Chapter 49

1299 Words

NANG masigurong wala nang nakalimutan si Valeen ay binitbit na niya ang handcarry bag niya at lumabas na siya ng kwarto at dire-deretso siyang lumabas ng condo. Pagbukas nga niya ng pinto ay nagulat pa siya nang makita niya si Red sa harap ng pinto ng condo niya. Napansin din niya na pati ito ay nagulat din. Napansin din niya na naiwan sa era ang kamay nito, mukhang kakatok pa lang ito sa pinto ng condo niya. "Red?" Gulat na banggit niya sa pangalan nito. Ibinaba naman nito ang kamay. "What are you doing here?" tanong naman niya ng makabawi siya sa pagkagulat, medyo kumunot din bahagya ang noo niya habang nakatitig siya dito. Tumaas naman ang isang kilay niya nang makitang kinamot nito ang batok nito. "Isasabay na sana kita sa pagpunta sa Batangas. Malayo ang biyahe, baka mapagod ka,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD