“RITZ, PASENSYA na kayo ni Julia kung hindi ako pwedeng sumama sa inyo. Hindi talaga ako papayagan nina daddy at mommy lalo na kung club ang pupuntahan. Kapag sumama ako at nabuking, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari.”
“Shantel, ngayong gabi lang naman ‘to habang promo pa sa club. Malapit na ang graduation, kailangan na nating gawin ito habang magkakasama pa tayo dahil after graduation flight ko na papuntang Australia kaya please? For me?"
Buntong-hingina muna ang naisagot ni Shantel sa kausap na kaibigan sa kabilang linya ng cellphone. Ibinagsak niya ang sarili sa twin size bed sa malaki niyang kwarto.
“Ikaw naman kasi, bakit biglaan? Mamaya agad? Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang para makapaghanda ako o kaya pagkatapos na ng reporting natin.”
“Girl, naman! Wala nang promo next time!”
“Hindi ba pwedeng sa Manila Zoo na lang tayo pumunta?”
“Hindi,” agad sagot ng nasa kabilang linya. “Girl! Let’s boycott any zoo here in the world! Kawawa ang mga hayop dapat nasa gubat lang sila!”
Dumapa si Shantel at bumuntong-hininga. “Ritz, hindi ako handa. Isa pa, hindi ko talaga kasi alam kung paano ako makakalusot. May nagbabantay na security guard sa baba. At saka, paano kung mabuking ako?”
“Hindi kita kakausapin sa klase sa Lunes,” deretsahang sabi nito.
Napalunok si Shantel. Si Ritz ang kaklase niyang matalino at may pagka-liberated, contrast ang personality nilang dalawa pero ito ang pinakaunang naging kaibigan niya nang mag-transfer siya sa SAMHS. Sa mga oras na para bang na ‘culture shock’ siya sa paligid, hindi siya iniwan ni Ritz since day one. The girl was easy-go-lucky, tyinagaan siya nito kahit sa totoo lang ay boring siyang maging kaibigan dahil halos hindi niya masakayan ang trip nito. Ilang beses na rin siya nitong niyayang mamasyal, magsaya at kung ano-ano pa, pero wala siyang matandaang pinagbigyan niya ito dahil sa isiping hindi rin lang siya papayagan ng kanyang daddy at mommy.
“Sige na nga. Susubukan kong tumakas kapag tulog na sina Mommy at Daddy. Kasi kahit sabihing group studies hindi ako papayagan ng mga iyon, ‘yun na lang ang idadahilan ko kay Kuyang Guard dito.”
“Talaga?!” tila nabuhayan ang nasa kabilang linya.
“Oo, sige na.”
“I love you, Shantel! Promise 'yan. ha? Susunduin ka namin ng kotse mga eight p.m. pero hindi kami paparada sa gate, okay? Kaya ikaw na lang ang maglakad ng kaunti. Bahala ka na kung ano ang maipapalusot mo sa guard nyo, okay?”
“Sige, Ritz. Ba-bye” ani Shantel na ibinaba na ang cellphone. Muli siyang tumihaya.
She sighs and looked at the ceiling. For the first time in her life, pupunta siya sa isang club. Nakakakaba, pero naki-usap si Ritz. Sigurado naman kasing hindi siya papayagan ng kanyang daddy at dommy dahil napaka-estrikto at conservative ng mga ito. Kaya lang ay hindi niya alam kung makaklusot talaga siya sa bantay. Overnight studies? Kahit siya ang bantay magdududa rin. Ah, bahala na.
“Elizabeth,” isang boses naman ang pumukaw sa pagmumuni-muni ni Shantel. Ang mommy niya iyon na pumasok sa kanyang kwarto. Gaya ng lagi niyang nakikita, nakasuot ito ng puting slacks, puting blazer at itim na pang-ilalim. Slicked back ang ayos ng mahabang buhok nito at may katamtamang make-up.
“My. Ikaw po pala,” agad napabangon si Shantel at humalik sa pisngi ng ina na kagagaling lang sa trabaho. Pwera sa pagiging Neurologist, Senior Chemist din ang kanyang mommy sa Anguiano Pharmaceutical Corporation. “Maaga po yata ang uwi nyo?”
“Maaga kaming natapos sa trabaho. By the way, at six o’clock tonight we’ll have a dinner with your grandparents here in our house. Kahit nakita ka na nila, excited pa rin sila,” anitong ngumiti ng tipid at inipit sa tainga ang tumabing niyang buhok sa mukha.
“Mamaya na po?!” gulantang niya. Patay! Nagyayaya pa namang gumimik si Ritz! Baka matagalan ang mga ito gaya noong dati?
Her Mom c****d her head on one side, as if silently asking what’s wrong. Tumaas pa nito ang isang kilay.
“Ah, Ganoon po ba? Sige opo,” bawi niya nang makita na medyo nagbago ang mukha nito. Sometimes… no… all the time, her mother was so unpredictable. Kaya nga kahit anim na buwan na siyang nakatira doon sa mansyon ay nai-ilang pa rin siyang makipag-usap dito minsan.
“Alam mo bang miss na miss ka na nila? Kung alam mo lang kung gaano sila ka-excited makatrabaho ka in the near future. Kapag nangyari ‘yun mapapadali ang innovation ng mga produkto ng Anguiano Corps.”
“Opo, Mommy,” pilit na lang siyang ngumiti. Bakit ganoon? Everytime na nag-uusap silang dalawa ng kanyang Mommy ay puro tungkol sa kumpanya nila ang madalas gusto nitong topic? Magdidinner silang magpapamilya, baka naman sa hapag ay ganoon nanaman ang topic nila gaya ng dati. Miss niya na rin ang kanyang papito at mamita, pero masyado ring perfectionist and dalawa like her parents. “Si Kuya Dale po ba, andito na po?”
“Don’t expect anything from your rebel brother, Shantel,“ Humalukipkip si Mrs. Emma. “Wala siya dito sa mansyon, kanina rin tinatawagan siya ng Daddy mo, pero hindi sumagot. I think he’s somewhere else with his rebel friends. So malamang tayo-tayo na lang sa dinner. Kaya magbihis ka ng maganda. Okay?” Pinisil siya nito sa baba pagkuwa’y lumabas na ng kwarto.
Natigilan si Shantel saka naupo sa gilid ng kama.
Shantel felt a twinge in her heart everytime she heard bad remarks about Dale. Kaya lang, minsan tama naman ang kanilang daddy at mommy. Paano ka gaganahan sa anak na nagrerebelde? Pero sa tingin niya, hindi naman todo ang pagrerebelde ni Dale, nagkataon lang talaga siguro dahil dumating pa siya sa buhay ng mga nito. Pero hindi siya susuko, kung ano ang natatamo niyang pagpupuri at pagmamahal sa kanya ng kanilang daddy at mommy ay dapat muling maipadama iyon kay Dale.
Halos isang oras nang nililibot ni Shantel ang kanilang mansyon pero hindi niya pa rin matagpuan si Dale, the dinner was about to start, sabi ni Nanay Medel ay nakita raw nito si Dale kanina sa garden. Iniisip niyang baka nagkasalisi lang sila kaya naisipan niya na bumalik sa second floor para puntahan ang kwarto nito. At swerte niya naman dahil lumabas si Dale ng kwarto nito.
“Dale! Sa wakas nakita rin kita, wala ka dyan sa kwarto mo kumatok ako kanina, saan ka ba nagpunta?"
“Na-miss mo ba ‘ko agad?” pagkuwa’y sabi nito.
Magsasalita na sana siya pero umurong ang kanyang dila. Para yata siyang matutunaw sa tingin nito, bakit ba kasi ang gwapo nito?! And yes, he’s right, she missed him kahit kahapon niya lang ito huling nakita sa library.
“Saan ka ba galing? Bakit hindi ka sumasagot nang tawagan ka ni Daddy?”
Mahinang tumawa si Dale at umiling. “Tumambay lang naman ako sa rooftop, hindi pa naman ako lumalabas. Pag balik ko sa kwarto may isang missed call si Daddy. Isang beses lang siya tumawag pero pinagalitan niya na ako kanina, at sinegundahan naman ni Mommy,” Kibit-balikat nito.
“Ah, ganoon ba? Hayaan mo na lang sila,” iyon lang ang nasabi niya.
Napatingin sa kanya si Dale at napailing. “Iyon naman talaga ang ginagawa ko.”
Nais ni Shantel na itanong kung ano ang ginagawa nito sa roof top, kaya lang baka magmukha siyang tsismosa. Sana naman ay huwag na nitong maisipang tumalon gaya noong dati. “Siya nga pala, may dinner tayo ngayon. Ang mabuti pa pumunta na tayo sa dining area, makakasalo natin sina Papito at Mamita.”
Natawa si Dale at unti-unting lumapit sa kanya, without taking his eyes of her. “You know what, my little sister? I don’t think I can make it.”
“Ha? B-bakit?”
“Mapapahiya lang ako sa kanila. Pariringgan na naman nila ako ng kung ano-ano. Kaya sa tingin ko, ikaw na lang ang pumunta doon, tutal ikaw naman ang totoo nilang apo.”
“Huwag mong sabihin ‘yan! Baka ikaw lang nag-iisip niyan,” sinimangutan niya ito.
Mui itong umiling. “Shan. Hindi mo kasi alam ang trato nila sa’kin.”
“Kuya Dale, Please? Kahit ngayon lang para kumpleto tayo sa hapag? Huling beses tayong nakumpleto, eh, noon unang kilala ko sa’yo sa restaurant,” pakiusap niya. Baka kasi kapag hindi pumunta si Dale ay mas lalong magalit hindi lang ang Daddy at Mommy nila, kundi na rin si Papito at Maminta. Isa pa, ayaw niyang kakain sila sa hapag tapos si Dale lang ang wala, ayaw niyang maramdaman nito na hindi ito belong sa pamilya.
Napabuntong-hininga si Dale. “Okay. Ano’ng oras nga ba ulit?”
Sumulyap siya sa wrist watch. “Actually, five minutes to six na. Ang mabuti pa sabay natayong pumunta?”
“If you insist,” Kibit-balikat nito. Nagdiwang ang puso ni Shantel, iyon naman talaga ang kailangan— ang suyuin si Dale para magkaroon muli ng pagkakataong maGbonding silang magpapamilya.
Eksakto a las sais ng gabi, nagsipag-datingan na sina Papito at Mamita at dumiretso na ng dining area ang mga ito. Ngunit si Dale ay hindi maipinta ang mukha.
“Akala ko ba sina Lolo at Lola lang ang pupunta dito, kasama rin pala sina Uncle at Auntie.” May bahid ng iritasyon ang boses ni Dale.
Mula sa pinto ng dining area ay tanaw nilang dalawa ang kanilang Daddy, Mommy, Papito, Mamita, Uncle at Auntie. At maging siya rin, hindi ine-expect na kasama ang dalawang huli, ang dalawa rin ang mga bunsong kapatid ng kanilang mommy.
“Ako rin, hindi ko ine-expect na pupunta sila,” aniya na medyo kinabahan. Paspas siyang nanalangin na sana ay maging maayos ang lahat. “Pero okay lang ‘yan. Pa’no tara na?”
Buntong-hininga ang isinagot ni Dale, kasunuran niya lang ito sa likuran. At nang makarating sila sa hapag, kanya-kanyang bati ang kanyang natanggap.
“Apo! Here you are, we miss you so much!” agad na lapit sa kanya ng kanyang mamita at halik sa pisngi. Lumapit din siya sa kanyang papito at nagbigay galang din siya sa kanyang uncle at auntie.
“Miss na miss rin kayo ng apo niyong iyan, hinahanap-hanap kayo,” sabi naman ni Mrs. Emma.
Tipid na ngumiti si Shantel. Yes, she missed her grandfather and grandmother. She loves them also, kaso ang mga ito ay pagka-genius niya ang mas mahal kaysa siya mismo. Nagbigay galang naman si Dale sa mga ito, tango lang ang natanggap bilang pagsagot.
“So, how’s the academic performance of the future CEO of Anguiano Pharmaceutical Corporation?” as usual tanong ng kanyang papito wala pa sa kalagitnaan ng kanilang dinner. Nakaupo ito sa gitna ng panlabing-dalawang upuan.
Natigil naman si Shantel sa pagsubo sa kinakain at nai-angat ang paningin. “P-po? Ah...” sabay tingin sa katabing si Dale. Nilalaro lang ng binatilyo ang pagkain sa pinggan nito. Walang ekspresyon ang mukha.
“Of course she continuously performs very well. Matalino kasi ang apo niyo,” mariing sabi naman ng kanyang mommy.
“Mukhang beyond excellence ata ang performance niya, noh?” segunda naman ng kanilang auntie.
Shantel felt completely uncomfortable of their conversation, especially when she looked at Dale. Hindi pa nito nagbabago ang expresyon ng mukha, pero alam niyang may something dito. Alam niyang hindi tama na pag-usapan nila iyon, lalo na’t narito si Dale.
“Balita ko running for first honor siya. Well, hindi na ako magtataka,” sabi naman ng kanyang uncle.
“Of course she is. Almost 98 straight ang kanyang mga grades sa report card,” muling sabi ng kanyang mommy.
“Bakit may almost pa? Hindi ba pwedeng lahat?” sabi ng kanilang uncle.
“Sa P.E. lang po siya hindi naka 90. Pero hindi naman po big deal ‘yun, ‘di ba? Nangunguna pa rin po siya sa klase,” si Dale ang sumagot. Bahagya namang nagulat si Shantel, pero kahit papaano ay natuwa siya. Para siyang dinepensahan nito.
“Sa bagay, sa P.E. rin ‘yung pinakamababang grades ko noong high school,” sabi ng kanilang uncle na natawa.
“How about you, Dale? Ano’ng bago sa’yo? How’s your performance in school?” muling sabi ng kanilang auntie. Tumigil ang lahat sa pagkain pwera kay Mr. Vlad.
Tumikhim muna ang binatilyo bago sumagot. “Just fine, not as excellent as Shantel, but doing well.”
“You know what, Dale? There’s no thing such as ‘just fine’ when it comes to the performance of Anguiano,” mariin namang sabi ng kanilang papito.
Ang mamita naman nila ay napahagalpak ng tawa. “Ano’ng ipinagtataka ko mo, Pa? Na ‘just fine’ lang ang kanyang mga grades?” Turo nito kay Dale.
“Ah, pwede po bang huwag nalang ‘yung mga grades ang pag-usapan natin? Masarap po ang mga pagkain, bakit hindi nalang tayo kumain?” agad na sabi ni Shantel, hoping that it would ease the tension that threating to burst any time. “Ah! Eto po, Mamita. Tikman niyo, hinda pa nababawasan mukha pa namang masarap,” sabay abot niya dito ng ulam na hindi niya alam kung ano ang tawag. Pakiusap, ‘wag naman ganito.
“What, apo? I’m just telling the truth,” hindi pinansin ng kanyang mamita ang ini-abot niya at seryoso itong tumingin kay Dale while he was obviously trying to control his temper. At nakita iyon si Shantel sa mukha ng binatilyo, his jaw was clenching, then to the bended fork he’s holding.
Muling nagsalita ang kanyang mamita. “Huwag kayong magtaka if he say’s that his grades was ‘just fine’ because after all, he’s not a real Anguiano.”
Nagulat si Shantel nang bigla nalang kumalabog ang upuan sa kanyang tabi, si Dale iyon na bigla na lang tumayo.
“I’m done, excuse me,” sabi pa nito at pa-aburidong isinalya ang tinidor sa pinggan saka umalis.
“Dale!” Napatayo si Shantel sa kinauupuan.
“Mama was right, hindi nga siya isang Anguiano. Just look at his manners. Wala siyang galang,” segunda ng kanyang auntie na itinuro ang nag-walk-out na binatilyo.
Tila biglang uminit ang mukha ni Shantel sa narinig. Ikinuyom niya ang mga palad at pinigilan niya ang sarili na sumagot.
“Shantel, where’re you going? You stay here,” kalmadong utos naman ng kanyang daddy nang mapansing aalis din siya. Pero hindi niya ito pinansin at umalis na ng tuluyan upang sundan si Dale. Ang mommy niya naman ay pinigilan rin ang galit na sumilay sa mukha, pero sumunod ito sa kanya na tinawag ang kanyang pangalan.
“Kuya Dale, sandali!” tawag ni Shantel sa binatilyo. Nakarating na sila sa sala.
Humarap naman ito sa kanya. “This is what you want, Shantel? Kaya mo ba ako gustong makasama sa dinner para mapahiya? Para ikaw ‘yung bida?”
Agad naman siyang lumapit dito at sana’y hahawakan sa braso pero umiwas ito. “Kuya Dale, hindi! Hindi ko naman—”
“Huwag mo akong matawag na kuya! I’m not your real brother, remember?”
Tila biglang piniga ang puso ni Shantel. Ayaw ba talaga siya nitong makasundo?
“Shan, sana sa mga nangyari, masaya ka na.”
“Ano’ng masaya? Ganyan ba talaga ang tingin mo sa’kin? Wala naman akong ibang gustong—”
“Elizabeth, Dale. Can you please go back to the dining room?!” untag naman ng kanilang mommy.
“Para ano? Para ipahiya niyo nanaman ako?”
Bumuntong-hininga naman ang kanilang mommy. “Hindi naman ikaw mapapahiya kung hindi totoo, Right? Hindi ka kasi gumaya sa kapatid mo.”
“Bullshit!” mura ni Dale.
Napaatras naman si Shantel sa narinig. It was the first time she heared her brother cursed!
“You’re bullshit, too!” agarang lapit ng kanilang mommy kay Dale at walang pasabing sinampal ito!
Bahagyang napasigaw si Shantel at naitakip ang dalawang palad sa kanyang bibig sa nasaksihan. Bakit ba kailangang umabot pa sa ganoon?
“Huwag kang magalit kung alam mong ikaw naman talaga ang may kasalanan! At pwede ba? Huwag mo ‘kong ma-bullshit dyan?! Bastos kang bata ka!” Turo nito sa mukha ni Dale.
“Yah, right. Si Shantel na lang lagi ang napupuri nyo,” puno ng hinanakit na sabi ni Dale.
“If you want to be praised too, magtino ka na! Now, let’s go back to the dining room. Kung ayaw mong bumalik doon bahala ka!” Tumalikod si Mrs. Emma at naglakad pabalik ng dining area.
“Dale...” nais niya sanang salatin ang pisngi nito, kaya lang ay baka umiwas na naman.
“You know what? You should go back there...” anitong puno ng hinanakit ang himig at tuluyan na ring umalis.
Gusto niya sana itong tawagin, kaso alam niyang hindi naman ito makikinig. Ayaw ni Shantel ng ganoong sitwasyon sa loob ng bahay. At naiipit siya sa sitwasyon ng kanyang magulang at ng lalaking mahalaga sa kanya.
THROUGH OUT the dinner ay parang walang naganap na sagutan dahil nagpatuloy sa pag-uusap ang pamilya ni Shantel. Everytime na may itatanong sa kanya ay pilit niyang sinasagot kahit ba parang pipiyok na siya, for the sake of her parents ay pinakisamahan niya ang mga taong nanlait kay Dale. Kung hindi ay gugustuhin niya na ring magwalk-out. She loved her whole family, kaya lang ay kahit saan anggulong tingnan ay mali ang mga ito. Naghinanakit din siya sa kanyang Daddy dahil hindi man lang nito nagawang ipagtanggol si Dale. Pagkatapos ng dinner ay hinatid na nila ang mga bisita sa gate. Pagkaalis ng mga ito ay agad siyang dumiretso sa kwarto. Naupo sa gilid ng kama saka umiyak.
Walang sinabing masama kay Shantel pero kay Dale mayroon. At dahil mahalaga sa kanya ang binatilyo ay nasaktan siya ng husto. Wala siyang ibang hiling kundi ang magkaroon ng isang masayang pamilya, pero mali siya dahil sa koneksyon lang ang salitang ‘pamilya’ sa kanila at wala ang essence doon. Mas mabuti pa si Lola Oning na kahit dalawa lang sila ay nabuhay sila ng masaya. Panigurado kung makilala nito si Dale ay matutuwa ito. But her lola Oning was gone, hindi niya tuloy maiwasang ikumpara ang matanda sa kanyang mamita, o hindi niya maiwasang ikumpara ito sa lahat ng tao doon sa loob ng malaki ngunit walang pagmamahal na mansyon.
Napakislot si Shantel nang mag-ring ang kanyang cellphone. Dinampot niya ito sa bedside table at sinagot. “Hello, Ritz?”
“Girl, on the way na kami dyan. Ano nakalabas ka na ng gate?”
Pinunas ni Shantel ang mga luha, tumayo at tumingin sa bintana kung saan tanaw ang main gate. Naroon ang kanilang security guard. “Ah, Ritz. Hindi pa pero hayaan mo, gagawa ako ng paraan.”
“That’s our girl! Sige, hintayin ka namin, ah?”
“Sige,” mabilis niyang sagot sabay baba ng cellphone. Definitely she will go with her friends wherever they want to go no matter what. Pagkatapos ng mga nangyari ay nakaramdam siya ng galit. Ngayon ay parang naramdaman niya na ang pakiramdam ni Dale, na kapag nasasaktan ay gustong magrebelde. Kinuha ni Shantel ang sling bag sa kanyang dresser bago lumabas ng kwarto.