NAPAHINTO si Valeen mula sa pagsakay niya sa kotse niya nang tumunog ang message alert tone ng cellphone na hawak niya. Tiningnan naman niya kung sino ang nagpadala ng mensahe sa kanya at hindi na naman niya napigilan ang pagsasalubong ng mga kilay nang makita na unknown number na naman ang nagpadala ng message sa kanya. Hindi na naman niya kailangan na basahin ang ipinadala nito dahil may ideya na siya. Iisa lang naman kasi ang sinasabi nito sa text message nito. May ideya na din si Valeen kung sino ang nagpapadala ng text message sa kanya. Walang iba kundi ang stalker niya--na nagpapanggap na si Andress Tiu. Noong malaman din ni Valeen na iyong stalker niya noong nag-aaral siya at ang stalker niya ngayon ay iisa ay sinubukan niyang tumawag sa Admin Office kung saan siya nag-aral dati. N

