PASULYAP-sulyap si Red sa paligid. Hinahanap kasi niya si Valeen. Sa sandaling iyon ay nasa restaurant siya ng nasabing resort para kumain ng lunch. Nasa Private Resort na sila sa may Batangas ngayon. Pagdating nilang dalawa ni Valeen do'n ay agad niya itong inihatid sa room na naka-assign dito. Magkasama sa room si Valeen at sina Yvonne at Maggie. Samantalang kasama naman niya sa room si Tim. Marami kasi sila at medyo limited lang ang room. At nalaman din niya na sumama din pala ang second cousin niya na si Franco De Asis. Hindi nga niya maiwasan ang magtaka ng malaman niyang sumama ito. Eh, masyado itong workaholic. At wala sa vocabulary nito ang pumunta sa mga party tulad noon. Pero sabi naman ni Chassy sa kanya ay sumama si Franco dahil sa isang babae. Pagkahatid nga ni Red kay Vale

