Pagkadating namin ni Mama sa VU ay namangha talaga kami sa laki ng university. Dapt nagyon pa lang ay malibot ko na ito para hindi na ko maligaw sa Lunes. Baka ayun pa kasi ang maging dahilan ng pagka-late ko. Pagkapos mo pa lang ng malaking gate ay may makikita kang dalawang daan sa gilid, sa taas niyon ay may nakasulat na 'Parking Lot'. May makikita ka pang isang malaking gate at pagkapasok mo ay bubungad agad sa iyo ang quadrangle, sa gitna nang quadrangle ay may fountain tapos sa gilid nito ay may apat na benches. Ang linis ng bermuda grass dito sa quadrangle na mahihiya ka talagang tapakan ni magtapos ng basura, na hindi naman talaga dapat gawin. Talagang maalaga sila sa eskwelahan na ito.
May tatlong daan papunta sa tatlong building ng University. Sa left side ay ang College Department, sa middle naman ay ang papuntang High School Department, at sa right side naman ay ang Senior High Department. Ayun yung nakasulat sa nakita naming arrow sa tatlong daan papunta sa mga building. Kaya pumunta kami sa left para makapunta sa college department.
Nang makarating kami doon ay nagtanong kami sa janitor na nakita namin sa hallway kung saan ang registar office at tinuro n'ya ito sa dulo ng hallway kaya pumunta kami doon at agad naman namin 'tong nakita. Kumatok kami at nakita namin ang isang may katandaan ng babae.
"Yes, how can I help you?" mabait na sabi nito.
"Uhm... Hinahanap ko po kasi si Mrs. Joyce Cruz?" nahihiyang sabi ko.
"Ako 'yon, bakit?" sabi nito at nagsuot ng salamin.
"Ako po si Althea Selene Rodriguez, taga-St. John University---"
"The exchange student?" pagputol sa'kin ni Mrs. Cruz kaya tumango ako at nahihiyang ngumiti. "Oh! Come in, please." sabi nito kaya nahihiya kaming pumasok ni Mama sa opisina n'ya.
"Seat down." sabi n'ya at tinuro ang apat na upuan sa harap ng desk n'ya kaya magkaharapan kaming umupo ni Mama. "Kasama mo pala ang mother mo." nakangiting sabi n'ya saamin kaya tumango ako.
"Gusto n'ya raw po kasing sumama." nakangiting sabi ko kaya natawa ng mahina si Mrs. Cruz.
"May I see your files?" tanong ni Mrs. Cruz kaya inabot ko sa kan'ya ang puting folder ko, pati letter na ipinadala sa akin ay nandun din.
Habang tinitignan n'ya ang mga files ko ay may lumabas na babae sa pinto sa gilid, mga nasa 20s panigurado ang babae. Lumapit s'ya kay Mrs. Cruz at inabot naman ni Mrs. Cruz ang folder ko sa babae.
"By the way, she's my secretary, Dana Cruz, my daughter." pagpapakilala ni Mrs. Cruz.
"Good morning po." sabay naming sabi ni Mama.
"Good morning." bati nito sa amin pabalik.
"Naka-process na ba ang files ni Ms. Rodriguez?" tanong nito sa anak.
"Opo, Mama, hard copy na lang ng mga files ni Ms. Rodriguez ang kailangan natin." sabi ni Ma'am Dana kaya napatango si Mrs. Cruz.
"Kung ganun, kailangan mo na lamang pumunta sa Supplies' Office para makuha ang mga kailangan mong libro pati na rin ang schedule mo." sabi ni Mrs. Cruz samin kaya tumayo na kami ni Mama at nagpasalamat sa kanilang dalawa.
"Ang Supplies' Office ay dalawang kwarto mula dito papunta sa kung saan kayo nanggaling." nakangiting sabi ni Ma'am Dana kaya nagpasalamat ulit kami at pumunta sa Supplies' Office.
Pagpunta namin doon ay kumatok muna kami at binuksan ang pinto. Pagkabukas namin ng pinto ay nakita namin ang isang lalaki na kasing edad lang siguro ni Papa at isang babae na kasing edad naman ni Ma'am Dana. S'ya ang unang nakapansin saamin ni Mama.
"Kayo po ba si Ms. Althea Rodriguez?" tanong nito kaya napansin na rin kami ng kasama n'ya.
"Opo, ako nga po." nahihiyang sabi ko.
"Pasok, maupo ho kayo rito." sabi nito at tinuro ang dalawang upuan sa harap n'ya. Bumati muna kami doon sa isang kasama n'ya at dumiresto na kami dun sa babaeng nakausap namin. Pagkaupo namin ay binigay agad saakin nung babae ang schedule ko.
"Ito ang schedule mo, nakalagay na rin d'yan kung anong room, time, at kung sino ang magiging teachers mo. At ito naman," sabi n'ya at may kinuha sa tabi n'ya. May nilapag s'yang brown paper bag sa harap namin.
"Ayan naman ang mga libro mo." nakangiting sabi niya. "Hindi pa pala ako nagpapakilala." natatawang sabi n'ya.
"Ako nga pala si Ms. Eryn Villanueva, ako ang magiging adviser mo at magiging teacher mo sa baking class." nakangiting sabi n'ya kaya tinignan ko ang schedule ko at isa nga s'ya nga ang teacher ko sa baking at adviser ko pa s'ya mismo.
"Uhm... Ms. Eryn, magkano po lahat ang magagastos namin dito?" tanong ni Mama.
"Oh! About that, actually, alam naman siguro natin kung gaano kamahal ang tuition dito pero dahil exchange student ka ibig sabihin lang din no'n ay scholar ka sa university na 'to. Ang babayaran mo ay hindi naman ganung kalaki. Pati 'yang mga libro na dapat na babayaran mo ay binibigay na sa'yo ng libre." sabi ni Ms. Eryn kaya nagulat kami sa sinabi n'ya.
"T-talaga po?" gulat na sabi ko.
"Yes, at ito pa pala," sabi n'ya at may kinuha ulit, may nilapag ulit s'yang paper bag. "Nand'yan na ang uniform mo."
"A-ano pong uniform?" tanong ko.
"Ordinary uniform at pang culinary o itanatawag nilang chef uniform." sabi n'ya kaya sinilip ko ang loob ng paper bag nakita ko ang dalawang uniporme na katulad ng binigay ni Mama at isang chef uniform.
"Atsaka p'wedeng hindi ka muna magdala ng books sa first week ng klase kasi orientation pa lamang 'yon, pero ikaw pa rin ang bahala kung gsuto mo na s'yang ilagay sa locker mo." dagdag n'ya.
"By the way, this is key of your locker." sabi ni Ms. Eryn sabay abot sa'kin ng susi na kulay itim. Nang tignan ko ito ay may nakaukit na number, ito siguro ang number ng locker ko.
"Ang locker room ng mga ay nasa third floor sa right side sa may dulo at sa mga lalaki naman ay sa left sa dulo ng third floor. Any questions?" tanong n'ya.
"Uhm... 'yong sa I.D po pala?"
"Ay! Mabuti pinaalala mo." sabi ni Ms. Eryn at hinarap ang lalaking kasama n'ya. "Sir Edward, I.D picture raw po."
Kaya tumayo ang lalaki at tinignan kami. "Sumunod ka sa'kin." sabi n'ya at pumunta sa pinto na gitns ng opisina. Kaya iniwan ko muna kay Mama ang mga gamit ko at sumunod kay Sir Edward.
Pagkapasok ay sinenyasan n'ya 'kong umupo sa upuan na nasa gitna na may puting kurtina sa likod kaya agad naman akong umupo roon. Nakita 'kong inaayos n'ya ang camera at ilaw na nasa harapan ko kaya pasimple akong nag-ayos ng buhok ko.
"Ready?" tanong n'ya kaya tumango ako. "Okay, 1...2...3..." s'ya namang flash ng camera kaya lumapit s'ya saakin at pinakita ang picture ko.
Mas maayos pa ang muhka ko rito kesa sa muhka sa I.D picture ko nung Senior High ako.
Pagkatpos n'yang maipakita sa akin ang picture ay nagpasalamat ako at nauna ng lumabas ng kwarto. Nakita kong may inabot si Ms. Eryn kay Mama na papel saglit naman 'tong tinignan ni Mama at agad din n'yang nilagay sa bag n'ya. Napalingon si Mama sa gawi ko.
"Tapos na?" tanong n'ya kaya tumango ako.
"Sige po, Ma'am Eryn, alis na po kami." paalam ni Mama kaya nagpaalam na rin ako at kinuha ang mga gamit namin.
"Ma'am Eryn, p'wede po ba kaming maglibot?" tanong ko.
"Yes, of course." nakangiting sabi ni Ms. Eryn kaya nagpaalam kami ulit at umalis na ng Cashier's Office.
Pagkaalis namin ay nilibot namin ang first floor at do'n ko rin nakita ang Cafeteria, Principal's Office, Guidance Office at Cashier's Office, pati ang elevator, nalaman din namin 'yong bawat dulo pala ng mga palapag ay may elevator. May hagdan naman na nasa gilid ng elevator at meron naman na nasa gitna ng hallway. Sumakay kami ng elevator papuntang third floor. Pagkarating namin doon ay bumungad agad saamin ang locker room kaya ayun muna ang una naming pinuntahan at hinanap ko kaagad ang locker ko. Ang linis at ang bango sa loob ng locker room, puting-puti ang tiles at may mga salamin pa sa loob. Pagkalabas namin ng locker room ay may restroom para sa mga babae sa tabi nito. Nadaanan naman namin ang Kitchen na gagamitin namin tapos mga classroom na, mula sa Kitchen madadaanan mo muna ang tatlong kwarto bago makarating ng classroom ko tapos hagdan tapo apat na classroom ulit at sa dulo niyon ay ang Computer Lab.
Sumakay ulit kami ng elevator at pumunta sa pinakataas na palapag at bumungad sami ang magandang rooftop na may mga magagandang halaman, may mga benches at duyan pa roon. May silong din doon may mga lamesa. Nakapaligid naman sa roof ang hanggang bewang na fences at hedge maze na hanggang tuhod. Nakita ko rin mula rito ang garden na nasa likod ng College Department, tapos ang gymnasium, ang indoor swimming pool, ang soccer field.
Pumunta kami sa fifth floor ni Mama at dun namin nakita ang Science Lab at AVR o Audio Visual Room. Dun ko lang din na napansin na ang restroom ay katabi lang din ng locker room. Sa fourth floor naman nandun ang art room at ang music room pati na rin ang dance/practice room. Sa second floor naman ay ang faculty room at ang Library.
Tanghali na ng matapos kami ni Mama kaya nagpasya kaming kumain na lamang sa tabi ng school. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami tungkol sa school na papasukan ko ngayon. Pagkatapos naming kumain ni Mama ay nagpasya kaming pumunta sa mall dahil bibili raw kami ng mga gagamitin ko sa school. Kaya pagkarating namin ay agad kaming pumunta sa National Book Store at namili ng school supplies. Gusto pa nga sana akong bilhan ni Mama ng bagong bag pero hindi ako pumayag dahil bago pa naman ang bag ko at maayos pa naman ito. Napg-usapannamin na sa susunod na lamang ako magpapabili ng bago kapag kailangan na talaga.
Pagkatapos naming mamili ay nagmerienda na rin kami sa mall at nagtake-out ng pagkain para sa hapunan dahil tinatamad na raw si Mama na magluto. Kaya nagpasya kaming umuwi ng dalawa para makapagpahinga na s'ya.
"Anak, akyat muna ako sa taas ha? Papahinga lang ako saglit. Napagod ako e." sabi ni Mama pagkarating namin sa bahay kaya nginitian ko.
"Sige po, Ma. Ako na pong bahala rito. Tatatwagin ko na lang po kayo kapag nandito na si Papa." sabi ko kaya hinalikan ako ni Mama sa noo at umakyat na s'ya para makapagpahinga.