"PASOK ka mo na, Red," yaya ni Valeen kay Red pagkahatid nito sa kanya sa tapat ng condo niya. Hindi naman ito nagdalawang isip, tumango ito bilang pagpayag. Binuksan naman niya ang pinto ng condo niya at pumasok siya do'n. Naramdaman naman niya ang pagsunod sa kanya ni Red mula sa likod niya. At nang makapasok na sila sa loob ng condo niya ay nagulat na lang siya ng may matitupunong kamay na yumakap mula sa likod niya. Agad din niyang naramdaman ang init ng katawan nito sa sandaling iyon. "Stay still," husky ang boses na wika nito ng akmang gagalaw siya. Lalo lang naman humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya mula sa likod. Dikit na dikit nga oto at ramdam niya ang pamumukol sa ibabang parte ng katawan nito. Naramdaman din niya ang pagpatong ng baba nito sa ibabaw ng balikat niya. Hi

