KABANATA 17

2607 Words
SYL POV Liam is so much take my curiosity.... he's now laying on the sofa here in his room... i thought this night will likely just i experience from Supremo but it isn't... I didn't know if my decisions will be good... pero mula ngayon... magtitiwala ako sa kanila, choice na nila kung lolokohin nila ako... pero sana... sana.. sana tama mga desisyon ko... Ilang araw ang lumipas at nanatiling si Liam ang master ko... wala naman naging pagbabago mula kay Liam... sobrang bilis ng oras... hindi ko na nga napansin na magtatatlong linggo na ako rito.. Mas nakausap ko na sina Yuki, Clinton, Torrence at Ashme... tuwing lunch sama-sama kaming pito kasama si Klark at Liam na kumakain sa cafeteria.... Ngayon ay unang araw ng paghahanda dahil sa sports fest... tatlong araw na foundation day nila... dahil daw sa nalalapit na newbie hunt pang 41 years of Curse University... "Syl!?... kanina pa kita hinahanap e... saan-saan ka nagpupunta..." singhal ni Yuki... hayst Yuki... walang nagbabago sayo kahit konti... ang kulit mo parin... hinila nya ako at sabay kaming umalis sa dorm room namin ni Liam... Nagpunta kami sa clothes shop... "Bakit tayo naririto?..." tanong ko pero hindi nya ako pinansin dahil abala ito sa pagkuha ng mga damit... san ba nya susuotin ang mga ito... bukas pa naman ang sport fest ah... need ba talagang ganito? "Eto isukat mo..." sambit nya sabay hagis sa akin ng napili nya.. agad ko itong nasambot.. "Yuki!?..." kunot noong sambit ko na ikinatawa nya... Nagtawanan lang kami... humarap ako sa salamin at inilapat ang ibinigay ni Yuki... ang ganda kaso sobrang ikli naman ata nitong skirt at ito namang Xtra size t-shirt na kulay puti at sobra sa laki... "Hindi ba parang-?" Natigilan ako sa pagsasalita ng makita si Ashme... teka Ashme?... tumingin ako kay Yuki pero abala parin ito sa pagpili ng damit.... Sige babalikan na lang kita... isasama ko dito si Ashme... Agad akong lumabas at hinanap si Ashme... teka nasan na sya?! "Ayun... Ashme!!!" Sinundan ko ito hanggang sa makarating kami sa bandang dulo at nakita ang pagpunta ni Ashme sa gubat.... Huh? Ano naman ang gagawin nya dito? Nang tumigil sya ay agad akong nagtago... mukhang may kikitain sya dito... Hindi naman siguro importanteng màlaman ko ito saka... HAHAHAH si Ashme to hindi ako dapat magisip ng mali.... Akmang aalis na ako ng makita ko ang paglapit ng mga grupo ng lalaki sa kanya... teka... kilala ko yung lalaking yun ah?... sya yung lalaki nung huli... yung nambastos sa akin... anong ginagawa nya dito..?... Hindi ko marinig ang usapan nila pero wala namang masamang nangyayari dito... ilang minuto din ay umalis ang mga lalaki... subalit mukhang may sinabi sila o si Ashme sa kanila?.. Nang makalayo na sila ay agad kong hinila si Ashme... "Ashme anong ginagawa mo dito!?..." agad kong tanong nanlaki ang mata nito at napalingon-lingon... "Syl?.." "Bakit mo sila kinausap? May problema ba?... sabihin mo sa akin... meron ba!?" Sambit ko.. "Ka-kanina mo pa ba ako sinusundan?.." nauutal nitong sambit... bakit ganito na sya bigla?... "ano?.." "HAHAHAHAHA wala iyon... hindi naman importante kaya wag mo ng alamin... tayo na..." akmang aalis na ito ng hawakan ko ang braso nya... nagulat ako sa kanyang naging asta... "Bitawan mo ko... wag mo kong hahawakan... umalis ka at kalimutan mo ang nakita mo...!!" Galit itong umalis... Ano, ano bang nangyayari Ashme?... Binalikan ko si Yuki na ngayon ay nakatayo lamang sa harapan ng clothes shop kasama si Liam. Nang makita nya ako ay agad nya akong nilapitan.... "Ikaw Syl... saan ka ba galing... kala ko kung napano ka na... kaya tinawag ko si Liam..." sambit nito.. "Saan ka ba galing Syl?..." kunot noong tanong ni Liam na naka jersey... at nakapanlaro na... "mukhang training nyo ngayon ah"... nakangiti kong sambit "Mas naging pogi ka sa suot mo ngayon Liam..." dugtong ko na ikinatanggal ng busangot nyang mukha... he's ears turn on red... how silly Liam... "Ah... oo wag mong baguhin yung topic Syl..." naiilang na sambit ni Liam na bigla kong ikinatawa... "HAHAHAHAH ano Liam, okay lang ako... wala kang dapat ipagalala... si Ashme ang inaalala ko..." sambit ko.. "Si Ashme?.." patanong na sambit ni Yuki... "Ah wala baka bad mood lang sya ngayon... Liam nasaan si Klark, gusto ko sana syang makausap.." sambit ko na ikinaseryoso nito.. "Mukhang maayos ka naman, aalis na ako..." hinabol ko ito at tumayo sa harap nya... "Liam, importante kasi... kaya gusto ko syang makausap..." seryoso kong sambit... "Ano bang?..., tsk nasa court nagprapractice kami..." ngumiti ako sa sinabi ni Liam... Kasama si Yuki ay nagpunta kami sa court... Inilibot ko ang aking tingin sa buong lugar napalaglag panga na lamang ako sa laki nito... triple ito sa ordinaryong court... hindi na nakakapagtaka dahil sa dami ng studyante rito... "Wyatt!!" Sigaw ni Liam.. agad kong itinungo duon ang aking tingin... "Klark?.." mahina kong sambit.. Damn... anong kaharasan na naman to lord... he's not wearing tops... nagaayos sya ng bola kasama ni Torrence.... Bigla akong pinasukan ng lamig sa katawan... he's slaying dude... nakalimutan kong nasa impyerno ako dahil sa anghel na papalapit sa akin... however even he's have scars in his body... still hot... "Bakit?... Hello Syl..." sambit nito sabay lagok ng tubig... natulala na ako hindi ako makakurap... Syl hoy... pigilan mo... Ikinagulat ko ang biglang pagharang ng isang kamay sa aking mata... "pervert..." sambit nito na ikinainis ko hinarap ko ito at sinabi... "hindi kaya...!!!" Supremo? Another man who's not wearing tops... mukhang hindi sports fest yung mangyayare parang contest... lord... help.. Napakurap-kurap ako at lumayo sa kanila... nagtago ako sa likuran ni Liam.... "magdamit nga kayo... bago nyo ko kausapin pagala-gala kayo..." sambit ko na ikinatawa nilang lahat... "Kunware ka pa gusto mo din naman ang nakikita mo..." bulong ni Liam... hinampas ko ang likod nito at napalayo siya sa akin... "Aray ko... HAHAHAH... defensive Syl..." natatawang sambit nito... tss... inaaway nila ako oh Kuya Dyl... Napatingin ako kay Supremo na akangiting nagdadamit subalit napawi din ito ng biglaan ang pagtingin ko sa kanya.... pervert daw... pasampal bente... "Bakit mo ko hinahanap?..." sambit ni Klark na nakadamit na at nainom parin ng tubig... "Pwedeng tayo lang?" Sambit ko... nagtinginan sa amin silang lahat... "Gaano ba ka importante yan Syl?.." kunot noong tanong ni Liam... "Basta... 10 minutes lang please...?" Sambit ko rito.... bigla itong umalis at nagtungo kay Torrence... "Tayo na..." sambit ni Klark... nginitian ko ito at sumunod sa kanya... nagpunta kami sa labas ng court... "Syl?-" "about Ashme..?" Sambit ko na ikinatingin nya sa akin... "What about Ashme?.." tanong ni Klark... "Nakita ko sya kanina, sinundan ko sya at nakita ko yung same person before na sinuntok mo... kinausap nya ito...." "Then what?..." seryosong tanong ni Klark... "Mukhang may problema si Ashme... nagaalala ako... baka kung anong merong mangyaring masama sa kanya..." sambit ko.. Nanatiling nakatingin sa akin si Klark na tila ba nagiisip din kung anong nangyayari... "Don't mind Ashme... hindi ko sya hahayaan masaktan..." sambit ni Klark... Nginitian ko sya at akmang aalis na ako ng makita ko si Ashme.... kinawayan ko ito at dahil napatigil ito ay lalapitan ko sana sya ng biglang sumulpot kung saan si Crissa at niyakap si Ashme... Masayang masaya si Crissa pero nanatiling nakatingin sa akin si Ashme na tila ba ewan, may nararamdaman ako biglang hindi ko maipaliwanag... "Syl..." sambit ni Klark... tumayo ito at nilapitan ako... "Don't worry at Ashme... Crissa and Ashme are friends..." huh?... magkaibigan?... sila?.... "Balik na tayo sa loob Syl, masyadong mahangin dito sa labas... magprapractice din kami..." "Ah sige..." si Crissa... at Ashme... mag kaibigan?... "Go!!! Beast Wreckers!!!!" Sigaw ng mga babaeng nanonood ng practice nina Liam.... may 12 members sila, kasama si Liam, Klark, Torrence, Supremo, at Clinton, teka ngayon ko lang sya nakita san sya galing?.. "Syl!?" Sambit ng kung sino sa tabi ko... "Isabelle!?" Nakangiting sambit ko... "HAHAHAHA hello Syl, namiss kita..." sambit nito. "Kamusta ka na? Hindi kita nakita ah... ngayon lang nga..." sambit ko... "mamaya tayo magusap... manonood muna tayo..." sambit nito... "Hi? Syl?..." sambit ng kung sino mula sa likuran ko... " Hanny?" Nginitian ako nito at sumingit sa pagitan namin ni Yuki.... "ayy ano ba yan.." natatawang sambit ni Yuki... "Sorry Yuki, naku dito na ako ah... HAHAHAAHAH..." baliw talaga... "Teka bakit nandito ka?..." syempre manonood loko ka talag Syl.. "Ah kasali kasi si Shark sa practice nila... kaya nandito ako kawawa naman sya kung walang susuporta sa kanya... hindi kasi sya famous dito..." nakangiting sambit nya... "SHARK ROBLES!!!!" Tinanaw ko ang mga babaeng sumisigaw, nakita ko si Shark na kinawayan ang mga ito... "tss..." tinignan ko si Hanny na ngayon ay nakabusangot... Ah okay hindi pala famous ah... sige HAHAHAHAHA.. "Wag nga kayong maharot sa unahan, ang gugulo nyo!!!" Sigaw ni Crissa na nasa likod namin... nilingon namin ito at nakitang kasama parin si Ashme... Ashme...? Tila ba kahit practice lamang ang nagaganap ay larong laro na ang dating dahil sa mga nagsisipuntahan dito para makita sila. Hindi ko alam na sa lugar na ito ay may ganitong kasiyahan... "Go! BW!!!" Sigaw ni Yuki, Isabelle at Hanny. Kulay asul sila kaya ang pompoms ko ay blue syempre sino ba dapat suportahan ko sila di ba!? May dumating na ibang grupo, tila sila ang makakalaban nila sa practice.... napuno ng hiyawan dahil sa mga ito... "Kiro!! Buntisin mo na ako!!!" Aba minor ija itigil mo yan!!!? Sinasabi ko sayo... HAHAHAHAH... Nagsimula na ang laro... nagpunta na sila sa kani-kanilang puwesto, tumingin ako kay Liam at saktong nahagip nya ang aking tingin... Nginitian ko ito at iniwagay-way ang pompoms... "Go Liam!" Dikta ng labi ko.. napangiti nito si Liam at nanguna katabi ni Supremo na nakatingin din pala sa akin.... jusko parang pinapatay nya na ako sa tingin nyang to... "Go Mahal!!!" Sigaw ni Crissa... nabalot ng tilian ang paligid subalit ikina kunot lamang ito ng noo ni Supremo... "Handa?!" Sigaw ng referi.... at pumito... nagsimula ang laban... Naagaw ng kabilang sides ang bola subalit patuloy na nakaabang sina Shark at Clinton rito... nanatiling nakatayo at nakaabang si Liam, Supremo at Klark sa gawing base nila... Naagaw ni Torrence ang bola at dali-daling ipinasa kay Clinton... "Wohhhh go Clint!!!!" Sigaw ni Yuki na napatayo na sa kilig ewan ko ba... tila ba ang laki na ng pinagbago nilang dalawa ni Clinton... tumingin rito si Clinton at kinindatan si Yuki... timuro nya ito bago ishoot ang bola... Unang points para sa team nila Liam.... Hindi ko alam kung paano sila nakakapagsaya... hindi ko alam kung bakit sa gantong lugar nahanap nila yung saya.... Dean... Professor Obama, should i believe you?... makakalabas ba kami dito?... kung magtitiwala ako sayo?.. tumingin ako kay Supremo... Tila pagod ito at wala sa focus.... nasagi sya ng kalaban dahilan para matumba ito.... pumito ang referi.... "Pasensya na supremo... supremo hindi ko sinasadya!?" Nakaluhod na sambit ng lalaki... agad akong napatayo at dahan-dahan na humakbang papalapit kay Supremo... Nakakunot ang noo nito habang iniinda ang sakit sa kung saan man sa katawan nya... Nang magtagpo ang aming mga mata ay nawala ito... "Yan kase hindi nagiingat, kalaki-laking tao wala sa focus..." nakangising sambit ko sabay taas ng kilay... napangisi si Supremo.. pero hindi ito asar.. o inis.. ewan ko sa kanya.. "Ano ba alam mo dito?..." taas kilay na sambit ni Supremo... tumingin ako sa lalaking nakaluhod... sinenyasan ko itong umalis pero hindi nya ako sinunod... oo nga naman sino ba ako... "Alis na..." "Opo opo eto na..." gitlang sambit ng lalaki... agad itong umalis... Now, what's your plan Syl... tss hindi ko din alam planado ba? O sadyang ginusto kong tumayo ruon at puntahan sya... "So tell me paano ba maglaro?..." sinenyasan nya ang may hawak ng bola na ibigay sa akin ito... "turuan mo ko..." dugtong nito... Lumapit si Liam at inilayo ako mula kay Supremo... itinuon ko rito ang aking tingin, ikinagulat namin ang biglaang pagsulpot ni Crissa. "Mahal, ayos ka lang ba?.." "Umalis ka dito.." kunot noong sambit ni Supremo.. tumayo ito at diretsong tumingin sa akin.. Hindi kami tumitigil sa paglalakad ni Liam ng biglang naglakad paharap si Supremo mabilis ang paghakbang nya hanggang sa mahawakan nya ang braso ni Liam at agad agarang sinapak ito... "Liam!!!" Tarantang sambit ko... nagsialisan ang mga studyante at nagpalitan ng mabibigat na kamao ang dalawang ito... Umawat sina Klark at Torrence mula sa kanila subalit mas malakas si Supremo.. Supremo.... Liam... Ikinagulat ko ng biglang may humawak ng braso ko at may itinutok na patalim mula sa leeg ko... Bahagyang itinungo nito ang aking mukha para mailapat mg mas malapit ang patalim... "Professor Obama?..." "Hi Syl.." nakangiting sambit nito... he's an evil, what the..- Nagsitilian ang mga babaeng nakatingin sa amin... dahilan para mapatingin din sa aming direksiyon sina Supremo. Napatigil ito at lumapit sa amin gayun din si Liam... "Mr. Obama, you're here..." hingal na sambit ni Supremo habang seryoso ito nakating sa patalim na nakadampi sa leeg ko... Nangangawit na ako... "Oh see tumigil kayo... sabi ko na eto lang paraan para mapatigil kayo..." nakaramdam na ako ng mga kung anong pumapatak mula sa leeg ko... "Syl..." kunot noong sigaw ni Liam... "Hindi sya mamatay, pinapangako ko yan... HAHAHAHAAH" Sambit ni Professor Obama, this man... baliw sya... "Bitawan mo siya Mr. Obama." Seryosong sambit ni Supremo... Inalis nito ang patalim subalit nanatiling nakahawak ito sa aking braso... oo dugo nga ito... at ang bilis nitong tumutulo mula sa aking leeg... "Maguusap kami ni Ms. Whitlock, " akmang lalapit si Supremo ng biglang may mga armandong mga kalalakihan ang pumasok sa court.. "One step Supremo and all of you will die..." nabalot ng kilabot ang buong court dahil lahat ng mga studyanteng naiwan dito ay nanatiling naririto.. "It's seems na pinagaagawam nyo parin si Syl kahit na si Liam na ang aking napili para maging master nya." Nakangising sambit ni Professor Obama. "Ngayon sagutin mo ko Syl, sinunod mo ba ang kondisyon ko?.." dugtong nito... Fuck you, Professor Obama... "Anong kondisyon iyon?..." seryosoong tanong ni Supremo... "HAHAHAHAHAHAH.... Supremo, sinabi ko kay Syl na palalabasin ko na silang magkakabigan dito kapag..." lalong tumitindi ang tensiyon dito.... lahat ay nanatiling nalalagay sa panganib... dahil sa akin... I'm sorry.. "Kapag nilayuan ka nya..." ngumisi ito na tila ba iniinis nya si Supremo... tumingin sa akin si Supremo, hindi ko na napigilang mapaiyak dahil dito.... "Sinunod ko ang gusto mo... sadyang.. sadyang hindi ko lang maipagpatuloy,.." sambit ko... oo ewan ko... basta yun ang totoo... Tumawa si Professor Obama , he laughed at all this time... "Sa tingin mo, kahit na ginawa mo yun makakaalis nga kayo rito?" Nakangising sambit nito.. Ha? Ano? Naglakad ito palapit kay Supremo, nilapitan ako ng mga armadong lalaki at tinutukan ng baril... "Tila naniniwala sya na makakaalis pa sya dito... Supremo, HAAHHAAH.." Tumingin ako kay Supremo at nakatingin lang din ito ng diretso sa akin...Supremo... "Sa tingin mo Supremo?..." sambit ng Dean habang nakaakbay kay Supremo... "mapakikitaan natin si Syl?..." tinulak ni Supremo si Professor Obama dahilan para tumalsik ito... subalit tinawanan nya lamang ito... "HAHAHAHA nagugustuhan ko ang mga nangyayari,..." baliw na sya.. "Ihanda nyo si Ms. Whitlock, isasali natin sya sa Bidding war pagkatapos ng dalawang araw..." natatawang sambit nito... "Teka..." humarap sya sa amin.... "Professor Obama, hindi pwede yung gusto mo..." galit na sambit ni Klark... "walang sport fest na mangyayari.. bukas na bukas... gaganapin ang bidding war.." nakangising sambit nya bago maglakad paalis... Hinawakan ako ng mga aramadong lalaki.... "bitawan mo!!!" Sigaw ni Supremo.... inambangan nila Klark ang mga ito... subalit masyadong marahas ang mga ito... tinutukan nila ng baril sina Supremo.... Kinaladkad nila ako palabas... bidding war?... "Supremo..." guhit ng labi ko habang nakatingin sa kanya ng diretso... Im so sorry....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD