Chapter 29 "Hindi mo ba nagustuhan?" marahang tanong niya. Umupo ako at pinagmasdan iyon. Malungkot akong ngumiti. "I love it..." I looked at him. "Thank you. Happy... monthsary. I thought you wouldn't remember." He looked fresh from the bath. Nakalugay pa ang kanyang buhok at nakasuklay palikod. Ngumiti siya at lumapit sa akin bago ako niyakap. "Pasensiya ka na kung pumasok ako rito nang hindi nagpapaalam." Tumikhim ako para mawala ang nakabara sa lalamunan. "Okay lang. Sanay naman akong nilalabag mo ang house rules." Umalis siya kagabi, hindi ba? Usapan namin, kapag may ibang pupuntahan bukod sa school at trabaho, dapat alam namin. I told him I would be late and I'd be with Fera. E siya? "I'm sorry..." He kissed my cheeks. Sorry? Saan? Sa paglabag sa house rules o sa ibang ba

