TUMUTOK ang atensiyon nila Valeen sa pinto ng kinaroroonan nilang dressing room ng makarinig sila ng mahinang katok na nanggagaling sa labas. Mayamaya ay bumukas ang pinto at tumambad sa kanila si Tim na may hawak na isang bugkos na bulaklak. Tumutok naman ang atensiyon nila sa hawak nito. Hindi din niya napigilan ang mapakunot nang noo habang nakatitig siya sa hawak nitong bulaklak. Nasa BMF silang tatlo dahil pinatawag sila ng management dahil gusto silang makausap ng mga ito. At habang hindi pa sila kinakausap at nagku-kwentuhan mo na sila sa dressing room. “Miss Valeen," tawag nito sa pangalan niya. Inalis naman niya ang tingin sa hawak nitong bulaklak at nag-angat siya ng tingin patungo sa mukha nito. “Yes?” wika niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Sa halip naman na s

