YAKAP ni Valeen ang kanyang sarili habang nakatingin siya sa bawat pagpatak ng ulan ng maramdaman niyang may pumatong na jacket sa balikat niya. At nang tumingin siya sa kanyang likod ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Red. At mayamaya ay hindi niya mapigilan ang manlaki ng mga mata ng bigla siya nitong akbayan. Napatingin naman siya sa paligid nila at nakahinga siya ng maluwag ng wala siyang makitang ibang tao na naroon. Ibinalik naman niya ang tingin kay Red na ngayon ay ngising-ngisi. Hindi kasi siya sanay sa PDA. At matagal-tagal din na panahon simula no’ng may makalapit na lalaki sa kanya kaya medyo nangangapa pa siya. Tumawa naman ng mahina si Red nang makita nito ang naging reaksiyon niya. Inirapan naman niya ito, pagkatapos ay pilit niyang inaalis ang kamay nitong nasa balik

