Chapter 24 "Ano ba 'yan, bold? Bakit ang ikli niyan? " reklamo ni Risca nang makita ang suot kong shorts. May kasama kaming ibang kaklase na nagbibihis din dito. Uminit ang pisngi ko nang walang pakundangan silang nagtatanggal na ng damit kahit wala sa loob ng cubicle dahil punuan na. Tumawa si Ariana na nagsusuot ng jogging pants. "Tanga. Bold kapag walang damit. E, may suot naman 'yan! Saka, hoy, Fera! Nagpaalam kang puwede magganyan si Kyo?" "Oo nga, ang kulit, e!" "E, kung mag-short na lang din ako?" Tumawa ulit si Ariana. Hinila ni Orange ang buhok niya. "Gaga ka! Huwag mo nang subukan! Ipagyayabang mo lang legs mo, e." Masama pa rin ang tingin ni Risca sa suot ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nilapitan si Fera para magpatali ng buhok. "Ay, wow. May patali ng buhok? Ako m

