Chapter 30 "Happy second monthsary," bati ni Jairo at inilahad sa akin ang maliit na box. Ang sabi ko, break na kami. Naghiwalay na nga kami pero hindi ko sinabing aalis ako ng apartment. Kailangan ko munang makausap si Donatella para humingi ng tulong sa kanya. Bandang huli, sa kanya pa rin talaga ako babalik. Ang kaso ay hindi ko siya mahagilap ngayong kailangan ko ang tulong niya. "Nag-break na tayo, 'di ba? Bakit may ganyan pa?" Bumuntong hininga siya sa tabi ko. Umirap ako at inayos ang gamit. Today's the day we're going to perform our cheer for finals. Pareho kaming nakabihis na at handa nang pumasok sa school. Sabay pa rin naman kaming pumapasok. Hindi ko nga lang siya pinapansin sa school kasi nga, break na kami. Napansin iyon ng mga kaibigan ko hanggang sa unti-unting kumalat

