Chapter 1

1573 Words
"Mama," tawag ko sa nanay ko. "Hmm?" tugon n'ya habang tinutulungan akong mag-empake ng mga damit ko. "Kailangan ko po ba talagang mag-aral do'n? Hindi ba pwedeng dito na lang po ako mag-aral?" tanong ko kaya napatigil s'ya pag-eempake at nilingon ako. "Anak, ayaw mo ba kaming makasama ng Papa mo?" malungkot na sabi ni Mama kaya umiling ako. "Atsaka anak, malapit 'yong bahay natin sa school mo do'n at isa pa prestigious school iyon anak, mapalad ka nga at ikaw ang napiling exchange student do'n e. Pangarap ng karamihan sa mga estudyante ang eskwelahan na papasukan mo, anak, tapos ikaw ayaw mo?" Napabuntong-hininga s'ya sa tinuran ng ina. "Mama, hindi naman po sa ayaw ko. Nandito po kasi ang mga kaibigan ko, ayaw ko pong malayo sa kanila." malungkot na sabi ko at tumungo. Narinig kong napabuntong-hininga si Mama at hinawakan ang dalawa kong kamay na nasa kandungan ko. "Anak, alam kong nakakalungkot pero kailangan nating lumipat, babalik naman tayo dito kapag bakasyon na o kaya ay may mahalagang okasyon." sabi n'ya at hinaplos ang pisngi ko. "Kaya 'wag ka ng malungkot, okay?" nakangiting sabi n'ya kaya napangiti ako ng kaunti at tumango. Napatingin na lamang kami ni Mama sa pinto ng bumukas 'yon at iniluwa nito si Papa na nakangiti samin. "Kakain na mga babaeng mahal ko sa buhay." nakangiting sabi ni Papa kaya napangiti ako sa sinabi ni Papa. Nilapitan ni Papa si Mama para alalayang tumayo ng mapansing papatayo na ito. "Salamat, mahal." sabi ni Mama kaya mas lalo akong napangiti. Napatigil ako sa pagtayo dahil nakita ko ang tsinelas ni Papa sa harap ko laya napatingala ako sa kan'ya at nakita ko na nakalahad ang kamay n'ya sa akin kaya buong galak ko itong hinawakan at tinulungan ako ni Papa na tumayo. "Tara na. Masamang pinaghihintay ang pagkain." nakangiting sabi sa'min ni Mama at naunang lumabas ng kwarto ko kaya inakbayan ako ni Papa at sabay kaming lumabas ng kwarto ko. Pagkababa namin ay nakita namin si Mama na nilalagyan na ng kainin at ulam ang plato namin ni Papa kaya pumunta na kami sa mga pwesto namin at nagsimulang magdasal. Pagkatapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan na lagi naming ginagawa kapag lagi kaming magkakasamang kumain. Habang nagkukwentuhan ay nakaramdam ako ng kalungkutan. Dahil aalis na kami sa bahay na ito kung saan ako lumaki. Aalis na kami sa bahay na ito kung saan kami bumuo ng masasayang alaala. Aalis na kami sa lugar na ito kung saan nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Nakakalungkot lang pero alam kong babalik naman ako rito para magbakasyon. Mabibisita ko pa rin naman ang mga kaibigan ko kaya hindi ko kailangan malungkot. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa taas para tapusin na ang pag-eempake ko para bukas ay konti na lang ang aayusin ko. Habang naghahanda na ko sa pagtulog ay biglang umilaw ay cellphone ko at nakita kong nakatanggap ako ng mensahe galing sa group chat namin. Ann: Aalis ka na ba talaga, Selene? Althea: Oo e. Pero sabi babalik naman kami dito sa bakasyon o kaya ay may okasyon sabi ni Mama. Kim: :( Kim: P'wede bang 'wag ka na lang umalis? Althea: Gustuhin ko man, hindi pwede. Atsaka pwede pa naman natin ma-contact ang isa't isa e, diba? 'Wag kayong mag-alala. Magkaron man ako ng bagong kaibigan doon, hindi ko kayo kakalimutan. Joy: Promiiiiiise? Althea: Promise! Althea: Oo nga pala. Nabanggit ko kay Mama kanina kung pwede kayong pumunta rito bukas ng umaga para sabay-sabay tayong tatlong kumain ng umagahan. Pumayag naman sila. Ann: Yehey! Sige, pupunta kami d'yan. Joy: Anong oras? Kim: Katulad ng dati. Doon na natapos ang pag-uusap namin kaya naisipan ko ng matulog para maaga akong magising bukas ng umaga. Kina-umagahan, tinutuyo ko na lamang ang buhok ko ng biglang pumasok ang tatlong kong kaibigan kaya nabitawan ko ang hair dryer ko at tinanggap ang mahigpit nilang yakap. "Mami-miss ka namin, Selene." malungkot na sabi ni Joy. "Ako rin. Mami-miss ko kayo ng sobra!" malungkot na sabi ko. "Tatawag ka ah!" sabi ni Kim kaya ngumiti ako at tumango. "Oo naman." sabi ko. Pagkatapos naming mag-usap sandali ay naisipan naming bumababa para makakain na. Habang kumakain kami ay kinukumbinse pa nila ang mga magulang ko na ako na lamang ang iwan at sila na lamang ang pumunta sa Maynila. Balak pa akong ampunin ng tatlo na tinawanan lamang nila Mama. Tinakot pa nila ang mga magulang ko na kikidnappin na lamang ako at itatago para hindi ako malayo sa kanila. Dahil sa sinabi iyon nila ay napa-iling na lamang ako. Pagkatapos kumain ay umakyat kaming tatlo sa kwarto ko at inayos ang mga gamit na kailangan pang ayusin. Habang nag-aayos ako ay nagkukwentuhan kami. Pero ng malaman nila na kailangan na naming umalis ay nalungkot ulit sila kaya habang lumalabas kami ng bahay ay hindi sila lumalayo sa akin na animong ayaw nilang mawala ako. "Pagkarating ko ng Maynila ay tatawagan ko kayo kaya hindi n'yo na kailangang maging malungkot." nakangiting sabi ko. "Hindi kasi kami sanay na kulang tayo." malungkot na sabi ni Ann at tumango naman ang dalawa. Kaya may kinuha ako sa sling bag ko. Inabot ko sa kanila ang sulat na ginawa ko kagabi na may laman na larawan naming apat at litrato na kasama ko ang isa sa kanila. "Ayan, sulat at litrato nating apat. Para kapag nami-miss n'yo ko may mababasa at matitignan kayo litrato." sabi ko kaya napangiti sila. "Hala! Wala man lang kaming naibigay sa'yo." sabi ni Joy kaya natawa na lamang ako. "'Wag na. Marami na akong litrato nating apat. Okay na sa'kin 'yon. Atsaka andami ko kayang natanggap na love letters sa inyo." natatawang sabi ko kaya napabuntong-hininga na lamang sila at nagyakap ulit kami. "Sa susunod ulit." sabi ko pagkabitaw sa yakap kaya tumango sila at ngumiti. "Anak," tawag sa'kin ni Mama kaya nilingon ko s'ya. "Kailangan na nating umalis." sabi ni Mama na nasa shotgun seat kaya tumango ako sa kan'ya at hinarap ang mga kaibigan ko. "Sige na, ingat kayo." nakangiting sabi ni Kim kaya nginitian ko rin s'ya. "Kayo rin." sabi ko at sumakay sa sasakyan. "Sa susunot ulit." bulong na sabi ko habang kumakaway sa kanila kahit alam kong hindi nila ako nakikita dahil tinted ang sasakyan. Napasandal na lamang ako sa upuan at pumikit. Tanghali na ng makarating kami sa bahay namin sa Manila. Habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid ay nagustuhan ko kaagad ito. Matataas ang puno, tahimik ang paligid, at masarap ang simoy ng hangin. Ang bahay namin ay hindi ganung kalakihan. Sakto lamang ito para sa'ming tatlo. Pagkapasok ko sa bahay ay ayos na ang mga gamit, sad'yang kami na lamang ang kulang. Talagang pinaghandaan talaga nila Papa ang paglipat naming ito. Nang mailagay at mai-ayos ko na ang mga gamit ko sa kwarto ko ay pumunta ako sa kusina at tinulungan si Mama sa paghahanda ng hapunan namin. Si Papa naman ay nag-aayos sa kwarto nila Mama. Habang tinutulungan ko si Mama sa pag-aayos at nagkwentuhan na rin kami. "Mama, talagang pinaghandaan n'yo ni Papa 'yong paglipat natin ah?" "Ha? Pa'no mo naman nasabi?" takang tanong ni Mama. "Pa'no ba naman po kasi pagkadating na pagkadating po natin dito maayos na 'yong mga gamit, parang tayo na lang 'yong hinihintay ng bahay." natatawnag sabi ko kaya natawa rin si Mama. "Nako, anak! Bigay kasi talaga ito saatin ng Lolo mo bago pa s'ya mawala. 'Yang mga gamit ay nandito na talaga. Pinalinis lang namin 'yan sa nangangalaga rito." "Talaga po?" "Oo, at ang Tita Monette mo pa mismo ang nag-ayos ng mga 'yan." sabi ni Mama. Si Tita Monette ay nakababatang kapatid na babae ni Papa na interior desinger. No wonder kung bakit ang ganda ng bahay. Pagkatpos naming ihanda ang pagkain ay saktong pagbaba naman ni Papa. Kaya nagsimula na kaming kumain. As usual, hindi mawawala sa'min ang magkwentuhan habang kumakain. Parang hindi na nga at mawawala sa'min 'yon e. Pagkatpos kumain at tulungan si Mama sa hugasin ay umakyat na ko sa kwarto ko at naghanda sa pagtulog. Papatulog na sana ako ng biglang may kumatok. "Pasok po!" sigaw ko at niluwa nito si Mama na may dalang uniform kaya kumunot ang noo ko. "Para saan po 'yan, Mama?" "Uniform mo ito, anak." sabi ni Mama. Ang uniform nadala ni Mama ay black and white ang kulay. Ang blazer nito ay black na may puti sa gilid tapos may patch sa kanan, pati ang bulsa ay may puti rin, ang slevees din nito ay may puti sa dulo, may black din na necktie, may blouse na puti sa loob, at may black skirt na above the knee ang taas. Binuksan ni Mama ang closet ko at isinampay ito sa loob. Pagkasara ni Mama ay humarap s'ya sa akin. "Sabi sa akin ay 'yong medyas pwedeng puti o itim, depende raw sa'yo. Pwede rin naman kung mahaba o hindi." sabi n'ya sa akin kaya tumango ako at ngumiti. "Salamat, Mama." nakangiting sabi ko. "Sabado bukas, pupunta ka do'n?" tanong ni Mama kaya tumango ako. "Opo, kailangan ko pong magpa-enroll at kunin ang schedule ko. Pati rin po pala ang mga gagamitin ko." "Sama ako bukas ah?" parang bata na sabi ni Mama kaya napangiti ako. "Oo naman po." sabi ko kaya nagpaalam na sa'kin si Mama na matutulog na raw s'ya dahil maaga pa raw kami aalis bukas. Pagkaalis ni Mama ay humiga na ako at natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD