NAPANGIWI si Valeen ng magising siya ay nananakit ang buong katawan niya. Lalo na ang ibabang bahagi ng katawan niya. Pilit naman niyang inaalala ang nangyari at ang dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman ng katawan niya. Para siyang binugbog na ewan. Hanggang sa mapakagat siya ng ibabang labi ng maalala niya ang dahilan ng pananakit ng katawan niya. Kaninang umaga pala ay isinuko niya ang sarili kay Red. Paulit-ulit nga niyang sinuko ang sarili dito. Red was insatiable early in the morning. Paulit-ulit siya nitong inangkin hanggang sa pareho silang bagsak na dalawa. Sa katunayan inabot nga sila ng tanghali, makakapagpahinga sila at muli na naman silang magmi-make-love na dalawa. Para nga silang nakainom ng energy drink dahil hindi sila nauubusan ng enerhiya. Lalo na ito, dahil pag

