CHAPTER TWO

2869 Words
JANUARY 2005   ABALA SI SHANTEL sa pagre-review para sa last quarter ng pasukan. Naroon siya sa sulok ng malaking library ng kanilang mansyon. Sa malawak na mesa ay naroon ang kanyang text books, notebooks, photo copies ng kung ano-ano, sirang laptop at iba pang references. Kunot-noo niyang pinagkukumpara ang nakasulat sa isang notebook at libro. As usual, seryoso siya sa pagre-review dahil kailangan niyang maging first honor katulad ng dati. Simula Kinder hanggang Second Year High School, laging nangunguna si Shantel sa klase. Para sa kanya, isahang turuan lang ng mga teacher niya ay nakukuha na niya agad ang mga tamang sagot. Math, Science, English to name a few ay napakadali lang sa para kanya, pero may isang subject siya na hindi gaano kataasan ang grades niya simula pa noong una, iyon ay walang iba kundi ang Physical Education na subject. Sa academics nakakakuha siya ng perfect scores pero pag actual na, parang nangungulelat siya. Magpahanggang ngayon ay tanging 90 lang ang nakukuha niyang grades sa subject na iyon. Kung tutuusin hindi niya na kailangang i-pressure ang sarili dahil lagi naman matataas na grades ang nakukuha niya, pero ngayong sa Saint Albertus Magnus Science High school na siya nag-aaral ay kailangan niyang pag-igihin pa dahil maraming matatalino. Para sa kanya ay okay lang naman na may mas higit dahil alam niyang sa mundong ito ay imposibleng walang mas lamang sa isa sa bawat tao, kaya lang ay kailangan niyang manguna dahil baka latigo na naman ang abutin niya sa kanyang mommy. Bumunga ng hangin si Shantel at inisod ang notebook at librong binabasa, saka sumandal sa upuan. Tinanggal niya ang suot na eyeglasses at kinamot ang mga mata, saka muling isinuot iyon. Unang pasukan ng last quarter ay sasabak na agad siya sa reporting sa Chemistry, may mga nauna na siyang kaklase na nag-report, sosyal ang mga visual na ginagamit ng mga ito gaya na lamang ng laptop at projector at sa Audio Visual Room pa, samantalang doon sa probinsiya nila kung saan nag-aral siya mula kindergarten hanggang second year high hchool ay manila paper lang ang ginagamit nila para sa reporting, kung minsan nga ay isinusulat na lang sa black board.  Sa kasalukuyang paaralang pinapasukan niya ay puro bago ang mga kagamitan. Sa una ay nahirapan siyang mag-adjust, pero madali rin naman siyang nagkaroon ng mga kaibagan. But Sometimes, no… all the time, she missed the Province life, but most of all she missed her lola Oning. Noong bata pa si Shantel ay wala siyang natatandaan tungkol sa tunay niyang mga magulang. Ang kinikilala niya lang na magulang ay ang kanyang lola Oning. At some point of her life she asked her where her parents were, at dahil ayaw namang magsinungaling ng matanda ay sinabi nito sa kanya ang totoo, na nakita siya nitong pagala-gala sa isang kalsada ng Maynila noong nasa tatlong taong gulang siya. The old woman was poor, but has a golden heart to care for her. Hanggang umuwi ito ng Samar kasama siya at doon na rin siya lumaki. Sa una ay mahirap tanggapin na hindi siya nito tunay na apo, pero kalaunan ay natanggap niya na rin. Sila lang dalawa ng lola Oning niya ang magkasamang namuhay, pinag-aral siya nito at binuhay sa pamamagitan ng paglalaba, pagiging on-call maid at pagtanim ng mga gulay sa bakuran na kung hindi nila uulamin ay ititinda sa palenke. Si Shantel naman simula elementary hanggang Sophomore year ay nagtitinda ng mga pagkain sa eskwelahan. Hanggang sa isang araw ay nagkasakit ang lola Oning niya at namatay ito. Sobrang lungkot ni Shantel noon, mag-isa na lang siya. Pero ang pagiging mag-isa niya ay hindi tumagal ng mahigit isang linggo, dahil eksaktong pagkalibing ng lola niya ay nabasa niya ang diary nito. Humihingi ito ng tawad sa Dios dahil basta na lang siyang inangkin nito bilang apo at naging makasarili. Sa mga huling pahina rin ng tala-arawan ng matanda ay nakasulat doon na nanawagan ito sa tunay niyang mga magulang sa pamamagitan ng isang radio station— na naroon sa Samar ang isang batang nawawala noon sa isang parke ng Maynila at may pambihirang dalawang balat na hugis puso na kulay pula sa may tagiliran, at si Shantel na nga iyon. Isang araw din ay may nagpakilala kay Shantel na isang Private Investigator na narinig daw ang panawagan ng matanda sa radyo. Sinabi nito na pinapahanap at pinapasundo na siya ng mga tunay niyang magulang sa Maynila. Nang makita nya sina Mr. And Mrs. Anguiano ay laking tuwa ng mga ito. They done DNA test, at nang makumpirang siya nga ang nawawalang anak ng mga ito ay agad-agad na siyang kinuha. Nawala raw siya bigla sa isang park nang parehong may tumawag sa mga ito at naging busy sa pakikipag-usap para matingnan siya. At dahil wala na rin ang kanyang lola Oning, pumayag na siyang sumama sa mga magulang niya. Kinuha nila ang lahat ng gamit niya at ng kanyang lola sa Samar bago lumipat ng tirahan. Nang makita niya rin ang bago niyang tutuluyan ay nalula siya sa laki ng mansyon. Ang yaman pala nina Mr. and Mrs. Anguiano dahil bukod sa Cardiologist at Neurologist and dalawa respectively, ang mga ito ay shareholders sa isa sa pinakasikat na Pharmaceutical Company sa bansa nag pag-aari ng kanyang Papito at Mamita— ang mga magulang ng kanyang ina. “Senyorita…” Nai-angat ni Shantel ang paningin nang may tumawag sa kanya. Si Yaya Medel iyon na Mayordoma ng mansyon, may dala itong isang tray ng pagkain. “Nanay Medel, ikaw po pala,” nginitian niya ang mayordoma na nasa sisenta anyos na. Supposedly she ought to call her ‘Yaya’ gaya ng sabi ng kanyang mommy. Pero mas gusto niya ito tawaging ‘Nanay’ dahil doon siya kumportable. Inisod ng Shantel ang mga gamit sa mesa sa isang tabi, saka ipinatong naman ni Nanay Medel ang dala-dala. Hindi niya alam kung ano iyong niluto ng cook, mukha kasing sosyal at tiyak masarap iyon. “Naku, sinusubsob mo nanaman ang sarili mo sa pag-aaral. Hindi mo na kailangan ‘yan, Senyorita.” “Si Nanay Medel naman, oh. Kapag wala si Mommy, tawagin mo na lang po akong Shantel.” “Elizabeth ayaw mo?” bahagya itong natawa. Umisod si Shantel sa tabi ng malawak na sofa na kinauupuan at tinapik ang tabi. “Maupo ho kayo, Nanay Medel. Magkwentuhan tayo.” Pinaunlakan naman ng mayordoma ang kanyang imbitasyon. Ayon sa mga magulang ni Shantel, Elizabeth daw talaga ang totoong pangalan niya. Lahat ng tao doon sa mansyon ay Shantel ang tawag sa kanya dahil pwera sa nakasanayan ay iyon ang gusto niyang pangalan. Pero nagagalit ang mommy niya kapag tinatawag siya sa ganoong pangalan. Kaya tuwing naroon ang kanyang mommy, Elizabeth ang tawag sa kanya, pwera na lang sa isang tao na kahit masampal pa ng mommy niya ay tinatawag siya nito sa pangalang nakasanayan niya— iyon ay walang iba kundi si Dale, ang nakatatanda niyang kapatid. “Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo, Shantel? Ang dami niyan, ah.” “Wala pong magagawa, kailangan pong mas lalo pang mag-aral, eh,” Umunat siya na parang pusa. “May tiwala ako sa’yo. Alam kong mangunguna at mangunguna ka sa klase niyo kahit hindi mo isubsob ang sarili mo sa pag-aaral. Hindi naman lagi kang nakikita ni Senyora Emma. Paminsan-minsan ay i-relax mo naman ang sarili mo. Maging ordinaryong bata ka naman kahit papaano,” himok ni Nanay Medel. Bumuntong-hininga si Shantel. “Noon po sa probinsya, sumasama-sama ako sa mga kaibigan ko namamasyal-masyal pero ‘yung lugar malapit lang sa bahay, madalas din po kaming mag-video-oke. Nakaka-miss nga po, eh.” Napangiti siya nang maalala. “Pero ngayon, iba na po. Kung si Lola Oning ay hindi masyadong mahigpit, sina Daddy at Mommy halos masakal na po ako. May mga kaibigan naman po ako ngayon sa eskwelahan, kaya lang kapag labasan na makikita ko na lang si Kuya Victorio sa labas ng gate, sinusundo na ako.” Inakbayan at inalo siya ni Nanay Medel nang bumakas sa mukha niya ang lungkot. “Ibang-iba na talaga ng mundo mo ngayon. Pero minsan, anak, i-relax mo naman ang sarili mo. Bakit hindi ka minsan sumama pag nagre-relax ang kuya mo?” “Po?” gulat niyang sabi. Sasama siyang mag-relax kay Dale? Eh, saan ba ito pumupunta? Sa mga trouble? Natawa si Nanay Medel sa kanyang reaksyon. “Kapag nire-release ang grades ni Dale, ako ang unang pinapakitaan niya ng report card. Noong Disyembre, ang pinakamataas niya pa ring grades ay sa computer—98. Iyong pinakamababa naman, kung mababa nga iyong maituturing ay 89—sa Physics. Easy-go-lucky lang ang kapatid mo pero tingnan mo ang grades niya. Matataas pa rin.” “Pero hindi proud sina Daddy at Mommy,” sagot niya. Magsasalita na sana si Nanay Medel pero hindi iyon natuloy. Ngumiti ito pero pilit lang dahil bumakas sa mukha ang biglang lungkot. “Ah, sige hija, may gagawin pa ako. Kainin mo na ‘yang merienda bago pa lumamig,” ani Nanay Medel na tumayo. “Ah, Nanay Medel?” tawag niya. “Ano ‘yun?” “Kapag nakita niyo po si Kuya Dale, pakisabi kung pwedeng makahiram ng laptop kasi ang bagal ng laptop ko hindi ako makagawa ng report. Hindi po kasi siya sumasagot nang kumakatok ako sa kwarto niya. Alam mo po ba kung na’san siya?” “Ah, hindi, eh. Pero hayaan mo, kapag nakita ko sasabihin ko agad.” “Salamat po,” aniya bago lumabas na ng library ang mayordoma.  Napatingin si Shantel sa merienda, tinitigan iyon ng matagal. Dale… Dale, whose moniker was ‘rebellious guy’, is her adoptive brother. Panganay ito sa kanya ng isang taon at sa pareho ring paaralan sila nag-aaral. Academically ay mataas nito ang grades, pero pagdating sa pagsunod sa magulang ay bagsak ito, pero intindido niya kung bakit ganoon na lang ang pagrerebelde nito at iyon ay dahil sa kanya. Simula kasi nang dumating si Shantel sa mansyon na iyon ay naramdaman niyang nagseselos ang kuya niya sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng kanilang daddy at mommy. Minsan din ay nakikita at nababalitaan niya ring nakikipag-away ito sa loob ng campus. He’s so aloof, he’s unpredictable, but Shantel believes that there’s a good on Dale. Sa anim na buwan niyang pananatili doon ay iwas ngunit pinapansin naman siya nito kahit papaano. Iyon nga lang ay kung kailangan lang talaga nilang mag-usap. Sa tingin niya kaya ganoon ay pwera sa selos nito sa kanya ay hindi rin kasi siya attractive dahil hindi naman talaga siya mahilig mag-ayos ng sarili, kuntento na kasi siya sa malinis at presentable na itsura, ni baby powder nga ay hindi siya naglalagay sa mukha.  Kung mayroon man mga babae sa eskwelahan ang iniiwasan si Dale ay mas marami yata ang lumalapit dito, at ang uri ng ganoong mga babae ay tulad din ng personalidad ng binatilyo— carefree, rebellious at easy-go-lucky, hindi katulad ng personalidad niya na malayung-malayo dito. It made her sad, because Dale was her secret desire, was the apple of her eye, and the reason why she always smile. Nagsimula iyon noong unang araw nang pasyahin niyang mag-tour sa loob ng Saint Albertus Magnus Science High School. Sa gate pa lang ay  may nam-bully na agad sa kanyang lalaki. Ano daw ang gagawin ng isang miss Tapia na tuod doon sa loob ng SAMHS? Siya lang kasi yata ang mukhang napag-iwanan ng panahon dahil sa simpleng damit at itsura niyang hindi kaakit-akit. Pero nagkataong naroon si Dale at kahit hindi pa siya nito kilala ay ipinagtanggol siya. "Huwag ka ngang bastos! Wala kang galang sa babae’, maghanap ka ng katapat mo," Those words are powerful enough to make the coward run away, samahan pa ng tila nakakasugat na tingin ni Dale. The first time she laid her eyes on him made her heart skip for a second.  Nagpasalamat siya noon kay Dale, tango lang ang isinagot ng binatilyo at umalis na kasama ang mga kaibigan nito. The second time she saw him was he was on the rooftop. Nagdiwang ang kanyang puso muli niya itong makita. Pero natakot siya nang tangkain nitong tumalon kaya hinila niya ito mula sa rooftop. Obviously nabwisit ito sa kanya, kaya nang tangkain niyang makipagkaibigan ay ininis siya nito, but she’s thankful to him somehow. And the third time she saw him was on a fine dining restaurant. At nang malaman niya kung kung ano ang koneksyon nito sa kanya ay hindi niya alam kung ano ang kailangan niyang maramdaman. Whether she should be happy because she will able to see him everyday and because he was her older brother or be very sad because Dale was... well, she knows that it was forbidden, but Dale was happened to be his crush. God knows kung ano pinagaggawa niya, mapigilan lang ang bawal na pag-ibig na umuusbong sa kanyang puso. But her young heart betrays her everytime she saw him. Her attraction to him turns to admiration, and as time passed by, that admiration turns to love. She loves Dale. “Ah! Shantel! Itigil  mo ‘yang iniisip mo!” aniyang umiling-iling at sinampal-sampal ng dalawang kamay niya ang sariling mukha. Disgusting— siguradong iyon ang iisipin ng mga tao sa kanila. “Shan?” “Ha?!” agad na gulantang ni Shantel. “Dale! I mean— Kuya Dale,” whatever she calls him he doesn’t care. Ba’t hindi niya namalayang sumulpot ito bigla sa harap niya? Kunot-noong pinagmasdan niya ito, may dala itong laptop. “Manghihiram ka raw ng laptop sabi ni Yaya Medel?” “Ah,” she looked at the laptop he’s holding, then at Dale. “K-kung pwede lang naman. Sira na kasi yata itong laptop ko, eh. Okay lang ba sa’yo? Hindi mo ba gagamitin?” Umiling si Dale at naglakad patungo sa kanya saka siya nito tinabihan. Hindi makagalaw sa pwesto niya si Shantel. Nagkadikit kasi ang mga braso at hita nila, at noon lang siya tinabihan ng binatilyo na ganoon kalapit. Palihim na nagdiwang ang kanyang puso. Kailangan pa lang magkaroon ng diperensya ng kanyang laptop bago sila nito magkausap at magkatabi. Binuksan ni Dale ang laptop at inisod sa kanya. “Heto, gamitin mo na.” “A-asan ‘yung Microsoft word mo dito?” agad niyang tanong sabay ang kagat ng pang-ibabang labi. Ba’t ‘di ba niya hanapin? “May reporting ka’yo?” anito na tumingin sa kanya. Tumango si Shantel nang hindi tumitingin dito. She can’t look at him like this close. Naaamoy niya rin ang pabango nitong bench/. “Ba’t di ka na lang mag power point?” “Ahm, ano…” what the hell! Ba’t siya natatameme? “Uy,” “Ah!” agad siyang napatingin dito. Tinitigan at pinaningkitan siya ng mga mata ni Dale dahilan ng pamumula ng kanyang pisngi. Napayuko siya pero hindi niya inalis ang tingin dito. Napakatalas naman ng tingin ng lalaking ito kahit hindi galit. Kaya siguro nahuhusgahang rebelde dahil isa na roon ang dahilan ng pagkakaroon ng dark at snob feautures nito. He has sharp thick eyebrows that perfectly match to his sharp brown eyes and messy hair. He has a crooked nose and a strong jaw, everything was in perfect place. But despite his intimidating look, she finds him very handsome. Umiling si Dale at mas lalong umisod sa tabi niya dahilan ng halos hindi niya paghinga at dahil sa ginawa nito, mas lalong nagkalapit ang kanilang mga katawan. Mukhang hindi rin sinadyang ilagay ang kamay nito sa kanyang likod. Napalunok si Shantel ng tatlong beses at sana ay hindi nito narinig. Damang-dama niya kasi ang init ng katawan nito. Gamit ang isang kamay, mabilis na tumipa si Dale sa keyboard. Agad lumitaw sa monitor ang ang ‘Microsoft Power Point’, sumunod naman ang ‘Microsoft Word’. “Pili ka na lang sa dalawa kung ano ang gusto mo pero kung ako sa’yo, mag-power point ka. Although malamang laging mataas ang nakukuha mong grades sa reporting, mas magugustuhan ng mga teacher kung sa Audio Visual Room mo ipe-present.” “Ah, ga’nun ba? Oh, sige. ‘yan na lang. Suggestion mo, eh,” anyang pilit na tinipid ang pag ngiti dahil sa totoo lang ay baka makahalata ito kapag nilawakan niya. “Ano ba ang deperensya ng laptop mo?” ibinalin ni Dale ang atensyon sa laptop niya at binuksan iyon. “Hindi ko nga alam eh, alam mo namang hindi ako expert pagdating dyan. Wala pa kasi akong pahanong ipa-ayos. Basta kapag binubuksan ko ang bagal tapos may kusang tab na nagbubukas hindi ko naman alam kung ano ‘yun kasi blangko. Tapos papatayin ko na lang,” Hindi umimik si Dale, kunot-noo nitong kinakalkal ang laptop niya. “Kuya, gusto mong mag-merienda? Kainin mo na ‘yan, oh,” Turo ni Shantel sa pagkain. “Busog ako,” simpleng sagot nito, hindi pa rin inaalis ang tingin sa monitor ng laptop. Umiling si Shantel. Gusto niya lang naman magsimula ng maayos na konbersasyon kasama si Dale, anim na buwan na kasi ang nakakaraan pero hindi pa sila nakapag-usap ng casual, ni kumustahan hindi kahit ngayong magkatabi lang sila. Ibinalin na lang ni Shantel ang atensyon sa paggawa ng report. ‘Yun nga lang hindi siya makapag-concentrate ng maayos dahil sa pagkakatabi nilang dalawa. “Shantel…” maya maya ay nagsalita si Dale, pabagsak itong sumandal sa sofa at tila galit na nagpakawala ng hangin. “Bakit?” takang tanong naman niya. “Sino ang huling gumamit nitong laptop mo?” Saglit na nag-isip si Shantel. “Last week pa, si Rocco hiniram ‘yan. Pagkatapos noon, nabubuksan ko pero hindi na gumagana ng maayos eh.” Huminga ng malalim si Dale at nahampas ng kamay ang mesa. Itinalikod nito ang laptop mula sa kanya. “Kuya, bakit?” taka niyang tanong. Kinagat ni Dale ang pang-ibabang labi at muling bumuntong-hininga at nagtagis ang bagang. Muli itong tumipa sa laptop. “Sa susunod, ‘wag na ‘wag kang magpapahiram ng laptop mo kahit kanino. O kahit ano’ng personal na gamit mo,” anitong tumayo at paaburidong tiniklop ang laptop niya. Napanganga si Shantel. “Kuya, bakit ano bang mayroon?” “Akin na muna ‘tong laptop mo, ibabalik ko na lang kapag maayos na,” sabi nito sabay kuha ng kanyang laptop at mabilis na lumabas ng library. Iniwan naman siya nitong nagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD