Chapter 27 "Wait, Fera," tawag ko at hinawakan siya sa braso. Nagtatawanan ang mga kaibigan ko habang paalis na kami ng Chevon. Hinila ko lang itong si Fera dahil may gusto akong sabihin sa kanya. "Uy, ano 'yon?" Nakita kong lumingon sa amin si Loke at nagtaas ng kilay. Hinila ko pa sa braso si Fera palayo roon. Baka kasi sumunod 'tong si Loke, e. Nakakairita pa naman kapag nakikita ko silang nagtitinginan ni Fera. "Can I borrow your phone?" "Ha? Kaloka, sis. Manghihiram ka lang pala ng phone—" "Ano, saka..." Uminit ang pisngi ko at yumuko. She giggled. "Hey, may boyfriend ka na! Don't tell me..." she trailed off. Nanlaki ang mata ko at agad umiling. Ano ba 'yan. Tingin niya ba ay may gusto pa ako sa kanya? Wala na, ah. I just need her help! "Hindi 'yon, Fera. Kasi... ano, e... m

