Chapter 34: Her Hero Bumuntong-hininga ako habang pinapanood si Aiden na linisin ang kalat namin. Ayaw niya akong patayuin kaya nakaupo pa rin ako habang siya ay naglilinis. Pero maya-maya pa ay may naramdaman akong kakaibang enerhiya na mukhang naramdaman rin niya dahil napatigil siya sa kaniyang ginagawa. Nagkatinginan kami bago siya lumapit sa’kin at tinulungan ako tumayo. “They’re here,” he said na ikinangiti ko naman bago lumingon kung saan ko nararamdaman ang enerhiya na ‘yon at do’n ko nakita ang portal na unti-unting bumubukas. Naghintay kami ng ilang minuto hanggang sa may makita na akong mga pigura na ikinasaya ko. Nakangiti ako ng malawak at tatakbo na sana papalapit sa mga taong ‘yon ng bigla akong pigilan ni Aiden sa bewang. “Don’t run,” pigil niya na ikinasimangot ko na

