Chapter 28 "Jai..." Nandito pa rin kami sa sofa pero iba na ang puwesto namin. Ako na ang nakaupo at nakahiga siya sa akin, ginagamit ang hita ko bilang unan. Sinusuklay ko lang ang buhok niya at paminsan-minsan, minamasahe ko ang pisngi niya. Nakapikit pa rin ang mata niya at nakahalukipkip kahit nakahiga. Ano ba naman 'tong lalaking 'to. Wala man lang ekspresyon ang mukha. "Hmm?" "Pahawak naman ng abs mo," I said and giggled. Joke lang 'yon pero nagulat ako nang dumilat siya at kinuha ang kanang kamay ko. Tinaas niya ang laylayan ng damit niya at ipinatong ang kamay ko sa abs niya. Naramdaman ko agad ang init at tigas nito kaya tinanggal ko ang kamay roon. Ngumisi siya. "Oh? Sabi mo pahawak tapos ngayong pinapahawak..." "Nagbibiro lang ako. Nakakainis ka!" "Bakit? Ayaw mo hawaka

