumunta sa locker room para ilagay ang iba kong gamit doon. Pagkadating ko do'n ay konti lang ang mga babae. Siguro ay mga kumakain sa cafeteria kaya pumunta agad ako sa locker ko at inilagay ang mga libro ko. Habang nag-aayos ako ng libro ko ay naramdaman kong may tao sa tabi ko pero hindi ko 'to pinansin at tinuloy ko na lamang ang pag-aayos. "Hey, Ms. Exchange student," sabi sa akin ng nasa tabi ko kaya nilingon ko s'ya. May kasama s'yang apat na babae na masama ang tingin sa akin habang ang babae na nasa unahan ay sa tingin kong kumausap sa akin ay mataray ang itsura. Tumingin ako sa paligid ko at tinignan s'ya sabay turo sa sarili ko. "A-ako ba?" tanong ko. "Stupid!" sigaw n'ya sakin kaya napangisi ang mga kasama n'ya kaya nababa ko ang kamay ko. "Of course, you! Ikaw lang naman ang exchange student dito e." mataray na sabi n'ya sa'kn at humakbang papalapit sa'kin kaya napaatras naman ako dahil sa takot. "Don't you dare flirt Ryzk." madiing sabi n'ya. " He's mine! Understood?" sigaw n'ya kaya napatango na lamang ako sa takot. Kaya ngumisi s'ya at naglakad sa harap ko, binangga n'ya ng malakas ang kanang balikat ko kaya nabitawan ko ang bag ko at ganun din ginawa ng mga kasama n'ya. Hindi ko alam kung saana ko hahawak, sa braso ko ba na masakit dahil sa ginawa nila o sa dibdib ko na med'yo naninikip sa dahil sa sobrang bilis ng hininga ko. Nagulat na lamang ako ng may babaeng lumapit sa akin at hinawakan ang kaliwang balikat ko, sa sobrang gulat ay napalayo na lamang ako at tinignan s'yang gulat na gulat. "'Wag kang mag-alala hindi kita sasaktan." sabi n'ya. "May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong n'ya kaya napahawak na lamang ako sa kanang balikat ko. "Tara, dadalhin kita sa clinic." sabi n'ya. Sinarado at ni-lock pa muna n'ya ang locker ko at inabot sa akin ang susi. Inabot pa n'ya sa akin ang bag ko na nabitawan ko kanina. Sinabit ko ito sa kaliwang balikat ko. "Salamat." mahinang sabi ko kaya ngumiti na lamang s'ya sa akin at inalalayan kahit hindi naman kailangan. Pumunta kami sa elevator, hindi ko na alam ang nangyari dahil tulala lamang ako. Kung hindi pa s'ya magsasalita ay hindi ko malalaman kung nasaan na kami. "Nandito na tayo sa clinic." sabi n'ya. Malapit lang ang clinic sa Registar Office. Hindi namin napansin 'to ni Mama dahil abala kami sa paghahanap ng Supplies' Office. Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang babaeng med'yo matanda ng kaunti kay Ms. Eryn. "Nurse Eunice, masakit daw po ang balikat n'ya." sabi ng babaeng kasama ko kaya tumayo naman si Ms. Eunice sa kinauupuan n'ya at inalalayan ako papunta sa isang maliit na kwarto at pinaupo ako sa kama. "Okay lang ba na hubarin mo ang blazer at I.D mo?" tanong n'ya sa'kin kaya tumango ako at tinanggal ang blazer at I.D ko. Kinuha naman 'to ng babaeng tumulong sa'kin at hinawakan ito. "Okay lang naman na buksan ko ang butones diba? Iche-check ko lang ang balikat mo." sabi n'ya at tumango na lamang ako. Tinanggal n'ya ang tatlong butones ng uniform ko at hinawi ang telang natatakpan ng kanang balikat ko. Nakita namin na sobrang namumula ang balikat ko, halata ito dahil may kaputian din ako. "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni nurse Eunice. Nang balak ng magsalita ng babaeng kasama ko ay inunahan ko na s'ya. "T-tumama po sa pinto ng locker ko, n-nakalimutan ko po kasing isara 'yon." mahinang sabi ko at nakita ko sa itsura ng babae ang pagka-dissappoint sa sinabi ko. "Sa susunod mag-iingat ka ha? Sandali, kukuha ako ng hot compress." sabi ng nurse at umalis sa kwarto. Napaupo naman sa tabi ko ang babaeng tumulong sa'kin. "Ba't ka naman nagsinungaling?" tanong n'ya. "Ayokong ma-guidance, first day of school magkaka-record agad ako. Atsaka palipasin mo na muna. For sure, hindi naman 'yon mauulit." sabi ko. "Sana nga." sarkastikong sabi n'ya. "Anyway, ako ng pala si Reese Jael Villanueva, kaklase mo ko." nakangiting sabi n'ya kaya nagulat ako. "Hala! Oo nga. Hindi ko napansin." gulat na sabi ko. " Ako nga pala---" "Yeah, you're Althea Selene." natatawang sabi n'ya. "Nice meeting you." "Ako rin." nakangiting sabi ko s'ya namang dating ni nurse Eunice. Nilagay n'ya ang hot compress sa braso ko. Tumagal kami halos ng thirty minutes ni Reese sa clinic dahila sa nangyari. Mabuti na lamang wala na kaming klase sa hapon. Pinayagan kaming maglibot sa school, p'wede ring umuwi na kami depende sa gusto namin. Nandito kami ngayon ni Reese sa parte ng garden kung saan wala masyadong pumu-pwesto o pinupuntahan ng estudyante. Mabuti na lamang ay makulimlim at mahangin ngayon, umaayon sa kagustuhan namin ni Reese. Dito na rin namin napiling kumain ng snacks at nagkwentuhan. Nalaman ko na ate n'ya si Ms. Eryn kaya gulat na gulat ako. Minsan kasi ay may mga magka-apelyido pero hindi naman magkamag-anak kaya hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin 'yon. Kaya nagulat talaga ako ng sabihin 'ya sa akin na ate n'ya ang guro namin. "Meron pa 'kong isang kapatid. Twin to be exact." sabi n'ya kaya napatigila ako sa pag-inom ng C2 at tinignan s'ya. "Talaga?" tanong ko. Kaya tumango s'ya at sumandal sa puno. "Yes. Lalaki pa nga eh." bored na sabi n'ya. "Oh? Ilan ba kayong magkakapatid?" "Tatlo lang." sabi n'ya at uminom din ng C2. "Ang saya siguro ng may kapatid?" tanong ko pero nagkibit-balikat lang s'ya. "Yes," nag-aalinlangang sabi n'ya. "Kasi may kasama ka, may makakausap ka. Pero mas masaya kapag close kayong magkakapatid." "Hindi ba kayo close na tatlo?" "Sobrang close kami ni ate kung alam mo lang," nkangiting sabi n'ya. "Pero kami ng kakambal ko ang medyo tagilid." natatawang sabi n'ya kaya napangiti ako. "Ikaw?" tanong n'ya at tumingin sa akin. "Anong feel ng only child?" "Malungkot kasi wala akong kalaro, wala akong masabihan ng mga secrets ko kahit nand'yan naman ang parents ko. Wala akong kabonding as a sibling." sabi ko at nagkibit-balikat na lamang. "Ba't hindi ka na nagkaro'n ng kapatid?" "Miracle baby raw ako sabi nila Mama. Ang sabi talaga ng mga doctor hindi na raw magkakaro'n ng anak si Mama dahil may problema s'ya, pero nagkaro'n pa rin s'ya ng anak kaya ang tawag nila sa'kin miracle baby." nakangiting sabi ko. "Pero gusto mo pa rin magkaro'n ng kapatid?" tanong n'ya kaya tumango ako. "Oo naman." "Edi," sabi n'ya kaya kumunot ang noo ko. "Iturong mo kong kapatid!" nakangiting sabi n'ya. "Ha?" "Ituring mo kong kapatid," sabi n'ya at ipinulupot n'ya ang braso n'ya sa kaliwang braso ko. "Dahil friends na naman na tayo, we can be partners in crime, bestfriends, lagi tayong sbaay na gagawa ng projects, assignments, tapos lalabas tayo, gagala kumbaga. Gagawin natin lahat like sisters." nakangiting sabi n'ya sa'kin kaya napangiti ako. "Sige, gawin natin 'yan." nakangiting sabi n'ya kaya napabitaw s'ya sa'kin at tumili. Kaya natawa na lamang ako sa inakto n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD