Chapter 33: Penelope, The Blue-Fire Phoenix Guardian Third Person’s Point Of View Habang nilalaban ni Aiden ang leader ng mga rogues vampires ay bigla na lamang nilang naramdaman ang isang nagagalit at nakakakilabot na aura. Nakilala naman ito ng Prinsepe dahil sa ilang beses na na-encounter niya ito. Iniisip niyang baka nilabas ni Lara si Zephyr upang humingi ng tulong. “f**k!” Rinig naman niyang mura ng kalaban niya dahil naramdaman rin nito ang aura na ‘yon. Kita naman niya ang takot na dumaan sa mga mata nito kaya natauwa siya sa nakikita. Akmang susugod na ulit ang Prinsepe ng bigla nalang itong mawala sa harapan niya at nakita na lamang ito sa isa sa taas ng puno habang nakangisi sa kaniya. “Hanggang sa muli, Mahal na Prinsepe.” pagpapaalam nito na siyang ikinagalit ng Prinsepe

