PINATAY na ni Valeen ang shower nang matapos siya sa paliligo. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang nakasabit na puting towel na nasa loob ng banyo at itinapi niya iyon sa katawan niya. Ganoon ang suot niya ng lumabas siya ng banyo para kunin naman ang kanyang damit. Hindi kasi niya iyon nakuha sa ibabaw ng kama ni Red noong pumasok siya sa banyo para maligo. Nasa condo pa siya ni Red sa sandaling iyon. Kanina kasi noong magising silang dalawa ay sinabi nitong kumain muna sila ng breakfast bago siya nito ihatid sa condo niya. As usual ay si Red na naman ang nagluto ng breakfast nila. Lagi na lang siya nitong ini-spoil. At nang matapos silang kumain ay sinabi niya dito na maliligo mo na siya. Tuyo naman na iyong damit na nilabhan niya kagabi. Pinahiram kasi siya ni Red ng damit pantulog

