KABANATA 14

2485 Words
SYL POV I thought this way can't really be easy for me cause it's an days have just come when i came here in CU... but why I was... I started to leaning my self to be part of this community.... Bakit ganito nararamdaman ko... bakit parang gusto kong manatili pero kalahati nito ang kahustuhang umalis... Dinala ako muli ni Supremo sa roof top ng building ng mga 4th year... Nakatayo lamang siya mula pa kanina nung dumating kami rito ilang minuto na ang nakakalipas... Gusto kong magsalita subalit... subalit tila ba parang may mapumutol ng dila ko kung kaya't hindi ko masambit ang nais kong sabihin... ilang sandali ay dumating si Crissa... "Jackson!!?..." nagaalalang sambit nito na agad kumaripas ng lapit kay Supremo... niyakap nya si Supremo habang seryoso lamang ang titig nito kay Crissa... "Ayos ka lang ba? Nabalitaan ko yung nangyari sa office ng dean... Jackson magsalita ka..!!?" Singhal nito kay Supremo... tila ba parang nanliit ako mula sa kinatatayuan ko dahil ngayong alam kong girlfriend nya si Crissa ay... ay... ano na lang ako?... Slave... Slave ka lang... Syl hanggang dun lang... Ilang minuto din ay dumating na rin sina Liam at Klark... at ang iba pa... nilapitan nila ako... "Syl?... bakit ka.. umiiyak?.." nagaalalang sambit ni Yuki... Huh?... dahan-dahan kong hinawakan ang aking pisngi.... bakit?... bakit ganito? Niyakap ako ni Yuki at isinandal sa kanyang dibdib.... "Liam?..." sambit ni Torrence.... "Sa tingin ko kailangan nya ng magpahinga..." dugtong ni Torrence... Ikinagulat namin ang sumunod na pangyayari.... "Bitaw..." seryosong tono ni Supremo habang nanatiling nakayakap sa kanya si Crissa... "Lumayo ka sa akin, manloloko ka..." muli nitong sambit na ikinabitaw ni Crissa sa kanya... Napaatras si Crissa at napalaki ang kanyang mata... na tila ba alam kung ano ang ibigsabihin ng itinuran ni Supremo... "Supremo... hayaan mo kong-.." Naglakad si Supremo paalis hindi na nya pinakinggan ang sasabihin ni Crissa at iniwan kami rito... "Liam... sige na kailangan ni Syl magpahinga..." sambit ni Klark na ikinatingin naming lahat sa kanya... Gulong-gulo ako ngayon.... sa ilang araw na nanirahan ako rito... nakaranas ako ng mga bagay na hindi ko inaasahan... at nakakilala ako ng mga taong biglaan ang pagdating sa buhay ko.... Ngayon ay nakasunod ako kay Liam... hindi na nakasunod sina Klark at ang iba dahil sa lugar na ito... lugar kung saan puro nasaitaas ang mga nakatira... Ang Dermitoryo ng mga Senior katulad ni Liam... malayo ito sa blue dorm lalo na sa dorm nina Klark... may isa pang gate papunta rito.... gaano ba kalaki ang CU?... Ang sinasabi ni Professor Obama na nasa itaas.. na namamahala rito.... anong kademonyohan ang ginagawa nila.... "Syl...." sambit ni Liam na nagpatigil sa akin sa paglalakad gayun din siya.... Nilingon niya ako... "Don't fell into a demon arms.." seryosong sambit nito... Huh?... hanggang ngayon ay hindi pa ako makapagsalita.. kahit na gustuhin ko... "Syl how i protect you if your not trusting me, gave me your trust and I'll give you all you need..." muli nitong sambit... "Liam...?.." munting sambit na aking nasabi.... Liam... How i can trust you.... give me some reasons... if you can take me for those thing... I'll trust you... Hinawakan nito ang aking kamay... "Let me introduce you my family..." nakangiting sambit nya sabay hila sa akin.... hindi ko maintindihan... family?... dito?... si Liam?... Dineretso namin ang daanan hanggang sa marating namin ang dulo at napaka layo nito... hanggang dalawa lamang ang palapag ng mga dorm dito pero napaka lawak at walang kahit na anong ingay na namamayani rito... parang halos lahat tulog na ngayong hapon... Napabangga ako sa isang trash can dahilan para matapon ito... "Hala..." bumitaw ako kay Liam at pinulot isa isa ang mga bottles ng inumin dito hanggang sa may .. "Let me help you.." napatalon ako sa aking pagkakayuko dahil sa gitla at napaupo sa lupa... "Anak ng pating!!!.." gulat kong sambit.... "Pating? HAHAHAHA how thoughtyou my name Shark?.." Shark?... edi pating nga.... Dahan-dahan kong inaninag ang mukha nitong gumulat sa akin.... isang matipunong lalaki na naka sombrelo ang pumungad sa akin... "Liam alam mo bang ang daming issue ang ginawa mo HAHAHAH at napakaintresting ng lahat ng iyon..." magiliw nitomg nilapitan si Liam... tumayo na rin ako at nagpagpag ng sarili habang nakatingin sa lalaki.... Singkit ito pero hindi ganun ka singkit... malawak din ang ngiti nito... kapantay lang din ni Liam... wala bang mas maliit sa akin dito? Hayst... "Hello pasensya na ah... HAHAHAHA..." ang saya saya nya... "Shark sya si Syl... friend ko..." ikinataas ng kilay ni Shark ang sinabi ni Liam... "Ikaw... kayo... magkaibigan?.." ang kwela nya... nagpahalumbaba ito habang mapanghusga nya akong tinignan... na ikinangiti ni Liam... "Baliw ka... she's one of us... so be nice to her... if you won't, I'll punch your face and remove your pancreas...." nakangising sambit ni Liam... Umakbay si Shark kay Liam na tila ba nililigaliw nya ito dahil ramdam ko din ang pagkadismaya sa mukha nito... takot yarn? "Nandyan ba si Tatang?..." sambit ni Liam kay Shark... "oo kanina ka pa hinihintay ni Tatang..." sambit ni Shark... Tatang? sino na naman yun? kasunod lamang nila ako na ngayon ay tinutungo ang isang malit a iskinita.. nakakaramdam ako ng kilabot subalit may halo ring pagtataka dahil wala halos tao akong nakita mula pa nung pinasok namin ang lugar na ito... napatigil ako sa paglalakad ng may maaninag na anino mula sa madilim na sulok sa kaliwang bahagi ng iskinitang tinatahak namin... nagpatuloy lamang sina Liam sa paglalakad habang ako ay nanatiling nakatingin mula rito... ikinagulat ko ng biglang gumalaw ito... na syang ikinasigaw ko.... "aaaaaaaaaaaaaah!!!" napatigil ako sa pagsigaw ng unti-unti itong lumalapit sa akin.. eto na ba yun? ganito ako mamatay?! napasandal ako sa pader at ako lang ba pero habang tinitignan ko ito ay lalo syang lumiliit.. o gumagapang siya? damn ngayon takot na talaga ako.... takot na takot na talaga ako.... hindi ko na alam gagawin ko... Liam balikan mo ko.... "arf.. awoof...arf..." aso? unti-uti akong nilapitan ng isang tutang kulay brown... eto na yun? eto yung dahilan kung bakit pinanligo ko ang aking pawis???? "Syl!!?" singhal ni Liam na agad kong tinignan.... pawis na pawis itong pumunta sa akin na may dala-dalang dos por dos... at may mga kasunod ito... ang dami nila... "Liam..." nilapitan nya ako at sinabi..."anong nangyari?" itinuro ko ang tuta... "HAHAHHAHAHAHA ang oa mo Liam.." sambit nila habang nauutas sa pagtawa... nantili silang nakatingin sa amin habnag nakangiti.. malayo ito sa aking inaasahan.... ano bang meron sa lugar na ito at naririto silang lahat.... "Pero ngayon lang ako ulit nakakita ng hayop dito ah..." nakamgusong sambit ni Shark na ngayon ay naka yuko at hawak sa kanyang tuhod... such as cute Shark... Ikinagulat ko ng may biglang nambatok sa kanya... "Hoy pating tumigil ka nga nagpapansin ka lang dun sa freshman.." tawang sambit nito... "Ikaw Hanny ang panget mo ka-bonding... arg!!" Kunot noong sambit nito habang nakahawak sa batok nito... Tumawa muli ito... nahihiwagaan ako... hindi ko alam na may roong ganitong babaeng na nakakangiti ng ganito sa lugar na ito... napangiti na lamang ako na agad nyang napuna... "Hmm..." nilapitan ako nito kaya inalis ko ang pagkakangisi ko... "Ilang taon ka na?..." tanong nito.. "Mag twenty na ako..." sambit ko... ewan ko ba.. bakit parang ang creepy nya... "ATE!!!!..." sigaw nito dahil sa tuwa... "Omy hindi ko alam na may matatawag akong Ate... ate ate... ate..!!!" Sobrang sya nya... napatawa rin nya ang mga kalalakihan rito... "Hanny itigil mo na yan... nandyan ba si Tatang?.." sambit ni Liam.. na ngayon ay hawak-hawak na ang tuta... "Anong gagawin mo dyan?.." tanong ko... "Hm.." itatapon ba nya?... o papatayin nila tapos kakainin... woy Senior Hudson itigil mo yan... "Balal ko sanang ibigay sayo gusto mo bang alagaan?..." sambit nito na agad kong ikina tungo-tungo... ngumiti ito bago ibigay sa akin ang tuta... "So ano ngayon ipapangalan mo dyan?......" sambit ni Shark.. "Hm.. may be we can call him Sa'yem?... ang cute lang pakinggan... hahaha..." ang awkward nung pagtawa ko pasensya na... nagtinginan sila sa akin... "Feeling ko nabusog na ako sa tawa mo..." sambit ng isa sa mga lalaki na agad naglagay ng ngiti sa mga mukha nilang lahat... hindi ko alam kung paano ba nila to nagagawa pero bakit ang layo naman ata ng ipinapakita nila sa mga expectations na inaakala kong ugali nila... may dapat ba akong ikatakot?... sa mga taong katulad nila... Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang isang kweba na puno ng mga tao... nagkakasayahan at halos lahat may pinagkakaabalahan... malayong malayo ito sa mga nakita ko sa loob ng CU... Subalit kapansin-pansin din ang disenyo na nakatakip rito na tila ba sinadyang ilagay upang maitago ang buong lugar..? Hinawakan ni Liam ang kamay ko at hinila papunta sa isang kubo na napapalibutan ng mga halaman... "Tatang...?" Sambit ni Liam... "Tatang naririto ba kayo?" Muling sambit ni Liam.. "Liam anak naririto ako..." anak?... ilang sandali ay may tumayo mula sa kubo at lumabas upang masilayan kami... "Tatang... si Syl po kaibigan ko..." sambit ni Liam... "Ay sya nga ba?... ija?..." nakangiting sambit nito sa akin... i think nasa mid 60s na sya pero ano naman ang ginagawa nya rito... Ngumiti ako sa kanya tanda ng paggalang ko... "Aba sa aking pagkakakaalam ay wala pang ibang nakakapukaw ng hihigit sa kahandahan ni Hanny subalit ija... yun ay nung hindi pa kita nasisilayan..." nakangiting sambit nito... "Tatang!!!?.." nakabusangot na sambit ni Hanny na ngayon ay nasa tabi ko pala... "Biro lang... biro lang Hanny.. anak ayos na ba ang hapagkainan.. ako ay nagugutom na..." mahinahong sambit nito... Hindi ko malaman kung anong tunay na edad nya dahil sa maayos nitong pustura at tayo... matipuno nitong katawan ay patuloy na namamayani... tila ba may taglay parin siyang lakas kahit na ganito sya... Ngayon ay nakaupo kami ngayon sa mahabang lamesa katabi si Shark na nasa gawing kaliwa ko at sa kanan ko naman ay si Hanny.... Di ko alam pero kanina pa nya ako dinadaldal... "Ate Syl... hello... siguradong masasarapan ka sa luto... si Senior Hudson..." oo nga pala kaya wala sya rito dahil isa sya sa nagluto.... Habang pinagmamasdan ko ang masasaya nilang mukha tila ba ang layo-layo ng CU mula rito kahit na nasa katabi lamang nito ito... "Hanny.... ilang taon na ba si Tatang... at Tatang ba talaga ang pangalan nya?..." sambit ko na ikinangiti nya at akmang magsasalita ito ng dumating na sina Liam dala-dala ang mga iniluto... na nagdala ng kaayusan sa lahat.... "Mamaya sasabihin ko sayo... but for now kain muna tayo... hehehehe..." Naiintindihan ko naman kaya ngumiti na lang ako dahil sa kacute'an nya sa pagkakabulong nito... Umupo si Liam sa tapat ko... malapit kami kay Tatang na nasa gitna nakaupo.... Nang maisaayos na ang lahat ay itinuon nila kay Tatang ang atensiyon.... "Ngayon ay napakagandang gabi dahilan upang magkaroon tayo ng bagong kaibigan na si Syl..." sambit nito... Tumingin ako kay Liam na nakangiting nakatingin sa akin... "Ang nais ko ay sana masayahan kayo sa inyong pagkain kung kaya't pinahihintulutan ko na kayong magsimulang kumain... salamat sa kaunting atensiyon.." sambit nito... Umupo si Tatang at katulad ng kanyang sinabi ay nagsimula na silang kumain... Ang nasa harapan ko ngayon ay kalderetang baboy kasama ang kanin at isang baso ng tubig... Tinikman ko ito.... "Ang sarap..." nakangiting turan ko... Tumingin ako kay Liam na nagsisimula ng kumain... Liam... Liam... salamat... Hindi ko sinasadyang maipukaw ang aking tingin kay Tatang na seryoso lamang na nakatingin sa akin... Napatigil ako sa pagkain dahil rito... abala lahat maski si Shark at Hanny... pati si Liam... ano bang problema... "Ikaw Syl, anong koneksiyon mo kay Jackson?..." seryosong tanong nito... na ikinatigil sa pagkain nina Liam... "Tatang,.." agad nagil ang pagsasalita ni Liam... "Ikaw... ano bang sinabi sayo ng Dean?... bakit hindi ka makuntento sa isa?... tama bang ugaliin yan?..." seryosong sambit nito... Naging sobra ba ang pagiging kampante ko?,.. Napatigil ang lahat dahil sa buo nitong boses.... "Bakit?... sabihin mo sa akin... saan ka galing?... at sa ilang araw mo rito ang daming gulo na ang nangyari..." sambit nito... " saka si Klark..." dugtong nito... Si Klark... "Una dun sa fountain... sunod pagagaw mo kay Supremo mula kay Crissa at ginawa mo syang master, kasunod nuon gulo nyo ni Alpha 6740 Troy... pagkatapos yung mga kalalakihang halos mabaog na dahil sa sakit ng pagkakahampas.. ngayon si Liam... ano to reunion... HAHAHAHAHA... ano ka ba homeless?" nanliliit ako mula sa aking pagkakaupo... Na tila ba parang mula pa nung una hindi na ako welcome sa lugar na ito... napilitan lang sila dahil.... "Kanino mo ba talaga gustong tumabi sa kama... kay Klark... Supremo o kay Liam?... sa pagkakaalam ko tinabihan mo na si Supremo.. ngayon-" napatigil sya sa pagsasalita ng biglang tumayo si Liam... Akma itong magsasalita ng agad akong tumayo... "Pasensya po sa abala... malaking kabastusan ito subalit... sobrang... sobrang nakakahiyang maiharap pa sa inyo ang mukha ng isang homeless...." agad akong kumaripas ng alis... Lakad takbo... takbo lakad... hindi ko naramdaman ang pagsunod ni Liam... siguradong dahil yun kanina... bago ako umalis ay narinig kong inutusan ni Tatang na harangin si Liam... Saan ba ako lulugar... Pagabi na ngayon at patuloy kong timatakbo ang palabas ng lugar na ito... dahil ang daan na madadaanan palabas ay CU muli... at ang dorm nina Klark ay nasa kabila pa nito... alam kong malayo pero kailangan kong makapunta ruon... Habang binabagkas ko ang daan patungo ruon ay nakakabinging katahimikan ang namamayani rito.... "Supremo..." sa sandaling masambit ko ito ay nakaramdam ako ng pamumuo ng luha at pananamlay dahilan para hindi ko maigalaw ang aking mga paa... Supremo... Supremo.... Supremo... Di ba dapat.. nagpunta ako sa dorm nina Klark... Bakit ako nandito sa tapat ng gate ng Blue dorm... wala na akong lugar dito... wala na akong... "HA HA HAHA...." putol kong tawa... naiinis ako... "HAHAHAHA... HAHAHAHA... HAHAHAHAH..." Nababaliw na ako... naiiyak ako.. Habang patuloy akong tumatawa ay pagbuhos ng aking luha... "Ayoko na!!!!... pagod na ako..." napaupo na lamang ako sa lupa... at aking pinagsusuntok ang lupa... ano bang nagawa ko... ang sama ng tingin nya sa akin... Walang tigil kong pinagsusuntok ang lupa hanggang sa may humawak ng dalawa kong kamay... "Ms. Whitlock enough..." Supremo!? Agad ko itong nilingon ..." tumayo ka, bakit ka naririto?..." sambit nito... Agad ko itong niyakap... "Supremo... saan ba ako lulugar?... may lugar ba ako rito... Supremo... Su-supremo..." sobrang higpit ng yakap ko kay Supremo... Hindi ko alam... pero ayokong humiwalay kay Supremo... "Syl bakit ka naririto, hindi ba dapat naruon ka ngayon kay-.." napatigil ito sa pagsasalita ng abutin ko ng tingin ang mukha nya... "Supremo... how would i put my self away on you if i feel safe with you..." i feel unwanted kapag wala ako sa tabi mo... "dapat ba ako maniwala sa Dean Supremo?... sabihin mong hindi at mananatili ako sayo..." muli kong sambit... Binuhat ako ni Supremo... Hindi ko alam... pero... may hindi ako maintindihang nararamdaman kapag kasama ka...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD