Chapter 23
Umayos ako ng upo sa tapat ng PC ni Jairo nang makita ko siyang bumaba sa hagdan. Naka-checkered polo at dark pants siya habang nakatali ang buhok. Kahit medyo malayo ay amoy ko na agad ang pabango niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin at lumapit. Tumingin muna siya sa screen bago ako tiningnan ulit.
"Trabaho lang. Hindi ka pa tapos diyan? Matulog ka na. Ako na lang ang tatapos niyan pag-uwi ko," he said as he kissed the top of my head.
Lumabi ako sa kanya. "Report ko 'to kaya ako ang tatapos. Saka..." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Bukas ka naman na ulit darating."
I faced the screen again and typed in with shoulders a bit slouched. Dalawang linggo na lang, tapos na ang kontrata niya. Yes, I'm counting off the days left. Ang hirap pala magkaroon ng boyfriend tapos parang mas madalas at matagal pa silang magkasama ng kliyente niya.
Nakailang date na nga ba kami? Ah, dalawa yata. The first one, I enjoyed it. Really. The second one, he had to leave me alone while we were watching some movie again. Tumawag ba naman sa kalagitnaan ng panonood namin iyong kliyente niya raw at sinabing importante ang pupuntahan nila?
Okay, I get it. His job description is to company his client. Kaya bawal dapat mag-jowa muna kasi priority ang trabaho. That means, for now, I am not his priority. Okay lang. I understand.
"Maaga ako uuwi," aniya at bumuntong hininga.
Tumango ako at hindi na siya nilingon. Maaga o mag-uumaga?
"Alis ka na. Baka hinihintay ka na ng kliyente mo," I told him bitterly.
"Babe..." tawag niya sabay kuha sa kamay kong nagta-type. "Matulog ka na. Uuwi ako agad, okay? Ako na ang tatapos niyan."
I took a deep sigh and looked at him. Mapungay ang mata niya habang nakayuko sa gilid ko.
"Okay. Matutulog na ako kapag umalis ka na. I'll just save this... itutuloy ko na lang bukas."
Walang bakas ng ngiti sa kanyang mukha. Ngumiti ako at pinisil siya sa pisngi.
"Okay..." he murmured.
After he left, I stood up from the chair. Natutulog na si Susie sa may kuwarto ko kanina noong iwan ko siya roon kaya walang magulo at maingay.
Dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. Inubos ko muna iyon bago bumalik sa ginagawa ko. Hindi ko puwedeng hindi tapusin ito dahil bukas agad ang report ko. Suwerte kasi, naging pangalawa pa sa reporter.
Mabuti nga at may PC na akong nagagamit. Noon, kailangan ko pang mag-comshop o 'di kaya ay manghiram ng laptop sa mga kaibigan ko.
Nag-indian sit ako sa monoblock at minasahe ang batok. Kinailangan pang maghanap ng video na related sa report. Hindi raw puwedeng wala. Tapos gusto pang may kumpletong hard copy ng buong report.
Mabilis ang pagtipa at bura ko sa mga sinusulat nang biglang nag-black ang screen ng PC at namatay ang ilaw sa buong bahay. Napatayo ako agad at natisod sa paanan ng computer table. I winced and cursed.
Ang malas! Uulitin ko lahat? Hindi pa naman na-save iyon, e, patapos pa naman na. Parang gusto ko na lang maiyak.
Nangangapa pa ako sa dilim para hanapin ang phone ko na nasa coffee table. Binuksan ko agad ang flashlight at umakyat na sa kuwarto. Hinanap ko ang pangalan ni Jai sa inbox at agad nagtipa ng message.
To: Bebe Jai
Nag-brown out! Huhu my files aren't saved yet :(
From: Bebe Jai
What? Check ko files maya pag-uwi ko. Sana magkaroon agad ng kuryente. Matulog ka na. Ako na bahala mamaya.
To: Bebe Jai
Okay. :(
From: Bebe Jai
Wag na malungkot. Ako bahala maya. Good night, bebe. Huwag ka na mag-reply at baka di na tayo matapos.
Nag-alarm ako ng mga bandang alas dos para i-check kung magkakailaw na sa mga oras na 'yon. Nagpalit na ako ng maluwang na shirt at cycling bago dumiretso sa kama. Thanks to my phone, I still have source of light.
Para akong pumikit tapos dumilat bigla. Kaya lang, pagtingin ko sa orasan ng phone, nagulantang ako nang makitang alas sinco na!
I noticed that I was covered with blanket. May hangin na rin na tingin ko ay mula sa electric fan. Anong oras kaya nagkaroon ng kuryente?
Tinali ko ang aking buhok at bumaba agad. Nakita ko si Jairo sa tapat ng PC, naka-topless at nakalugay ang buhok. Nakahawak ang isang kamay sa baba habang ang isa ay nasa mouse. Dalawang beses siyang napalingon sa akin bago niya pinatay nang tuluyan ang computer.
Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanya. "My alarm was turned off. Anong oras ka dumating?"
Tumayo siya at may tinanggal sa CPU. Inabot niya sa akin ang isang itim na flashdrive.
"I already saved there your powerpoint and soft copy of your report. Hanapin mo na lang sa files na may pangalan mo."
"Anong oras ka dumating? You should sleep now..."
"Mga alas dos. Narinig ko ang alarm mo kaya ako na ang nagpatay."
I frowned. "Bakit ka pumasok sa kuwarto ko?"
Ngumisi siya bago dinampot ang damit na nakasampay sa monoblock.
"Akala ko ay gising ka. Rinig na rinig kong tinatawag mo ako tapos pinapapatay mo ang alarm." Humalakhak siya at nilagpasan ako.
Uminit ang pisngi ko. Umakyat na siya sa itaas kaya hindi ko na hinabol pa ng mga tanong. Kumilos na lang ako agad para hindi ma-late sa trabaho. Baka magalit na naman si Manager.
I knocked on his door when I'm done. Bumukas naman agad iyon at naabutang nakasuot na lang siya ng boxers. Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin.
"Uhm... alis na ako. Salamat dito," sabi ko at pinakita ang flashdrive.
He pulled my hand and kissed my forehead. Napapikit ako nang maramdaman ang nagkakarerang kabayo sa dibdib ko.
"You're welcome... Ingat. Sunduin kita mamaya." Ngumiti siya at bahagyang ginulo ang buhok ko.
Tumango ako at ngumisi.
Pagdating ko sa CB, kumuha agad ako ng tinapay at nagpatimpla ng kape kay Luhan. Ngumiti ako sa kanya nang makitang titig na titig siya sa akin.
"Pa-late ka nang pa-late ng dating, Kyo," puna niya. "Suotin mo na ang cap at apron mo. Makita ka pa ni Manager, magalit ulit 'yon."
I stuck out my lower lip. Pumasok ako sa staff room at nag-ayos. Nandito na rin ang ibang kasama namin at napatingin pa talaga sa akin noong pumasok ako.
"Kyomi, punta ka raw agad sa office ni Manager kapag dumating ka," ani Klint.
"Huh? Bakit na naman?"
He laughed and shrugged his shoulders. "Aba malay ko? Baka may kasalanan ka?"
Nanlaki agad ang mata ko. "Huy, wala akong ginawa, ah!"
Pinagtawanan ako ng mga kasamahan ko sa pagiging defensive. Bumuntong hininga ako at dumiretso na lang din doon. Pagbungad pa lang ng lukot na mukha ni Manager, bumagsak na ang balikat ko.
Another sermon?
"You're late, Kyomi," anunsiyo niya.
Tiningnan ko ang oras sa aking relo. Quarter to six pa lang. Six naman ang bukas at iyon talaga ang oras namin pero... siguro ay late na sa kanya iyon.
"Bakit niyo po ako pinapatawag, Manager?"
Humalukipkip siya at sumandal sa kanyang trono. "Dalawa ang wala mamaya sa graveyard shift. Gusto kong mag-overtime ka mamaya."
Nagkatinginan kami. Seryoso at walang emosyon ang kanyang mukha. Marahan akong tumango.
"Okay po. Iyon lang po ba?" I asked politely.
He nodded. "Yes. You may now go back to work."
Iritable akong lumabas doon. Bakit ganoon siya bigla? Ang suplado, istrikto at parang pasan na ang buong mundo! Hindi kaya nasapian na siya ng masamang espiritu? Hindi ako sanay, e. Parang ibang tao na ang boss namin.
Tulad nang madalas na mangyari, sinundo ako ni Jai matapos ang duty ko at sabay kaming pumasok. He kept on holding my hands even if it was already sweaty. Lumabi ako at tiningala siya bago dahan-dahang hinila ang kamay sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Pawis na ang kamay ko. Saka nandito na tayo sa school."
Sinundan ko siya ng tingin nang lumipat sa tabi ko. He grabbed my other hand and pulled me.
"Puwede na? Tara na, kain muna tayo lunch."
Pagpasok pa lang namin ay marami na ang nakatingin. Bumuntong hininga ako. May mga kakilala akong bumabati sa akin tapos ay napapatingin at ngingiti kay Jairo.
"Uy, kayo na talaga?"
"Hindi man lang nakaporma 'tong tropa namin sa 'yo, Kyo," tumawa ang isang lalaking kakilala.
Humigpit ang hawak sa akin ni Jairo. Tiningala ko siya at nakitang nakaigting ang kanyang panga.
"Papogi ka muna bago pumorma," ani Jairo at hinila na ako paalis doon.
Yabang! Pogi naman 'yong kakilala ko, ah?
Dumiretso kami sa Chevon kung saan kami madalas kumain ng mga kaibigan ko. Nandoon na ang lahat maliban kay Fera. Umangat ng tingin si Loke at nagkatinginan kami.
"Hanap ka na ng puwesto natin. Ako na ang bibili ng pagkain," ani Jairo.
Tumango ako sa kanya bago naglakad patungo sa table ng mga kaibigan. Kumakain silang lahat pero nagdadaldalan.
"Oh, saan ang syota mo?" nakasimangot na bungad ni Orange.
"Uh, bumili ng pagkain..."
"Huwag na kayo rito, ha? Baka langgamin kami. Naku, allergic pa naman ako sa may jowa," ani Ariana.
"Wews. Ikaw nga 'tong daming jowa!" si Johnny na agad nabatukan.
"Huwag ka ngang epalogs! Kumain ka na riyan!"
Tumingin ako kay Loke. Tahimik lang siya.
"Si Fera?" I asked them.
"Ah, wala pa," si Risca ang sumagot habang ngumunguya. "Oy, may report ka na?"
Tumango ako. "Sige, hanap lang ako ng ibang table."
Nag-angat ng tingin si Loke at ngumisi. Tumawa si Renz at may binulong kay Johnny. Sumimangot ako sa kanila bago nagpaalam at naghanap na ng bakanteng puwesto.
Ever since they knew about my relationship with Jairo, I felt the thin wall they probably built between us. Hindi na kami masyadong nagkakasama... o baka ako lang? Fera's always out of the group, too. May... manliligaw na. Si Loke, ewan ko. Hindi na kami masyadong nag-uusap. Hindi nga namin alam kung anong nangyari matapos ang ginawa niyang paghila kay Fera palabas ng KTV room namin last time.
"Anong gusto mong ulam mamaya?" tanong ni Jairo pagkalapag niya ng tray sa mesa.
"Uh, pinag-o-overtime ako ni Manager sa CB mamaya kaya baka 'di ako kakain sa bahay."
"Overtime? Ulit?"
"Wala 'yong dalawa, e. Ayos lang naman." I shrugged my shoulders.
"Ayos lang sa 'yo? Tingnan mo nga 'yang mata mo, ang laki ng eyebags. Para kang panda. Pumapayat na rin ang pisngi mo sa puyat at trabaho."
Suminghap ako at sinamaan siya ng tingin. Bakit ba tuwing may pinupuna siya, dinadamay lagi ang pisngi ko? Napahawak tuloy ako rito saka pinisil-pisil.
"Hoy, 'di naman pumapayat!" I pouted.
Sumimangot ako lalo nang lagyan niya pa ng kanin ang plato ko. Dinagdagan niya rin ng gulay na agad ko namang nilagay sa gilid ng plato. Matalim niya akong tiningnan.
"Kainin mo 'yan o kakainin kita?" he threatened.
Naglaro ang ngisi sa mga labi ko. Talaga? Kapag 'di ko 'to kinain, kakainin niya ako? Puwede ba 'yon? Cannibalism?
"Paano 'yan, ayaw ko nga niyan? Sige nga, kainin mo ako!"
Napaubo siya at agad napainom sa bottled water na binili. He looked around and so did I. Kumunot ang noo ko nang makitang nakatingin ang ilang estudyanteng malapit sa amin. Nakarinig pa ako ng tawa mula sa table ng tropa ko.
Salubong ang kilay ni Jairo nang tingnan ulit ako. "Kumain ka na nga. Ingay mo talaga."
"Huh? Bakit? Sabi mo ay kakainin mo ako kapag 'di ko kina—" Sinalpakan niya agad ako ng isang kutsarang puno ng kanin at ulam sa bibig.
I closed my mouth and chewed the food. Humalakhak si Jairo at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya.
"Kalat mo talaga, babae." Umiling siya habang ngumingisi bago sumubo ng kanin.
"Bilisan na nga natin. Manghihiram muna ako ng laptop pagtapos nito para ma-check ko 'yong report ko."
He nodded. "Kung may problema, text mo agad ako. Pang-ilang subject mo ba 'yan?"
"Third. After ng break sa P.E."
Tumango siya at binuksan ang isang bottled water bago inabot sa akin.
Sumabay ako kina Orange papunta ng room. Buti pa ang mga ito, next week pa ang report. Ako lang itong napaaga. Nang nakita ko ang isang classmate na gumagamit ng laptop ay lumapit agad ako at naupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Kelsey, puwedeng makihiram ng laptop saglit? Check ko lang 'tong report na ginawa ko."
"Ah, sige. Teka."
Hinarap niya sa akin ang laptop kaya sinuksok ko na ang flashdrive doon. Napangiti ako nang makita nga roon ang gawa ni Jairo. Mas maganda pa ang ppt niya kaysa roon sa ginawa ko. Nasa file rin na iyon ang video na mabuti na lang ay na-download ko kaya na-save sa mismong computer. Galing niya maghanap, ah?
I connected my phone on her laptop and copied my report on it. Re-review-hin ko na lang 'to ulit habang wala pa ang ibang guro namin.
"Thanks, Kels!"
"Sure, no problem."
Pumunta ako sa upuan ko at binasa na ang report. Na-distract lang ako agad nang may naghiyawan sa labas ng room. Lumingon ako agad sa kung anong dahilan nito.
"Anong meron? Ano?" tanong ng ibang kaklase ko.
"Uy, si Fera 'yan, ah? Nice one!"
Nakita kong nagsitayuan din ang mga kaibigan ko kaya gumaya rin ako. Sumilip din ako sa labas kung saan may nagkakagulo. Doon ko nakita si Fera. Sa harapan niya ay si Arvin, iyong Grade 12 na varsity player at crush niya noon, nakaluhod ang isang tuhod sa harapan niya at may hawak ng pumpon ng bulaklak.
Sa likod ay ilang estudyante na may hawak na banner. Tinulak ko pa ang isang kaklase kong nakaharang para lang mabasa ang nakasulat doon.
"Yes na 'yan! Ayie! Go, Arvin! Guwapo mo!" tili ng ilan.
When I saw Fera nodded her head, the crowd almost went ballistic. Bumagsak ang balikat ko at agad na bumalik sa puwesto.
Ano 'yon? Sinagot niya na talaga si Arvin? Akala ko ba ay gusto niya si Loke? Oo at marami siyang gusto pero... ang buong akala ko ay kay Loke pa rin ang bagsak niya.
I bit my lip and looked around to find Loke. Kinakausap siya ng iba pero nakatulala lang siya at pinaglalaruan ang mga labi. Lumingon sa akin si Ariana at napailing.
Nagulat ako nang magtakbuhan ang mga kaklase ko papasok at halos magtulakan pa sa kamamadali.
"Kingina talaga kayo! Bilisan niyo at nandiyan na si Ma'am!"
Halos huling pumasok si Fera na dala ang bulaklak at kung ano pa. Nakangisi siyang umupo sa tabi ko bago ako nilingon. Binuksan niya ang isang box na may lamang chocolate at nilahad iyon sa akin.
"Kyo, gusto mo?"
Kumuha ako ng isa at agad kinain. Okay. Ang sarap at ang tamis. Kumuha ulit ako.
"Oy, Fera, pahingi rin!"
"Sshh! Mamaya na nga kayo mag-ingay!" si Loren ulit.
Tumawa si Fera at naglahad kay Loren. "Pres, oh! Kuha ka na dali. Pampakalma."
I want to talk to her about what happened but what will I say? Dapat hindi niya sinagot si Arvin? E, kumain na nga ako ng chocos na bigay niya. Nakakainis naman. Naalala ko kasi si Hazel sa mga matatamis na 'yan.
Tinago ni Fera ang mga dala sa ilalim ng kanyang desk nang dumating ang unang guro. Parang wala nga lang sa kanya na naipit ang bulaklak doon.
"May extra shirt ka? May PE tayo mamaya after nito, ha," bulong niya sa akin.
Nanlaki nang bahagya ang mata ko. "Seryoso? May sinabi ba?"
"Oo? Ay gaga ka. 'Di bale, dalawang shirt naman lagi ang dala ko."
"But I don't have my jogging pants here."
Napakamot pa ako sa ulo. Mabui na lang at may sneakers ako. Mas okay na 'yon kaysa black shoes.
"Hay naku. May shorts ako. Hiram ka na lang? Sabihin ko na lang kay Sir. Ako ang bahala." Kumindat siya sa akin at ngumisi.
Perks of being close with the faculty. Dapat talaga may isa sa squad ang malapit o may koneksyon sa faculty para sa advantage tulad nito. Kaya lang... hindi ako nagsusuot ng shorts dito. Laging palda na abot tuhod na o 'di kaya ay jogging pants kapag PE.
Hindi ko na tuloy alam kung saan ako kakabahan. Sa P.E ba o sa report? Nang matapos ang unang subject ay agad tumayo si Fera.
"O, evacuate na! Palit na lahat ng PE uniform tapos diretso na sa gym. Nag-text sa akin si Sir. Kasama natin 'yong HUMSS-A na mga mandaraya."
HUMSS-A? Section 'yon ni Jairo, ah?
Ngumisi agad ako nang maisip iyon. Magkikita kami ngayong oras! Sa sobrang excited ko, ako pa ang kumaladkad kay Fera papunta ng banyo.